Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa sinapit nang halos 60 kataong walang awang kinatay ng mga walang kaluluwang demonyo sa Maguindanao.
Kahapon, inialay ni Fr Gob Yaptiongco ang kaniyang banal na misa sa St Mary’s Church dito sa Dubai para sa ikatatahimik ng mga kaluluwa nang ating mga pinaslang na kapatid sa hanapbuhay.
Naglutangan ang mga kabaro nating peryodista upang makiisa sa panawagan ng Filipino Press Club na ipakita ang paghihinagpis ng industriya at isabuhay ang statement na naunang inilabas ng grupo. Pawang absent ang mga hao-shao o yung mga "feeling" journalist.
Sa aming paglabas sa simbahan, bigla akong kinabitan nang lapel mic ni koyang Dindo Amparo na minsan ko na ring nakasabayan sa isang coverage sa Mindanao noong panahong sa Pilipinas pa kami nakabase.
Natameme ako sa tanong niya na kung sakaling babalik ako sa Pilipinas, tatanggap pa rin ba ako nang assignment sa Mindanao?
Mahirap magtapang-tapangan lalo na’t naumpisahan na ang hayagang pagkatay sa mga mamamahayag. Kung pogi points lang ang habol ko, madaling sabihing “Oo. Pupunta pa rin ako dahil hindi tayo dapat matakot!”
Pero naiba na ang kalakaran. Fair game na o talo-talo na ang media. Hindi na maaaring gawing kalasag ang aming mga press cards.
Aminin man o hindi, binalot na nang gimbal ang hanay ng mga mamamahayag hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Ang 11/23 massacre sa Maguindanao ang 9/11 ng journalism. Mula Nobyembre 23, 2009, nabago na ang ikot nang aming mundo.
Habang iniisip ko ang sinapit ng aming mga kabaro, bigla kong naalala ang minsang pagtapak ko sa Central Mindanao para sa aming coverage noong 2004 presidential elections. Nag-cover kami sa biyaheng Socsargen ng K-4, ang pro-administration coalition na lumahok sa kontrobersyal na 2004 elections. Tinanggap ko ang assignment dahil sa hindi ko pa nararating ang Central Mindanao.
Gusto kong makita kung ano ba ang hitsura ng Cotabato na una kong narinig sa kanta ng Asin. Gusto kong makita ang Maguindanao na noo’y distrito nang isa sa mga makukulay na personalidad sa pulitika na si Didagen Dilangalen.
Gusto kong makita ang bayan ng Marbel na sumikat dahil doon nagmula ang magaling na basketbolistang si Kenneth Duremdes kung kaya siya nabansagang "Captain Marvel". Nais ko ring makarating sa bayan ng aking mga kaibigan gaya ng Tupi – hometown ng aming dating katunggali sa pulitika sa San Beda na si Atty Nonoy Rojas – at ang lungsod ng Tacurong sa Sultan Kudarat kung saan naman nagmula ang aking naging kaklase sa College of Law na si Germin “Justice” Umadhay.
Op kors, ang highlight ay ang pagpipista sa mga bagong hangong tuna mula sa GenSan at ang pagsilip sa lugar na tinatawag na Isla Parilya sa lalawigan ng Saranggani.
Gaya marahil nang mga napaslang na mga mamamahayag bago sila tumulak sa kanilang huling biyahe, excited rin ang grupo namin nang magkita-kita kami sa NAIA Centennial Terminal. Doon pa lang ay pinag-uusapan na namin ng aming kabise ang pamosong mga seafood sa GenSan at ang pagbili ng ghutra o yung bandana na pinasikat ng mga Abu Sayyaf. Hindi na namin pinag-usapan ang mga posibleng istorya dahil sa de-kahon naman kadalasan ang mga ito. Ang usual target lang ay ang makapanayam ang mga local politicians at pagsalitain tungkol sa mga national issues at quota na kami.
