Pagsakay ko sa bus kagabi, sinalubong agad ako nang tanong ni Chang: “Anong tingin mo sa nangyari kay
Ted Failon?

Sa totoo lang, medyo naiirita na ako sa ganiyang mga tanong dahil simula pa lang noong pumutok ang istorya, kung sino-sino na ang nagtanong sa akin nang ganyan sa pag-aakalang may nalalaman akong tsika na bubusog sa kanilang kuryosidad.
Kunsabagay, may persepsyon rin nga naman ang karamihan na mas nauuna sa balita at maaaring may nasagap na mas malalim na detalye sa mga bagay-bagay ang mga diyarista dahil sa trabaho nga naman namin ang kumalap at maghayag ng tamang impormasyon.
Subalit wala ako sa Pilipinas at gaya ng karaniwang Pedro, Juan at George, sa TV at internet lang rin ako kumukuha ng bali-balita hinggil sa pagkamatay ng kaniyang asawang si Trina Etong.
Sa nagaganap na “circus” mula sa New Era General Hospital hanggang sa puneraryang pinaglagakan ng bangkay ni Gng. Etong, kung anu-ano nang eksena at anggulo ang binigyang pansin ng aking mga kabaro.
No comments:
Post a Comment