Ang tanging inabangan lang namin noon ay kung ano ang magiging reaksyon ni Lani Mercado na noo’y proxy ng kaniyang asawang si Bong sa patutsada ni Miriam na mga walang utak at di karapat-dapat ihalal ang mga showbiz na kandidato (nakalimutan ni Miriam na kapartido niya sina Bong at Lito Lapid). Si Lani ang pinagpaplanuhan naming silihan dahil sa consistent namang bahag ang buntot ni Leon Guerrero at siguradong wala kaming mapipiga sa chairman ng Committee on Silence.
Smooth as silk ang paglapag namin sa paliparan ng Cotabato. Maraming taong sumalubong sa airport – hakot ng mga local na pulitiko. Mukha namang tahimik at malayo sa titik ng kantang Asin na “kasing gulo ng tao, kasing gulo ng mundo” ang paligid.
Habang binabagtas nang aming convoy ang daan patungo sa isang hotel kung saan may naka-schedule na press conference, kapansin-pansing wala masyadong modernong istraktura sa lugar. May mangilan-ngilang konkretong gusali na hanggang limang palapag at may Jollibee!
Sa pagliko nang aming van, biglang bumulaga ang isang Simba APC ng army na nakaparada ilang metro ang layo mula sa isang mosque. Kumpirmado na ngang nasa Mindanao na kami.
Nang dumating kami sa pagdarausan ng presscon, binulungan ko si Niel Mugas na noo’y reporter ng Manila Times. “Umayos ka nang kilos dito.ha. Nakita mo yang mga nakatambay na ‘yan? Mga Ilaga yan, kakatayin ka niyan kapag di nila nagustuhan kilos mo,” pabirong panakot ko kay Niel. Mukha namang tumalab dahil behaved ang usual na magaslaw na hitad.
Pagpasok namin sa function room, agad kong nakita ang kakilalang correspondent ng Inquirer na si Nash Maulana na huli kong nakita sa Maynila noong panahong public works secretary si Simeon Datumanong. May ibinida sa aming istorya si Nash subalit nakalimutan ko na kung ano yun. Ang naalala ko lang ay ayaw niyang sumama sa aming pag-iikot dahil may nagagalit raw sa ginawa niyang istorya.
Nasa kabilang mesa naman ang isa pang grupo ng local media kung saan nakagrupo si Bong Reblando ng Bulletin. Nilapitan ko ang grupo at kinamayan si Bong at tinanong kung boboto ba siya sa National Press Club elections Walang palya sa pagboto sa NPC elections si Bong at madalas rin itong tumambay sa Press Club sa tuwing lumuluwas siya ng Maynila kung kaya’t marami siyang naging kaibigang Manila-based media.
May mga ipinakilala sa aming mga local media sina Nash at Bong. Hindi malayong isa o ilan pa sa kanila ang nakasama ni Bong sa mahigit 30 mamamahayag na kinatay sa Maguindanao.
Sa aming pag-iikot sa Socsargen, kitang-kita ang kasalatan sa imprastraktura ang rehiyon. Mas marami pang waiting shed, tangke ng tubig at billboard kung saan nakapinta ang pangalan ng mga pulitiko kesa sa mga eskwelahan, health center, palengke at iba pang pasilidad.
Hindi pa man tuluyang kumakagat ang dilim, kapansin-pansing nagmamadaling maglakad pauwi ang mga tao. At nang tuluyan nang dumilim, umusbong na ang mga checkpoint. Ang mga kalalakihang naglalakad sa gilid nang highway ay pawang nakasuot na ng camouflage at may dala-dalangng mga mahaba.
Ayon sa aming piloto, isa sa mga dinaanan naming checkpoint ay minamanduhan ng mga "rebelde".
Normal lang daw ang ganito sa parteng ito ng Mindanao.
FILIPINO PRESS CLUB-UAE STATEMENT ON MAGUINDANAO MASSACRE
We, the members of the Filipino Press Club–UAE, condemn in the strongest terms possible the brutal massacre on November 23, 2009 of 57 civilians, including women, lawyers and journalists, in Ampatuan town of Maguindanao province in the Philippines.
We join with the victims’ families in their time of mourning and hope the authorities will act without delay to give them justice.
We are one with the Filipino people in grieving for the fallen heroes on our country's darkest day in journalism.
We deeply ache for the senseless loss of our brothers and sisters in the profession in history’s largest single massacre of journalists ever.
This human disaster is a chilling reminder of how our country has become hostage to the triad of dynastic politics, graft and tribalism that feed off each other. It is time to end the spiral of violence this triad has bred that has robbed our people of any hope for a brighter future.
We call on the Arroyo government to act with resolve and deal with these barbaric killings with great urgency.
The timing and determination the Manila government takes in bringing the murderers to account will be a test of the function -- or the dysfunction –- of the country’s democratic institutions.
We call on the Filipino people to muster the collective courage to root out this evil from our country.
We resolve that this evil act will not deter us from exercising our freedom of expression and of the press as many of our brothers and sisters in the profession have done against all odds.
Mabuhay ang Mamamahayag na Pilipino!
Filipino Press Club-United Arab Emirates Mariecar Jara-Puyod, President
Maguindanao carnage strikes at the very foundations of democracy
The National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) demands justice for our colleagues and all the other victims of the November 23 carnage in Maguindanao province.
The Ampatuan massacre, which the military has confirmed was perpetrated by Shariff Aguak Mayor Andal Ampatuan Jr. and police Sr. Inspector Dicay, goes beyond the issue of freedom of the press and of expression and strikes at the very foundations of democracy.
Aside from the wife, relatives and supporters of Ismail Mangudadatu, who were on their way to file his certificate of candidacy to run as governor of Maguindanao, the slaughter also claimed the lives of at least 12 colleagues, according to reports from our chapters in Mindanao.
This incident not only erases all doubts about the Philippines being the most dangerous country for journalists in the world, outside of Iraq, it could very well place the country on the map as a candidate for a failed democracy.
Running for office and voting are as much exercises of free will and expression as covering and reporting the news.
We expect nothing less from this government than the swift apprehension and punishment of everyone involved in this gruesome assault on the national body politic, including the masterminds, regardless of who they might be.
Anything less would mean that the impunity that has emboldened those who would silence the press, staining this administration with the worst record of murdered journalists, has spread to embolden those who would subvert our democracy for their own selfish interests
Matagal-tagal ring naging bakante ang inyong shawarmahan.
Naging busy-busyhan lang ang inyong “lolo” … o sige na nga aminin ko na… mas madalas na nangibabaw ang aking katamaran.
Mangyari kasing mas madaling mag-microblog (mag-Facebook) kesa sa mag-blog. Mas madaling mag-side comment sa Twitter o Plurk kesa sa tumipa nang obra na malamang ay okray-okrayin lang rin ng mga taong walang magawa sa buhay (kagaya ko).
Maraming mga naging pangyayari at kung ano-anong ideya ang binalak kong talakayin sa espasyong ito subalit madalas na magwagi ang espiritu ng katamaran sa tuwing darating ako sa puntong magla-login na sana ako sa blogspot. …. Aminin ko na nga rin… naka-default kasi sa Facebook page ang aking browser kaya’t madalas na maagaw nito ang aking atensyon at oras.
Marami ring kailangang kumpunihin dito sa ating blog na kasinggulo na ng kuwartong aking tinitirhan. Nagpatung-patong na ang mga widgets na aking ineksperimentuhan at sa totoo lang, maraming agaw-eksena sa pahinang ito.
At dahil sa ng focus ko ngayon ay nasa aking napipintong pagbabalik sa ating lupang hinirang, malamang ay sa isang taon na tayo muling magiging aktibo sa pagba-blog.
Relak na lang muna kayo. Ipagpaumanhin po sana ninyo.
Maraming salamat sa mga naligaw dito.
Advance Happy Thanksgiving sa mga taga Estados Unidos. Advance Eid Mubarak sa ating mga kapatid na Muslim. Advance Happy National Day sa mga taga UAE. Advance Merry Christmas. Advance Happy New Year. Advance Happy Three Kings. Advance Happy Fiesta ng Poong Nazareno.
Gaya nang naging routine spiel ni Aiza Seguerra -- noong panahong siya pa ang cute at nakakatuwang Aiza Seguerra – sa Eat Bulaga:
Nag-uumapaw ang inis, ngitngit, galit at sama nang loob ko sa kinasasadlakan kong sitwasyon sa opisina. Kung nasa Pinas lang ako, siguradong may tumimbuwang na kanina. Pero wala ako sa Pilipinas -- at may mga taong umaaasa sa aking pamamalagi dito sa disyerto -- kung kaya't idinadaan ko na lang sa pabuntu-buntong-hininga at ibayong pagpapakumbaba na tila inaabuso naman ng mga Herodes sa impiyernong ito.
Pansamantalang lumamig ang kumukulo kong dugo nang pagtripan kong balikan sa YouTube ang ka-eng-engan ni Miss Fitrum sa Wowowee na di hamak na mas magaling pang mag-Inggles sa mga nagpapanggap na manunulat dito.
Nagpatay na ako nang ilaw para tuluyan na sanang matulog subalit naroroon pa rin ang poot. Hindi ka naman makasigaw para lang mailabas kahit papaano ang kinikimkim na galit dahil tulog na ang mga tao sa paligid.
Ang hirap talaga kapag wala kang agarang mahingahan nang damdamin.
Kung nasa Pilipinas lang siguro ako, malamang kasama ko ngayon sina Louie, Larry o Dennis at sama-sama naming hinihimay at pinaghuhuntahan ang mga problema sa lipunan ng mga diyarista.
Bigla ko tuloy na-miss ang aking mga "tatay" sa industriya. Ang aking pinakakapitagang Triple J (bukod kay Jinky Joan Jorgio) na sina Joe Burgos, Joe Capadocia at Julius Fortuna.
Hahalakhak lang malamang si Tito Boy (Joe Burgos) at sasabihing "mga hindot sila kamo" sakaling isumbong ko sa kaniya ang mga hindot na ito.
Hihimasin lang siguro ni Tata Joecap ang aking likuran o kaya'y tatapik-tapikin ang aking balikat at sasabihan akong: "May araw rin sila hijo".
Ngingisi namang ala-Jack Nicholson itong si Manong Jules at malamang ay hihilahin na lang akong kumain sa pansitan sa Timog o sa isa sa kaniyang mga hang-out sa Kyusi. Tatawagan niya si "Garaps" (Eric Garafil), pasusunurin kung nasaan kami "para ma-chicharon ang problema nitong bata natin".
Since di ko nga magawang makapagmura sa mga oras na ito ... hayaan ko na lang si Mister Palengke na isigaw ang aking saloobin.....
Kagabi, habang nagmumuni-muni kung ano na naman kaya ang kahihinatnan ko sa disyertong ito, biglang sumingit sa aking kamuwangan ang kantang "Mambo Magsaysay".
Una ko itong narining noong kampanyahan para sa 1986 snap presidential elections kung saan muling ginamit ang naturang jingle na katha ni dating senador Raul Manglapus para sa kandidatura ni Cory Aquino. Isyu rin daw kasi ang dayaan sa halalan noong panahong naglaban sina Pangulong Quirino at Magsaysay.
Nang aking tingnan sa Wikipedia kung ano ang nasusulat sa site tungkol kay Magsaysay, laking gulat ko na lang na ipinanganak pala ang The Guy noong Agosto 31.
“I've reached a point in life where it's no longer necessary to try to impress. If they like me the way I am, that's good. If they don't, that's too bad,” -- Corazon C. Aquino
Tatlong araw matapos mapabalitang sumakabilang buhay ang tinaguriang King of Pop ... lumabas ang isang video na muli umano siyang nabuhay ... at ni-remake ang MTV ng Thriller
Sudan Daniel is no doubt a valuable piece to San Beda’s quest for a fourth straight championship in the NCAA.
In the absence of the team’s former star players, Daniel provided the spark the Red Lions needed to rout the Mapua Cardinals, 85-52, yesterday at the start of the 85th NCAA basketball tournament before a modest crowd at the Araneta Coliseum.
The Lions’ win came before preseason favorite Jose Rizal University flexed just enough muscle to subdue Letran, 69-66.
The Heavy Bombers rolled to a 58-45 third period lead and then used this as a cushion against the comeback bids by the Knights.
Daniel, the new American 6-foot-8 recruit, knocked down some of the big shots in the key moments of the pivotal first half to finish with 13 points on top of nine rebounds, five blocks and two assists.
“He’s just in time for Ekwe,” said San Beda mentor Frankie Lim of Daniel, tipped to fill in the void left by two-time MVP Sam Ekwe, who already finished his playing years in the league. “He played well today and he delivered what we needed from him.”
San Beda also played minus former stars Ogie Menor and Pong Escobal but this was hardly felt as Daniel played the anchorman, especially in the first half, where he fired away eight points to rip the game wide open, 38-24.
Sudan is a product of Compton Dominguez High School in Compton, California, the same school where NBA players Tyson Chandler of New Orleans and Brandon Jennings of Milwuakee Bucks came from.
“I felt a lot of pressure but that only made me play better,” Daniel, 21, said. “I could play much better. But today I think I played around 70 percent out of 100.”
Skipper Bam Gamalinda fired away 14 markers, collected nine rebounds and two assists while Jake Pascuala and Garvo Lanete had 11 each for the Red Lions, who took their biggest lead at 31 points – 70-39 – on a Dave Marcelo putback early in the fourth quarter.
First Game SBC 85 — Gamalinda 14, Daniel 13, Pascual 11, Lanete 11, Caram 10, Marcelo 8, Dela Rosa 4, Tecson 4, Hermida 4, Taganas 2, Tirona 2, Lim 2, Villanueva 0, Soliman 0.
Ang larawang ito ay mula sa Facebook photo album ng isang dating kasamahan sa pamamahayag na kasalukuyang nakatalaga sa defence beat.
Sa tinagal-tagal ko nang pagsunod sa mga kaganapan sa ating Hukbong Himpapawid, ngayon lang ako nakakita ng larawang ganito kung saan mistulang ipinapamukha ng ating mga piloto na kaya nilang makipagbaragan kung kinakailangan.
Wala akong alam na kuwento kung bakit napili ng PAF ang F-8H Crusader kung kaya't nagtanong ako sa mga eksperto. Sundan na lamang ang baliktaktakan sa pamamagitan nang pag-click sa link.
Pang 100 post ko na pala ito. May mas mahalaga't seryosong paksa sana akong tatalakayin hinggil sa muling pagluluksa ng mga kapwa ko mamamahayag sa Pilipinas sa nakabibiglang pagpanaw nang aming Tatay Julius pero minarapat ko na lang na panandaliang basagin ang aming kalungkutan.
Naglalakad ako pauwi galing sa St. Mary's Church nang mapadaan ako sa tapat ng isang tindahan ng pabango sa Karama. Murang-mura lang ang pabango dito mapa-orig, imitation, o tester. Dahil na rin sa dami nang parukyano nitong Pinoy, maging ang mga tinderong Indiano ay marunong na ring mambola sa Tagalog: "Suki, mura ko lang ibigay sayo ang tester"
Eniwey pasakalye lang yun...dahil habang naglalakad ako sa tapat ng tindahan... biglang tumunog ang aking mental jukebox at eto ang naisalang...
Naalala ko rin sa kantang ito ang aking Ate Maricel... parang sinayaw yata niya ito sa kaniyang noontime show sa Cebu... mahigit 20 taon na ang nakararaan.
Isang Sabadong naglalakad ako papasok nang opisina nang maagaw ng bulaklak na ito ang aking pansin. Noon lang ako nakakita ng tunay na sunflower -- at hindi biskwit -- na buong kisig na nakatindig sa gitna ng disyerto. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon ...dahil ilang araw lumipas, nakabaluktot na ang puno nito at lagas-lagas na ang minsang matikas at namumukadkad na bulaklak.
Menos 15 para alas 11 nang maalinsangang gabi nang bumaba ako sa gym --- opo, gym as in lugar kung saan tumatambay ang mga barbelista't mga nag-aambisyong maging hunk -- kung saan halos isang oras rin akong naglakad nang mabilis sa treadmill; nagbisikleta habang nanonood sa isang Iranian channel kung saan ipinalalabas ang mga huling kaganapan sa kaguluhan sa Tehran; sumakay sa cross-trainer at nagbabad sa sauna at steam bath.
Medyo na-agitate rin yata ng mga rallyista sa Tehran ang aking mga alaga -- at salamat rin sa simoy ng hangin mula sa Cinnabon at Seattle's Best, mistulang nagkaroon nang anti-Cha Cha demonstration sa panulukan nang aking bituka't sikmura't tiyan.
Dati-rati'y kaya kong indahin ang simpleng hunger pangs sa hatinggabi subalit ibang klase na ito. Parang tinutuhog na ang aking sikmura. Maaaring pansamantalang manahimik ang mga demonstrador kapag inumangan ko na ito ng "water cannon" subalit gigisingin pa rin ako sigurado ng mga ito mamayang madaling araw.
Kaya imbes na dumiretso ako papunta sa aking tirahan, detour muna ako sa Kabayan Supermarket sa Karama.
Sa dami nang Pilipinong naninirahan ngayon dito sa Dubai (300,000 ang estimate ni Consul-General Butch Bandillo noong siya'y naririto pa), naglipana na dito ang mga tindahan at kainang pawang mga pam-Pinoy ang tinda.
Hindi gaanong kalakihan ang Kabayan Supermarket. Kasinglaki lang ito ng ordinaryong tindahan ng 7-11 sa Pilipinas. Gaya nang ibang Filipino stores dito, mistulang bigla kang na-teleport sa Pinas dahil sa puro kababayan (hindi kabayan...wrong grammar yan) ang makikita mo sa loob mula sa kahera, matansero sa pork section at siyempre mga kapwa ko customer.
Sa bukana ng grocery, may nakatambay na babaing may dalang dalawang malalaking bag kung saan nakasilid ang kaniyang inilalakong kakainin (puto,palitaw, leche flan) at mga lutong ulam (ang menu yata niya kanina -- ubos na kasi -- pakbet, afritada at mechado).
Sa aking pagpasok, natanaw ko agad ang hilera ng mga tinapay -- sliced bread o Tasty kung tawagin sa atin, may mongo bread.. may nakita pa yata akong hopia at puto at nanlaki ang aking mga mata nang tumambad sa akin ang isang supot ng California Raisin Bread na gawa ng Gardenia. Galing pa raw ito sa Pilipinas. Sigurado, air cargo ito naibyahe dahil kung sea cargo, malamang inaamag na ito pagdating dito.
Bigla akong nawala sa aking sarili. Imahinasyon ko'y nasa Puregold ako sa E.Rodriguez. Noong nasa Pilipinas pa ako, siguradong kasa
ma sa aking mga pinamili sa grocery ang tinapay ng Gardenia lalo na ang Raisin Bread at Double Chocolate.
Hindi ko na tiningnan kung magkano ang isang supot na iyon. Basta ko na lang siyang dinampot at isinwak sa aking basket.
Kumuha na rin ako ng Boy Bawang at bigla kong naalala ang gimik ni Mar Roxas. Isinama ko na rin ang ginayat-gayat na gulay, dalawang pirasong sibuyas at isang boteng Mama Sita Oyster Sauce.
May oyster sauce na gawa sa Thailand... mas mura..kalahati lang yata ang presyo sa Mama Sita pero dun ako sa sariling atin -- baka magalit sakin si Tita Clara (Lapus, may-ari ng kumpanyang gumagawa ng Mama Sita).
Nagsingit na rin ako ng isang orange juice dahil binabalak kong shumat muna ng vodka habang nakikinig sa Love Radio broadcast mula sa Pinas via justin.tv. Sumikwat na rin ako ng kalahating dosenang itlog.
Noong magbabayad na ako, bigla akong napaigtad nang lumabas ang kwenta ng aking pinamili -- Dh43!
Napakamot ako ng aking ulo dahil konti lang naman ang pinamili ko...bakit umabot ng mahigit 40 o kulang-kulang 400 pesos. Nakakahiya namang magsauli...kaya binunot ko na ang sana'y budget ko sa pagpapagupit.
Habang naglalakad pauwi, tiningnan ko ang resibo ng aking mga pinamili. Eto ang kwenta...
Gardenia Fresh California Raisin - 18.50 Mama SIta's Garlic Oyster Sauce - 8.75 Brown Onion - 1.17 Boy Bawang Garlic Cornick 100g - 2.50 Al Ain Orange Juice 1/2 liter - 2.50 Eggs 6pcs - 4.75 Mix Veg. Chopsuey - 5.50
Total -- Dh43.67
Plinano ko na lang ang mangyayari sa aking pinamili.
Yung Gardenia, siguro tatagal to hanggang sa almusal ko sa Biyernes; yung itlog, aabot pa ito hanggang sa susunod kong off sa Martes; yung Boy Bawang, baka hanggang bukas; yung chopsuey, lulutuin ko bukas at magiging ulam ko yon hanggang sa Biyernes o Sabado. Ayos!
Pagpasok ko sa aking kwarto, nag-flash na naman sa utak ko ang Dh18 na tinapay. Kinuwenta ko agad kung magkano ito sa piso gamit ang xe.com .... ang suma total ... 241 pesoses!
Ilang lugaw na kaya yun sa Pilipinas? Ilang batang kalye na kaya ang makakakain sa halagang iyon?
Naalala ko bigla ang mga imahe sa dokyu ni Ferdinand Dimadura ..ang Chicken ala Carte.
Napabuntung-hininga na lang uli ako. Bakit may ganon? Kung bebenta kaya sa sambayanan ang pamamanhikan ni Mar Roxas o kaya'y ang pamamasyal ni Manny Villar sa kaniyang dating tinirahan sa Tondo ... aasa pa kaya uli sa "batsoy" ang mga batang nasa dokyu para lang maibsan ang kumakalam nilang sikmura?
Wadahek.... masyadong lumalim ang pananaginip ko nang gising. Makain na nga tong Gardenia.
Sinasabing ang buhay ng tao ay maihahalintulad sa pag-ikot ng gulong -- minsan ikaw ay nasa itaas, at darating rin ang panahong ikaw naman ang pumapailalim.
Mahirap ang nasa ilalim... madumi, maputik, mabato, masakit. Kung mahina-hina ka...ika'y magkakalamat o kaya'y mabubutas. Dito na rin marahil ang iyong magiging wakas.
Sa kabilang banda, maraming masasayang alaala ang naiiwan kapag ang tao'y nasa ibabaw ng gulong.... tinitingala, pinapalakpakan, hinahangaan o inaasam-asam.
Ito nga marahil ang dahilan kung bakit naimbento ang gulong ... bagay na napatunayan sa videong ito..
Hindi na nagawang sundin nang isang riot police ang tagubiling "Maximum Tolerance" matapos itong mapikon at mag-isang sumugod sa hanay ng mga rallyista kahapon ng hapon. Kung bakit napigtas ang sinulid ng pasensiya ng mamang pulis na ito ... panoorin ang video!
Inilabas nang isang kongresistang umano'y nabagabag ang konsiyensiya ang video footage nang isinagawang pulong kung saan umano nagkabayaran habang pinaplano ang pagsulong ng House resolution hinggil sa Charter CHANGE ...
Mahigit isang taon matapos mapatalsik bilang Speaker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso -- dahil na rin diumano sa pagsasangkot ng kaniyang anak kay Pangulong Arroyo at sa Unang Ginoong si Mike Arroyo sa ZTE-NBN broadband controversy -- tumiwalag na bilang chairman emeritus ng partido Lakas-CMD si Pangasinan Representative Jose de Venecia.
Hindi na umano matiis ni Ginoong De Venecia ang umano'y hayagang pambabastos sa kaniya ng mga kasalukuyang namumuno sa Lakas at sa umano'y pagbalewala sa kanila nang magdesisyon ang partido na makipagkaisa sa partidong Kampi ni Ginang Arroyo.
Dahil dito, agad na tinipon ni Ginoong De Venecia ang kaniyang mga natitirang tagasuporta para ilunsad ang kaniyang bagong Rainbow Coalition sa ilalim ng partido WAKAS.
Naririto ang ilang eksena sa nasabing pagtitipon .... kasamang Freddie... paaasok: