Monday, April 27, 2009

Saksihan ang imbestigador

Nag-aayos ako nang aking mga kagamitan noong nagdaang weekend nang mahalungkat ko ang isang librong matagal ko nang nabili subalit hindi ko nagawang mabasa nang masinsinan dahil na rin sa aking angking talento sa pagiging tamad.



Ang librong ito na inilimbag pa sa UK at isinulat para sa mga kabataang mag-aaral ay napapanahon sa gitna nang alingasngas na nilikha sa likod nang pagkamatay ng asawa ni Ted Failon na si Trina Etong.

Isantabi na muna natin ang kontrobersiyang dulot nang kasong obstruction of justice na isinampa ng pulisya laban kay Failon at sa kaniyang mga kasambahay at ituon natin ang pansin sa isinasagawang imbestigasyon sa kaso kung saan naman nakapaloob ang tinatawag na forensic science.

Sa paunang salita ng forensic anthropologist at manunulat na si Kathy Reichts, kaniyang tinalakay ang kahalagahan ng siyensiya sa pag-iimbestiga ng isang krimen. 

Aniya, malayo sa mga eksena sa mga sine at telebisyon, ang paglutas sa misteryong bumabalot sa isang krimen ay hindi lang basta-basta nagagawa ng isang bidang pulis, imbestigador o detective na magpapa-cute lang o kaya'y magpapaka-macho at malalaglag na sa kaniyang harapan ang susi sa kaniyang binubutingting na kaso.

Salamat na rin marahil sa Hollywood dahil sa mula nang mauso ang mga palabas na gaya ng CSI, naging bukambibig na nina Juan, Pedro at George ang ilang terminolohiya sa crime scene investigation. 

Ang pagiging uso ng mga palabas na gaya ng CSI ay nagtulak na rin sa ating mga TV networks na mag-produce ng mga kahalintulad na palabas gaya ng SOCO ng ABS-CBN na tumatalakay sa mga kwento kung paano nasukol ang isang suspect sa pamamagitan ng siyensiya.




Sa kaso ni Trina Etong, kapansin-pansin na marahil ay dahil na rin sa exposure ng madlang pipol sa mga ganitong palabas, nagiging paksa sa mga huntahan ang mga "malalim" na tanong gaya nang kung kaliwete ba ang biktima, kung bakit nilinis ang crime scene, at maging kung ano ang epekto nang negatibong resulta sa parrafin test ni Ted Failon o ang resulta ng pangalawang autopsy na isinagawa ng pamosong forensic pathologist na si Dr Raquel Fortun. 




Kumbaga, masasabi nating tumaas rin naman ang antas ng karunungan ng madla sa mga bagay na dati-rati'y tanging mga mahihilig lang sa crime novels at Discovery channel ang may paki.

Nakinikinita ko tuloy ang aking paboritong magbabalot na si Mang Roger na marahil ay nakikipagpalitan na rin ng kuru-kuro sa mga law students ng San Beda hinggil sa forensics.

Tumaas man ang kamalayan ng madla sa ganitong bagay, tila may mga pagkukulang pa rin ang ating pulisya sa ilang bagay na itinuturing na "basic" sa cri
me scene investigation.

Mabalik tayo sa libro, unang tinalakay rito ang tinawag na "crime scene" o ang lugar na pinangyarihan ng krimen.

"Law officers and detectives take special care to preserve crime scenes, exactly as they find them, because evidence is fragile, and clumsy feet and prying hands can easily destroy it. Without evidence, it may be impossible to solve a crime and catch the villains who carried it out."

Malinaw naman siguro ang pagkakasabi nito. 

Hindi natin alam kung paano kumilos ang mga pulis na unang nakarating sa crime scene. Sinelyuhan ba nila ang silid, banyo at iba pang lugar kung saan maaaring makakuha ng ebidensiya habang hindi pa dumarating ang mga Scene of Crime Operatives (SOCO)?

Kung ating muling panonoorin ang mga footage noong mga oras na isinasagawa ang imbestigasyon sa kaso, makikita nating maramin
g tao ang labas-masok sa bahay ni Ted Failon.

Sa video grab na ito, makikita ang isang lalaking nakasuot ng sombrerong pula ang naroon mismo sa banyo habang sinusuri ng mga SOCO ang crime scene. 

Kung sa ibang bansa ito, hindi mapapayagang mangyari ito. Siguradong palalabasin ang lahat ng taong walang kinalaman sa imbestigasyon kes
ehodang sinong anak ni Herodes pa sila.

Sa caption sa isang larawan sa libro, malinaw ang paliwanag kung bakit kailangang pagbawalan ang mga miron sa crime scene.

"The more people who visit a crime scene, the more chance there is of destroying evidence. So an important priority is to keep away journalists, curious neighbours -- and even other officials whose visit is not absolutely essential."  

Sa setting ng Pilipinas, medyo mahirap ring hayaan na lang ang mga pulis sa pagsisiyasat dahil sa hindi pangambang matamnan ng "ebidensiya" ang crime scene sa layong agaran nang tapusin ang imbestigasyon at makapagdiin na ng suspect.

Dito ko biglang naalala ang kuwento sa akin ng aking naging editor sa isang pahayagang aking dating pinasukan. Aniya, nang madatnan nilang duguan sa library ang isa naming kaopisina matapos silang makarinig ng putok ng baril, agad na niyang itinulak palayo ang isang kasamahan na nagtangka pa sanang lumapit para sana dalhin ang aming namayapang kasama sa ospital. 

Aniya, kitang-kita namang wala nang buhay ang aming nakabulagtang biktima at umaagos ang dugo mula sa kaniyang ulo kung kaya't wala na ring mangyayari kung dadalhin pa ito sa ospital. Hindi na niya aniya pinapasukan ang library hanggang sa makarating ang mga imbestigador.

Isa pang nakatawag ng aking pansin ang sinabi sa libro kung paano dapat kumilos ang mga taong nasa isang crime scene.

"Once the crime scene is taped off, there are other simple, but essential precautions that officers need to take. They must not eat, drink or smoke, because these activities leave traces that may later confuse investigators."
Dahil na rin sa dami nang taong nasa loob ng bahay ni Ted, hindi natin masabi kung nasunod nga ito.

Maging sa ilang footage na ipinalalabas sa news, makikitang may mga pulis na naninigarilyo, ngumunguya ng babolgam o umiinom ng tubig habang nag-iimbestiga sa crime scene. 

Marami pang bagay ang tinalakay sa libro gaya ng isang uri ng kemikal at pailaw na ginagamit ng mga forensic experts upang malaman kung saan kumalat ang dugo ng isang biktima ng pamamaslang sakaling "nilinis" ang isang crime scene.

Napanood ko sa TV si NBI Director Nestor Mantaring na nagbida na mayroon silang kagamitang may kakayanang masipat kung saan tumagas ang dugo ni Trina Etong. Marahil ay ito na nga o kahalintulad nito ang tinalakay sa naturang libro.

Isa sa mga basic na pinag-aaralan ng sinumang pumapasok sa pulisya ang forensics. Hindi ko lang maintindihan kung bakit marami pa ring pulis ang nagtatanga-tangahan dito at idinadahilang hindi raw kasi sila mga SOCO. Kung sabagay, wala nga namang colored pictures ang karamihan sa mga textbook na ginagamit sa Criminology school o sa mga training centers ng Philippine Public Safety College.

Sana'y may isang mabait na senador o congressman na makaisip na gamitin ang kaniyang pork barrel sa pagbili ng ganitong klaseng libro at maiipamudmod sa mga pulis. 

May ilang website na itinuro ang libro kung nais mo pang mag-usisa ng mga bagay-bagay tungkol sa forensics. 

Tingnan niyo na lang kung interesado kayo rito:

www.cyberbee.com/whodunnit/crimescene.html 
www.fbi.gov/kids
www.galleriesofjustice.org.uk
www.lifesciencecentre.co.uk

Tuesday, April 21, 2009

Usapang de kampanilya

Pagsakay ko sa bus kagabi, sinalubong agad ako nang tanong ni Chang: “Anong tingin mo sa nangyari kay Ted Failon?



Sa totoo lang, medyo naiirita na ako sa ganiyang mga tanong dahil simula pa lang noong pumutok ang istorya, kung sino-sino na ang nagtanong sa akin nang ganyan sa pag-aakalang may nalalaman akong tsika na bubusog sa kanilang kuryosidad.

Kunsabagay, may persepsyon rin nga naman ang karamihan na mas nauuna sa balita at maaaring may nasagap na mas malalim na detalye sa mga bagay-bagay ang mga diyarista dahil sa trabaho nga naman namin ang kumalap at maghayag ng tamang impormasyon.

Subalit wala ako sa Pilipinas at gaya ng karaniwang Pedro, Juan at George, sa TV at internet lang rin ako kumukuha ng bali-balita hinggil sa pagkamatay ng kaniyang asawang si Trina Etong.

Sa nagaganap na “circus” mula sa New Era General Hospital hanggang sa puneraryang pinaglagakan ng bangkay ni Gng. Etong, kung anu-ano nang eksena at anggulo ang binigyang pansin ng aking mga kabaro.




Subalit bilang dating mag-aaral ng batas, ang aking interes ay nakatuon lamang sa kung anong mga bagay o ebidensiya ang maaaring timbangin ng husgado.

Naging masalimuot ang kaso dahil sa sala-salabat na pangyayari mula sa umano’y pagsira sa pinangyarihan ng insidente at sa umano’y hindi makataong pag-aresto sa mga kaanak at kasambahay ng pamilya Etong na ngayo’y pinararatangan ng kasong “obstruction of justice”.

Nangelam ka sa mga awtoridad sa layong pigilan sila sa pagtupad sa kanilang tungkulin ang alam kong buod ng depinisyon ng “obstruction of justice”.

Ang abogadang ipinakita sa TV na nagtangkang pigilin ang mga pulis na bitbitin ang mga kasambahay ng mga Etong dahil sa labag umano ang kanilang ginawa sa prosesong nakalatag sa batas ay posibleng balikan ng mga pulis at kasuhan ng “obstruction of justice”.

Ang mga reporters, cameramen at photographers na naghambalang sa bahay ng mga Etong kung kaya’t nahirapang makapasok ang mga pulis ay possible ring kasuhan ng “obstruction of justice”.

Ano nga ba ang “obstruction of justice”?

Sa pagbubutingting ko sa internet, nakita ko ang isang piyesa sa Manila Standard Today na isinulat ni Fr. Ranhilio Callangan Aquino, ang dekano ng Graduate School of Jurisprudence and Justice Sciences ng aking pinakamamahal na alma mater, ang San Beda College.

Basahin natin at maliwanagan.

At please lang po .. wala akong nalalaman sa kaso ni Ted Failon subalit nakasisiguro lang akong alam niyang hindi dapat ginagalaw ang isang crime scene dahil yan ang aming natutunan sa Arellano University College of Law.


Ang obra ni Father …

What is obstruction of justice?
By Fr. Ranhilio Callangan Aquino

‘Obstruction of justice” comes up in many conversations these days obviously because of the death of Trina Etong, Ted Failon’s wife. So what is this crime called “obstruction of justice”?

PD 1829 is the applicable law and under the law, the crime consists in “knowingly or willfully obstructing, impeding, frustrating or delaying the apprehension of suspects and the investigation and prosecution of criminal cases”.

In the Failon case, obviously whoever wiped off blood stains, altered the “scene of the crime [or incident]” or worse, concealed evidence may be held to answer under this law provided that what the law calls the mens rea requirement is present.

That refers to the mental element that should be present: obstructing, impeding, frustrating or delaying apprehension, investigation and prosecution knowingly or willfully.

In this respect—and I write this for law students who may have been wrongly taught—it is wrong to assert that special laws do not require a criminal intent. There are in fact special laws that require a criminal intent.

In this case, the presence of the criminal intent is essential to the crime. The law is unmistakable on that point.

Let us say then that Kikay, a housemaid, was ordered to clean the bathroom and wash off all blood stains. Would Kikay, if these facts were established conclusively, be liable under PD 1829?

If Kikay did what she did merely because she was ordered to, and as a housemaid habitually complied with orders, and for no other reason, then Kikay would be off the hook.

For Kikay to be guilty of obstructing justice she should have cleaned the bathroom and eliminated or tampered with the evidence “with intent to impair its verity, authenticity, legibility, availability or admissibility as evidence in any investigation of or official proceedings.”

The intention to spare the child the sight of her mother in such a sorry state does not inspire much credence.

Obviously, the simplest thing to do would be to seal the bathroom and keep the 12-year-old away from the gruesome scene.

I am not saying the Ted Failon is guilty of obstructing justice, although he may very well be. I am only saying that we should not be too quick about charging the police with arbitrariness and oppressive conduct.

The victim here, it should not be forgotten, was Trina Etong, not Ted Failon.

Should it be later established with certainty that the late Trina committed suicide, will this result in the dismissal of all obstruction of justice charges?

It should not, I am convinced.

The issue in an obstruction of justice case is whether or not a respondent obstructed, impeded, or mislead the conduct of investigation and prosecution of a crime.

As the police are still determining whether or not a crime has been committed, anyone who alters, conceals, destroys or suppresses evidence or knowingly misleads investigators will be obstructing justice, whether or not the conclusion is eventually reached that there was no crime.

When one delays in reporting a crime, does this constitute obstruction of justice?

In the first place, why should one delay in reporting a crime? Preventing witnesses from reporting a crime is clearly obstructing justice under Section 1a of the law.

Likewise liable is anyone who misleads investigators or fabricates information. When one delays in reporting a crime, one rightly stirs the suspicion that he is the criminal.

The provisions of the obstruction of justice decree, however, cannot be used to defeat constitutional guarantees.

A suspect who clams up at custodial investigation is in a very real sense obstructing justice—but he cannot be indicted for the offense because the Constitution grants him the right to be silent.

When a homeowner refuses law enforcers entry into his dwelling when they announce a search but cannot present a warrant, the homeowner can neither be charged with obstructing justice because the Constitution protects the citizen against unreasonable searches and seizures.

Obstruction of justice is a crime because justice is the virtue of organized society and obstruction is exactly what it is.

I think too that we should be asking the right questions: Who ordered the bathroom cleaned?

If the house-helper who admits having wiped off blood stains volunteers the information that she did the cleaning—and meticulously, at that—“without having been instructed by anyone to do so”, is it not interesting that she did not know that it was wrong to tamper with the scene of the incident, but seemed to be fully aware that it was important that she pointed at no one as having ordered her?

It is important that Ted’s daughter has protested her father’s innocence and insisted that her mother committed suicide.

It shows how eager members of the family are to avoid wreaking further havoc on the family by implicating Failon in the terrible crime of parricide. But he must remain a suspect and if Raquel Fortun, who seems to be so eager to prove every other pathologist wrong, is right that paraffin tests prove nothing, then that Failon and Trina (or at least Trina’s lifeless body) have tested negative for powder burns says nothing for or against parricide on the part of the former, and for or against suicide on the part of the latter. (And by the way, that paraffin tests are not very accurate does not mean that they are not accurate at all and should be banned! That’s King-Kong logic!)

I called up Secretary Raul Gonzalez to congratulate him for reminding the head of the Public Attorney’s Office that Ted Failon is not an indigent, and that it was not seemly of her to act as de facto legal counsel for Failon. It would have even been more acceptable had she shown interest in protecting the interests of the departed Trina—such as encouraging house-helpers and members of the Failon household to disregard instructions not to speak and to be more forthright with investigators.

May Trina rest in peace. The Catholic Church has a different attitude now towards those who are alleged to have committed suicide.

In the past, she would have slammed Church doors on them, refusing them the rite of Christian funeral. Not anymore.

One who commits suicide, moral theologians argue, does something so fundamentally counter to the drive to preserve life that it can be presumed that the victim was not sui compos… in complete control of herself.

She enjoys the benefit of the doubt in respect to moral responsibility.

On the other hand, may the Republic of the Philippines, particularly investigators and prosecutors, not rest in peace until we know whether it was suicide or parricide, not only for the sake of Trina and her family, but for the sake of law and that nebulous ideal called justice.

No matter how Ted Failon may feel about it, or his children may protest against it and call for “peace,” there can be no “peace” in the suppression of the truth when human life is brutally ended.

A shadow of doubt hangs over Ted Failon, and we should allow it to hang there until credible evidence allows it to dissipate.

I am appalled at the eagerness with which one TV channel insinuates the innocence of Ted and the suicidal inclinations of Trina. As a TV and radio personality, Ted has been unrelenting in his campaign against the suppression of evidence and the concealment of wrongdoing. He should face his own investigation with the same resoluteness.

Wednesday, April 15, 2009

Tuesday, April 14, 2009

Gaano kamahal ng media si Tata JoeCap

Hahayaan ko na lang ang video clip sa YouTube upload ni Art Ibaldo ang magpakita nito ...

Wednesday, April 8, 2009

Paalam Tatay JoeCap

Hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan.

Naninikip ang dibdib ko at magpahanggang sa isinusulat ko ito ay umaasa pa rin akong mali ang balitang walang nakaligtas sa pagbagsak ng presidential helicopter na patungo sana ng Banaue mula Baguio noong Martes ng hapon.

Kahit sa mensahe na aking ipinaskel sa bulletin board ng NUJP sa Friendster ay hindi ko magawang banggiting wala na si Tata JoeCap.

Halos hindi ako nakatulog noong Martes ng gabi sa kahihintay ng balita sa isinasagawang search and rescue operation.

Umaasa akong baka biglang mag-ring ang aking cellphone at si JoeCap ang nasa kabilang linya dahil nakasisiguro akong isa ako sa mga nasa unahan ng kaniyang directory dahil sa letter “A” nagsisimula ang aking pangalan. Mangyari kasing may balitang nakatawag pa si JoeCap sa tanggapan ng MARO sa Malacanang kung saan sinabi niyang makapal ang ulap sa himpapawid ng Cordillera at naghahanap sila nang lugar na malalapagan. Sana lang may tumawag para sabihing kinukupkop nila si JoeCap o mismong si Tata JC 'yon para linawing OK sya.

Inaalala ko si JoeCap dahil sa ginawin ang “matanda” at baka ubuhin na naman siya sa sobrang lamig.

Saang anggulo man sipatin, tila kailangan ko nang ihanda ang aking sarili na hindi na kami kailanman magkikita ng isa sa aking mga naging ama-amahan sa industriya ng pamamahayag.


Napakamasayahing tao, masipag, walang ere kahit noong panahong namamayagpag ang kaniyang pangalan sa industriya at isang taong napakadaling mahalin itong si Jose Capadocia.

Una kong narinig ang kaniyang pangalan noong mga huling bahagi ng dekada ’80 noong panahong isa si Tata JoeCap sa mga batikang reporter ng DZXL at ‘di naglaon ay maging sa Manila Times.

“Iskupero” o isang mamamahayag na laging nauuna sa balita ang tawag noon kay Tata JoeCap ng mga anchor ng DZXL at maging nang kaniyang mga nakasama sa Defense beat.



Si Tata JoeCap kasama si Arlyn dela Cruz sa Camp Aguinaldo (larawan mula sa Facebook album ni Arlyn) .,. bata pa lang si Arlyn, matanda na daw si JoeCap

Sa panahong uso ang kukurukuku, lahat nang nagnanais na makauna sa balita ay nakikinig sa anumang ulat mula kay JoeCap sa DZXL o dili kaya’y nagbabasa nang kaniyang mga detalyadong ulat sa Manila Times.

Star-struck ako kay JoeCap noong una ko itong nakilala sa National Press Club nang minsang isama ako doon ni Raymond Burgos na noo’y labor reporter ng Times.
Mag-iisang buwan pa lang yata akong correspondent sa Chronicle noong panahong yon at wala pang sapat na “clippings” para makakubra ng sahod kung kaya't si Raymond ang madalas na taya sa hapunan sa Press Club dahil sa medyo sagana na siya sa kita mula sa kilo-kilometrong column inches na kaniyang naipapanganak.

Nasa loob kami ng conference room ng NPC na noong mga panahong iyon ay naging “reporters lounge” kung saan naman naglulungga ang mga bagitong reporters gaya nina Jinky Jorgio ng Daily Globe at Jessica Domingo ng Newsday nang biglang pumasok si JoeCap at kumustahin ang mga naghahabol ng deadline. Ipinakilala ako ni Jinky kay JoeCap at mahigpit ang kaniyang pagkamay sa akin at nagpaalam na kukumustahin niya muna ang mga matatanda sa kabilang silid.


Lahat ng tao sa Press Club ay halos napapalundag sa tuwa sa pagdating ni JoeCap. Mistula siyang “Godfather” o isang taong matagal na hinintay para pawiin ang kanilang problema o kalungkutan.
Subalit kaiba sa imahe ng “Ninong” sa ating lipunan, hindi umaasa at hindi rin naman mistulang ATM si JoeCap na handang mamudmod ng salapi sa sinumang manghihingi o nangangailangan.

Sa madaling salita, hindi niya kailangang mamigay ng pera para makuha ang respeto ng kaniyang mga kabaro. Ang tanging pagdating lang ni JoeCap ang ikinasisiya ng karamihan sa mga tao sa Press Club – bagay na hindi kailanman nagbago hanggang sa huling panahong nagpang-abot kami sa NPC.

Bilang pangalawang pangulo ng NPC, si JoeCap ang nagsulong nang paglagda ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng NPC, pulisya at military kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pag-aresto sa isang mamamahayag nang walang abiso sa kaniyang kinapapaloobang news organization.

Bagama’t hindi kami nagkasama sa beat, sala-salabat na kuwento na ang narinig ko hinggil sa kung anong kabutihan at pag-aalaga ang ginawa sa kanila ni JoeCap.

Sa mensahe ni katotong Rey Mercaral – alyas Muymuy – sa Facebook, naikuwento niya na noong panahong nagipit sila sa pag-cover ng state visit ni GMA sa Indonesia (dun nga ba?), ipinagamit ni JoeCap ang kaniyang kama kay Muymuy para may matulugan ito. Sa blog naman ni Ralph Guzman, kaniyang inilahad kung paano siya sinorpresa ni JoeCap nang mag-organisa ito ng party nang siya’y magbalik mula sa pagkaka-stranded sa Dubai airport at doon datnan ng kaniyang kaarawan. Marami pang kuwento subalit ayokong pangunahan ang aking kuwento.

Si Tata JoeCap habang nakikipag tong-its sa cameraman ng GMA-7 (larawan mula sa blog ni Ralph Guzman). Ito ang huling imahe ni JoeCap na nakatatak sa utak ko

Dahil sa angking charisma at popularidad ni JoeCap sa kaniyang mga kabaro sa media, naudyukan siyang tumakbong pangulo ng NPC noong dekada ’90. Kahit hindi pa kami miyembro ng NPC noong mga panahong ‘iyon, all out support kaming mga bagito sa kandidatura ni JoeCap.

Naging mahigpit ang laban nina JoeCap at Fred Gabot ng Bulletin. Isang boto lamang ang naghiwalay sa kanila. Bagama’t dumagundong ang sigawang magkaroon ng recount ng mga balota, tumanggi si JoeCap at hinayaang maupo nang matiwasay bilang NPC president si Gabot and the rest 'ika nga ay history.
Hindi man naging pangulo ng NPC si JoeCap, lalo namang tumaas ang pagtingin sa kaniya ng kaniyang mga kabaro.

Naging biruan nga sa NPC noon ang magsisihan kung sino ang hindi bumoto o sinong nagbenta ng boto na dapat sana’y para kay JoeCap. Pinagsisihan rin namin kung bakit hindi namin pinursige ang pagiging voting member ng NPC – bagay na madalas ipaalala sa tuwing nakakabarikan si JoeCap na kaniya lamang susuklian ng ngiti.

Nagkasama kaming muli ni JoeCap nang buhayin namin ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na matagal nang natiwangwang mula nang yumao ang isa pang haligi ng peryodismo na si Tony Nieva.

Halos araw-araw kaming magkakasama nina JoeCap, Leo Santiago, Mentong Laurel, Joel Palacios, May Rodriguez, Inday Varona, Rey Sabio, at marami pang iba sa pag-organisa ng revival congress ng NUJP na ginanap sa Subic noong taong 2000. Masalimuot ang naging proseso at si JoeCap ang tumimon upang balansehin ang samu’t-sari – at kadalasa’y magkakalabang – personalidad at paniniwala ng bawat isa.


Sa Subic convention ko napag-alamang close pala si JoeCap at si GMA na noo’y bise presidente pa lamang. Panauhing pandangal ng NUJP si GMA sa nasabing pagtitipon. Itinalaga ako ni JoeCap na sumama sa kaniya sa pagsalubong kay GMA dahil sa magkasinglaki lang daw kami ni GMA. Housemates rin kami ni Tata JoeCap sa Subic kung kaya’t magkasama pa rin kami sa kabulastugan.

Noong naging pangulo si GMA, inasahan kong isa sa mga mabibiyayaan ng puwesto si JoeCap. Subalit laking gulat ko na lang na wala ang pangalan ni JoeCap sa mga bagong talaga sa alinmang ahensiya ng pamahalaan at maging sa mga GOCC gaya ng aking dating tanggapan sa Journal.

Madalas kong kulitin si JoeCap na puntahan na si GMA sa Malacanang at baka sakaling ibigay sa kaniya ang pagiging isa sa mga bossing ng Journal subalit ayaw niya. Hayaan lang daw namin ang takbo ng panahon.

Jobless si JoeCap noong mga panahong iyo at ramdam ko na medyo nabuburyong na siya sa kaniyang sitwasyon. Dahil dito, kapal-mukha ko na ring pinahahagingan ang aking kaibigang si Bobby Capco -- dating media officer ni GMA noong VP pa lang ito at noo’y bagong talagang undersecretary sa OPS at kilalang malapit sa kusina ng Malacanang – na nariyan lang si JoeCap sa tabi-tabi. Hindi ko alam kung nakatulong iyon dahil makalipas ang ilang buwan ay naitalaga rin si JoeCap bilang OIC ng OPS Operations Center sa Arlegui.

Madalas kong dalawin si JoeCap sa OpCen. Doon ko muling nakita ang pagiging “hands on general” ni Tata JoeCap. Kahit na tambak sa trabaho, iniistima pa rin niya ang kaniyang mga nagiging “bwisitor”. Dahil sa kaniyang naging trabaho sa Malacanang, naging madalang na ang aming pagbabarikan. Hindi na rin siya madalas makapamasyal sa NPC o makadalo sa kung saan mang pagtitipon dahil sa lagi siyang nasa tabi ni Madame.

Huli kaming nagkita ni Tata JoeCap noong mga huling araw ko sa Pilipinas noong Enero 2006. Dinalaw ko siya sa kaniyang opisina sa Arlegui upang pasalamatan nang patulungan niya ako sa MARO na ma-authenticate ang aking mga papeles na kakailanganin ko dito sa Dubai. Binigyan rin niya ako ng endorsement para sa travel tax exemption subalit hindi ko na ito nagamit dahil binayaran na pala ng Gulf News ang lahat ng gastusin sa ticket.

Magkikita sana kami ni Tata JoeCap noong umuwi ako noong Enero. Kinumusta ko siya sa text at sinabing dadaanan ko siya sa Malacanang para man lang makapag-kape. May inihanda pa nga akong "Dubai" T-shirt na XXL para kay Tata JoeCap.

Subalit isang maigsing text message lang ang kaniyang naging tugon.



At magpahanggang sa huli, trabaho pa rin ang inatupag ng aming Tatay JoeCap.

Saturday, April 4, 2009

Paghahambing kay Chip Tsao at Malu Fernandez

Hindi ko na sana papatulan ang isyu hinggil sa mapanira at nakapipikong komentaryo ng mamamahayag na si Chip Tsao subalit paggising ko kaninang umaga, nabanggit sa akin ng aking Tsinong flatmate na nag-sorry na nga raw ang kaniyang kalahi (‘di ko masabing ‘kabayan’ dahil taga-Mainland ang aking flatmate at taga-Hong Kong naman si Ginoong Tsao).

Nabulabog ang sambayanang Pilipino sa artikulong naisulat ni Chip Tsao na inilahathala sa HK Magazine kung saan kaniyang sinabing walang ‘K’ ang Pilipinas na angkinin ang isla ng Spratlys o ang Kalayaan Island Group sa South China Sea dahil sa ang ating bayan raw ay “nation of servants”.


Una kong nabasa ang naturang obra nang ipadala sa akin ni Lalaine (patnugot ng Illustrado magazine) ang link sa artikulo nang una itong lumabas noong Marso 27. Dali-dali ko namang inilagay sa Facebook ang naturang artikulong pinamagatang “The War at Home” at inalerto ang mga kabaro sa pamamahayag at ilang maiimpluwensiyang “kaibigan” sa hangaring maaksyunan ang muling pagyurak sa dangal ng aming lahi (naks!).

Mabilis ang naging pagkilos laban kay Chip Tsao. Ilang grupong kumukondena kay Tsao ang nabuo sa Facebook at nagkaniya-kaniya nang buhos nang ngitngit ang mga blogulero. Op kors, hindi nagpahuli ang mga pulitiko – lalo na ang mga may naririnig na 'boses' para sa 2010 – at naging mabilis rin ang pag-blacklist kay Tsao ng Bureau of Immigration.

Sa Hong Kong, agaran ring kumilos ang ating konsulado upang iparating sa patnugot nang pinaglathalaang magasin ang galit na naramdaman ng sambayanang Pilipino.

Bagama’t naging maagap ang paghingi ng paumanhin ng Asia City Publishing Group sa paglalathala nang nakasusulasok na artikulo, hindi pa rin nanahimik ang mga Pilipino na pilit na hinihingi ang ulo ni Tsao. “Tatalupan namin siya ng buhay,” tila nabasa kong pahayag ng isang kababayan (hindi 'kabayan') sa isang online forum.

Sa totoo lang, hindi ko na inasahang lalantad pa si Tsao. Kung hihingi man ito nang paumanhin, malamang ay maglalabas lamang siya ng isang pahayag para matigil na ang alingasngas.

Subalit nagulat ako nang kamakailan lang ay personal na nagpakita si Tsao sa ating konsulado sa Hong Kong upang humingi ng dispensa. Akala ko noong una'y nakipag-usap lang si Tsao sa mga opisyales ng konsulado kung kaya't lalo akong nagulat nang malamang buong-loob niyang hinarap ang mga kinatawan ng Filipino community sa Hong Kong at inulit ang paghingi nang paumanhin. Napanood ko pa nga sa TV ang kaniyang pagyukod sa mga Pilipinong dumagsa sa konsulado. Kung ating iintindihin ang kultura ng mga Oriental, ang pagyukod ay simbolo nang pagpapakumbaba at buong-pusong pagbibigay galang.

Dahil doon, napahanga ako kay Chip Tsao.

Hindi biro para sa isang mamamahayag ang umamin nang pagkakamali lalo pa’t humarap sa mga taong sagad hanggang buto ang galit sa iyo dahil sa balita o komentaryong iyong naisulat.

Hindi ko na tatalakayin kung paano ipinaliwanag ni Chip Tsao ang dahilan kung bakit niya naisulat ang “The War at Home”. Maaaring sablay pa rin o hindi convincing ang kaniyang paliwanag subalit sa ganang akin ay kahanga-hanga ang kaniyang pagharap sa mga taong kaniyang nasagasaan.

Hindi ko naman maiwasang maihambing ang kaganapang ito sa alingasngas na nilikha ng isang Malu Fernandez na minsang sumikat nang kaniyang alipustain ang kaniyang mga kababayang OFW na kaniyang nakasabay sa flight mula sa Dubai.

Gaya ni Tsao, binastos ni Malu Fernandez ang mga Filipino sa kagustuhan niyang ipangalandakan ang kaniyang pagiging jetsetter at ipahayag na siya’y angat sa iba.

Ipinako sa krus si Fernandez. Binambo nang kaliwa’t kanan hanggang sa mapilitan umano itong mag-sorry.


Sinibak si Fernandez bilang manunulat sa People Asia magazine at nag-alok umano itong mag-resign sa Manila Standard Today.

Kailanman ay hindi humarap si Fernandez. Tumanggi siyang magbigay nang anumang direktang pahayag dahil sa sapat na raw ang kaniyang inilabas na press statement na humihingi siya ng paumanhin kung may nasaktan man sa kaniyang makulay na istilo sa panulat.

Nanahimik ang mga blogulero sa paniwalang nagwagi na sila sa kanilang kampanyang hingiin ang ulo ni Fernandez.

Dalawang taon makalipas ang kontrobersiya, biglang nabuhay sa akin ang isyu.

Nang umuwi ako sa Pilipinas noong nakaraang Kapaskuhan, nagkaharap – actually nakatabi – ko sa isang barikan sa National Press Club ang aking malapit na kaibigan na isa sa mga patnugot ng Manila Standard Today.

Nang medyo mababad na sa alcohol ang aming utak at diwa, inilabas ng aking kaibigan ang kaniyang galit bunsod nang nangyari sa isyung Malu Fernandez.

Aniya, walang karapatan ang mga OFW na hingiin ang ulo ng kanilang lifestyle writer dahil sa hindi naman daw kami bumibili ng sipi ng Manila Standard Today. Nakikibasa lang daw kami sa internet at hindi nagpapasok ng pera sa kanilang kaban.

At dahil sa nakaiinsulto umano ang tinuran ng mga OFW at maging ng mga blogulero, dito umano nagpasiya ang patnugutan ng Manila Standard Today na huwag tanggapin ang pagbibitiw ni Malu Fernandez at hayaan itong magpatuloy na ipagwasiwasan ang kaniyang “acerbic wit”.

Ngayon, kung ating babalikan ang kaganapan sa nangyaring pambabastos sa mga Pilipino ng isang Tsino at ng isang kababayang Pilipina, sino sa kanilang dalawa ang naging mas makatao sa pagharap sa isyu?

Thursday, April 2, 2009

Best job opportunity in the whole wide world

Naghahanap ka ba nang trabaho?

Gusto mo bang mag-abroad? Makapagtrabaho 'di lang dito sa Dubai kundi maging sa kalawakan?

Puwes! Eto na ang iyong pagkakataon!

Basahing mabuti ang anunsiyong inilabas sa Appointments section ng Gulf News at ipadala agad ang inyong bio-data sa BAC Middle East aprilfirst@bacme.com (Ref No. AF/0104-09/01/04)

Magmadali at huwag palampasin ang minsanang pagkakataong ito!

Friday, March 27, 2009

Congratulations Aia!


My daughter, Stella Marie Isabelle Ramirez Gutierrez or SMIRG or Stellagee or Gucci (the 2nd in the family after me to be called as such) ... or simply Aia is now part of Holy Spirit School of Quezon City's Grade School Class of 2009. Dad's lil girl has done it again!

Tuesday, March 24, 2009

Ang langaw na kaibigan ng modista ni Gloria

Kahapon pa ako nanggagalaiting sulatin ito bilang reaksyon sa nakaka-imbiyernang balitang ipinadala sa akin ng aking kaibigang si Lalaine Chu Benitez, ang patnugot ng de-kalidad na magasing Illustrado.

Ito’y patungkol sa isang Boyet Fajardo na isa umanong pamosong fashion designer na diumano’y gumawa nang eksena sa Duty Free.

Nagwala raw itong si Fajardo sa Duty Free dahil sa hiningan umano siya ng ID para beripikahin ang kaniyang pagkakakilanlan habang nagbabayad nang kaniyang pinamili dahil ito raw ang pamantayang hakbang sa tuwing may nagbabayad gamit ang credit card. Hindi ko na idedetalye kung ano pa ang mga sumunod na eksena dahil sa siguradong nagkalat na ito sa internet.

Ang dagliang reaksyon ko sa e-mail ni Lalaine ay “Sino ba tong Boyet Fajardo na ito?” Sikat ba siya?

Bagama’t tatlong taon na akong nangingibang-bansa, hindi naman ako nagpapahuli sa mga pangyayari sa aking bayang sinilangan. At ngayon ko lang rin narinig ang pangalang Boyet Fajardo.

Ang tanging alam kong Fajardo ay yung welding shop malapit sa bahay namin sa Galas at kung di ako nagkakamali ay ganito rin ang apelyido ng isang babaing minsang binalak kong pormahan noong panahong wala pang piso ang pamasahe sa jeep.

Pasintabi sa aking mga kaibigang marino pero mas maikakabit ko pa ang Boyet Fajardo bilang pangalan ng isang seaman kesa sa isang fashion designer.

Ang inasal ni Fajardo – kung sino man siya – ay hindi nalalayo sa insidente sa call center ng Citibank na ipinarinig sa akin ng aking kaibigang si Earl noong isang linggo kung saan isang babaing “big time” ang nagwala habang kausap ang isang call center agent dahil sa hindi niya ma-withdraw ang kaniyang kayamanan sa ATM ng naturang bangko.

Hindi ko maiwasang mapagdikit ang dalawang insidente dahil sa napapansin kong tila lumalala na ang baltik sa ulo ng mga Pinoy.

Gaya ni Fajardo, marami tayong kababayang nag-aasal langaw na napakalaki na ang tingin sa sarili dahil lamang sa nakadapo ang mga ito sa isang kalabaw.

Ilang insidente na rin ang aking nasaksihan kung saan pumipitik ang isang “naapi” ng tanong na “Hindi mo ba ako kilala?” kasunod nang pagbanggit ng mga taong may powers sa layong masindak ang mga “nang-api” sa kaniya.

Ang insidenteng kinasangkutan ni Fajardo at maging nang Citibank customer na nawawala sa sarili ay epekto na marahil nang sistemang “palakasan” na bumalot at nakagisnan na sa ating lipunan.

Tumatak na marahil sa isipan ng mga Pinoy na maaaring malusutan o baliin ang batas kapag ika’y “big time” o malakas o may nasasandalang pader na puwedeng sumangga sa iyo.

Karaniwan na rin sa mga motoristang Pinoy ang may kipkip na “panangga” sa kani-kanilang mga lisensiya – calling card ni kernel o general o kahit ni Bayani Fernando – o kaya’y “anting-anting” sa sasakyan gaya ng sticker ng kung ano-anong “malalakas” na ahensya gaya ng Malacanang, MMDA, PNP, DOJ, NBI o commemorative plate ng AFP, PNPA, PMA etc. etc..

Hindi na rin tayo masyadong nayayanig sa tuwing makakarinig nang kung ano-anong alingasngas na kinasangkutan ng anak ni congressman, pamangkin ni konsehal, inaanak ni mayor o apo ni general.

At sa kaso ni Boyet Fajardo…. kaibigan raw ng modista ni Gloria.

Kaya’t tama lang ginawa ng mga mga empleyado ng Duty Free na mag-ingay at ipaalam sa madla ang kawalan ng kagandahang asal at pagre-reyna-reynahan nitong si Fajardo.

Hindi maitatama ang isang mali kung walang kikilos laban dito.

At sakali sanang umusad na ang proseso nang kanilang ginagawang pagkilos, huwag sanang gayahin ng mga naaping empleyado ng Duty Free ang putatsing na si Nicole na ipinagpalt ang kaniyang dignidad para lang magpakaligaya sa kaniyang land of milk and honey.

Monday, March 23, 2009

TV retro overload: how jologs are you quiz

Nangingisda ako sa cyberspace….naghahanap ng mga bagay-bagay na pwedeng isalpak sa ginagawa kong Kaluskos Musmos at Uncle Bob Lucky 7 Club groups sa Facebook nang matalisod ko itong “jologs quiz” sa forum ng -- of all websites -- Cebu Pacific!



Hindi ko alam kung luma na ito o bagong gawang quiz …hindi ko rin masagot yung ibang tanong….pero sa interes ng mga ka-henerasyon ko…ipapaskel ko ito with picshurs na hinagilap ko na rin sa internet (salamat sa PEP, Nostalgia Manila at iba pang blogs at sites -- fair use lang po). Some answers originally posted with the quiz, I had to correct ... may detalye na wala doon, pero alam ko!

Basahin…sagutin…nang madagdagan ang inyong pagka-sibilisado…

Btw…. I scored 36 points on this quiz…. STANDARD JOLOGS lang daw ang rating ko…eeew!

Here goes the quiz ...

Hindi mo alam kung ano ang jologs? May mga nagsasabing jologs ka raw kung mas gusto mo ang Hiwaga Komiks, Luneta, at Renz Verano, kesa sa Harry Potter, Starbucks, at Brian McKnight.

Sabi naman sa Cybertambayan.com, jologs ka rin kung naki-uso ka, o naging pamilyar, sa kung ano man ang “in” sa isang partikular na panahon. Malabo pa rin? Eto ang isang quiz para malaman ang Jologs Quotient mo:

1. Ano ang title ng sitcom ni Lito Pimentel kung saan lumabas na tatay nya si Balut? (1 pt.)

2. Sino ang ka-loveteam nya dito? (1 pt.)

3. Ano ang pangalan ng lola sa Flor de Luna? (1 pt.)


4. Ano ang pangalan ng katulong sa Flor de Luna? (1 pt.) Ano’ng apelyido nila Flor at Rene Boy? (1 pt.) Sino ang gumanap na yumaong ina ni Flor de Luna? (1 pt.)

5. Ano ang pamagat ng sitcom na pinapalabas bago ang mga robot cartoons sa Channel 7? Sinong bida dito? (2 pts.)

6. Sino ang gumanap sa Kulit Bulilit na lumabas din sa pelikulang Macho Dancer? (1 pt.)
7. Ano’ng pamagat ng soap opera kung saan lumabas ang mga tauhan na sina Carding, Luisa, at Peping? (1 pt.) Sinu-sinong mga artista ang gumanap sa kanila? (3 pts)


8. Ano ang pamagat ng pelikula kung saan lumabas si Rio Locsin bilang isang daga? (1 pt.)

9. Sinu-sino ang mga softdrink beauties? (3 pts.)



10. Sinong artista ang pumukpok ng microphone kay Dr. Rey de la Cruz sa TV show na Rumors, Facts and Humor? (1 pt.) Sino ang anak nya? (1 pt.) Ano ang children’s show na nilabasan nya? (1pt.)

11. Saang sitcom unang lumabas si Miss Tapia ng Iskul Bukol? (1 pt.) Ano ang totoong pangalan ni Mang Temi? (1 pt.) Ano’ng buong pangalan ni Vic? (1 pt.) Sinong gumanap na ama ng Escalera Brothers? (1 pt.)

12. Sino ang mga bida sa bagets? (5 pts.)


13. Sinu-sino ang cast ng Champoy? (6 pts.)
14. Saang sitcom unang tinawag na Bistek si Herbert Bautista? (1 pt.)


15. Ano ang title ng sitcom ni Apeng Daldal? (1 pt.) Ano ang pangalan ng gitarista nya dito? (1 pt.)

16. Ano ang pangalan ng mga anak nila John and Marsha? (3 pts.)




17. Ano ang pangalan ng asawa ni Rolly sa John and Marsha? (1 pt.)

18. Sino ang ka-loveteam ni Nikki Martel? (1 pt.)
19. Ano ang pelikula nina Aga Mulach at Herbert Bautista after Bagets? (1 pt.)
20. Saang Tv show laging pinapatugtog ang “It’s my turn to see what I can see” sa closing credits? (1 pt.)


21. Ano ang pangalan ni Freddie Webb sa Chicks to Chicks? (1 pt.)


22. Sino ang cast ng Triple Treat? (3 pts.)

23. Ano ang title ng movie ni Kuya Germs at ano ang theme song ditto? (2 pts.)

24. Ano ang unang TV series ni Judy Ann Santos? (1 pt.)

25. Ano ang unang variety show ni Lea Salonga? (1 pt.)

26. Ano’ng title ng sitcom nina Ading Fernando, Lilian Laing, Janice Jurado, at Soxy Topacio? (1 pt.) Ano ang pangalan ni Janice Jurado ditto? (1 pt.)

27. Ano ang pangalan ng foreign actor na katambal ni Maricel Soriano sa Ang Boyfriend Kong Kano? Meron din syang commercial (Sarsi with egg). (1 pt.)

28. Sino ang ka-partner ni Rey “PJ” Abellana sa Anna Liza? (1 pt.)

29. Ano ang title ng TV show nila Agot Isidro, William Martinez, at Strawberry? (1 pt.)

30. Sino ang ka-love triangle nila Sheryl Cruz at Romnick Sarmenta? (3 pts.)


ANSWERS (and more useless jologs trivia)
1. Manok ni San Pedro (1 pt.) Tony Calderon played the role of San Pedro.

2. Kristine Garcia (1 pt.)
3. Donya Agueda (1 pt.). Evil mother of evil stepmother Tita Jo (played by Laurice Guillen), and evil grandmother of evil stepsister Wilma (who later dies after making amends to poor Flor).
4. Soling (1 pt.), Alicante (1 pt., tatay nila si Colonel Leo Alicante, played by the late Dindo Fernando), Emma Yuhico (1 pt.).
5. Prinsipe Abante (1 pt.), starring Bert “Tawa” Marcelo in a Prince Valiant wig. Kapatid nya si Prinsipe Aburido. (1 pt.)
6. Timmy Diwa (1 pt.). Kulit Bulilit was a project of Kabataang Barangay Chairperson Imee Marcos, who regularly appeared on the show. The theme song? “They are whatchamacallit, kulit bulilit!”

7. Gulong ng Palad (1 pt.). Ronald Corveau, Marianne de la Riva, and Romnick Sarmenta (3 pts.)
8. Kambal sa Uma. (1 pt.). Very weird movie serialised from Kislap magazine.
9. Coca Nicolas, Sarsi Emmanuel, and Pepsi Paloma. (3 pts.). Then of course, there were the Liquor-Boulevard Beauties (Vodka Zobel, Brandy Ayala)

10. Divina Valencia (1 pt.). Dranreb (1 pt.), Kaluskos Musmos (1 pt., also starring a very young Maricel Sorriano).
11. Baltic & Co. (1 pt.); Artemis Batungbuhay (1 pt.); Victorio Ungasis (1 pt.); Rod Navarro (1 pt.)
12. Aga Muhlach, J.C. Bonnin, Raymond Lauchengco, William Martinez, Herbert Bautista (5 pts.)
13. Noel Trinidad, Subas Herrero, Tessie Tomas, Gary Lising, Maya (later known as Mitch) Valdez and Cherie Gil (6 pts.)

14. 2+2 (1 pt.)

15. Cafeteria Aroma (1 pt.) Minyong Villegas (1 pt.)

16. Rolly, Shirley at Atong (3 pts.)
17. Madel (1 pt.)
18. Tina Godinez (1 pt.)
19. Campus Beat (1 pt.)
20. Coney Reyes on Camera (1 pt.)
21. Jimmy Capistrano (1 pt.)
22. Randy Santiago, Keno, and Gino Padilla (3 pts.)
23. Payaso; Send in the Clowns (2 pts.)
24. Ula (1 pt.)
25. Love, Lea (1 pt.) on Channel 4, co-starring, if we remember , Ariel Ureta and Gerard Salonga.
26. Duplex (1 pt.); Liweng (1 pt.)
27. Danni Vanni (1 pt.) And if you remember him, the name Tom Babauta should likewise be familiar.
28. Leni Santos (1 pt.)
29. Mana-Mana (1 pt.)
30. Joed Serrano (3 pts.) Bonus: sobrang jologs kung alam mo to

SCORING:
55+ Lord of the Jologs
40+ Proud Jologs
25+ Standard Jologs
10+ Lowly Jologs
9 below Ayaw Umamin na Jologs

(Note: Para lang 'to sa mga Martial Law Babies o mas matanda pa ang quiz. Alam na ng mga “Generation Y” ang Jologs Quotient nila.)

Sunday, March 15, 2009

eMo :(

Ilang araw na akong balisa.


Tamang “senti” o kung sa lenguaheng bagets ngayon, tamang “emo” baga.


Second nature na nga yata sa mga migranteng gaya ko ang palagiang tamang “emo”. Mahirap ipaliwanag at mahirap rin intindihin ng mga “normal” na tao kung gaano katindi ang “emo” level ng isang OFW.

Parang gusto mong isumpa ang mundo at isumpa na rin ang sarili mo kung bakit ka lumayo sa bayang kinagiliwan subalit sa tinagal-tagal ko na sa ganitong buhay, natuto na rin akong mag “cool down” at pigilan ang pag-alagwa ng kalungkutan dahil baka kung saan pa mapunta ang sobrang kaburyungan.

Maaari sigurong sabihin na maihahalintulad kaming mga OFW sa isang payasong namatayan.
Nakatawa o masaya ang anyong panlabas kahit na nagluluksa at tila pinupunit ang kalooban.
Mga bagay na maaaring sabihing isang komedya kung dati mo na akong kakilala.

Senti ako dahil sa ikatlong magkakasunod na pagkakataon ay wala na naman ako nang magdiwang ng kaniyang kaarawan ang aking unico hijong si Andre.



Siyam na taong gulang na ang baby boy ko noong Marso 10. Huling birthday niyang single digit at sa susunod na taon ay papalapit na sa pagiging binatilyo.


Marami na ring pinagbago ang aking “mini me”.

Kung dati-rati’y Beyblade at B-Daman ang kaniyang nilalaro noong huling panahong magkasama pa kami, ngayon ay PSP at basketball na ang kaniyang nakahihiligan.


Dahil na rin dito, nabilihan ko si Andre ng basketbolan at nakapanood pa kami ng live na PBL
game sa San Beda. Halos araw-araw rin kaming naglalaro ng basketball sa aming garahe.


Sa hindi ko maintindihang dahilan, naging fan si Andre ng Charlotte Bobcats na bagama’t hindi kalakasang koponan sa NBA ay siya namang kaniyang pilit na minamaniobrang manalo sa kaniyang PSP.

Kamakailan lang ay naikuwento pa niya sa akin kung paano siya napabilib sa Alaska Aces nang mapanood niya ang laro nito kung saan bumangon ang koponan ni Tim Cone sa pagkakatambak at mapanalunan ang isang krusyal na laro sa nakaraang PBA Fiesta All-Filipino Conference.


Kinailangan lang naming rendahan ang kaniyang pagkahilig sa basketball nang minsan niyang balaking magdeklara ng “holiday” para makapanood lang ng NBA All-Stars.

Napapabuntung-hininga na lang ako sa tuwing maiisip na malamang ay madalas kaming magkasama sa panonood ng mga laro lalo pa’t naging isang basketball powerhouse ang aking alma mater.


Siguradong mamimilog ang mga mata ng aking Andre sa pagkamangha kapag naipakilala ko pa sa kaniya nang personal ang ilan sa aking mga kaibigang malayo na rin ang narating sa larangang ito bilang mga player, coach o commentator.

Kaya’t sakaling makita niyo akong nakatanga at tila nagmumukmok, pagpasensiyahan niyo na ako’t “emo” moments ko yun.


Malamang ay nangangarap na naman akong nakikipag-one-on-one sa aking unico hijo.

-oOo-

Isa pang dahilan nang aking pagsisintir ang pagpanaw kamakailan ng isang kaibigan – si Florencio Ramos -- isang PR man na mas kilala sa maliit na sirkulo ng mga developmental communicators bilang Tata Flor o Mang Floring.

Kakaiba ang aming pagkakaibigan ni Tata Flor dahil sa naging dabarkads rin pala nito ang aking Papa.

Blog ko naman ito kaya’t hayaan niyo na akong magkuwento.

Una kong nakilala si Tata Flor noong ako’y naging patnugot ng AgriScope, isang magasing tungkol sa pagsasaka at mga negosyo’t bagay-bagay na may kinalaman sa agrikultura, noong 1993 (Sa mga mahilig magbilang, 23 taong gulang po ako noong mga panahong yaon).

Isang araw na tagaktak ang pawis naming binubuo ang isang isyu ng magasin sa aming opisina sa basement ng Cityland building sa Buendia, may dumating na matandang long hair na naka-polo barong at hinahanap raw kung sino na ang bagong editor ng AgriScope.


Pinatuloy ng aming editorial assistant na si Jun Cangao ang bisita at di naglaon ay nagkakilala rin kami. Siya nga raw si Flor Ramos at tinutulungan niya ang PCARRD (Philippine Council for Agriculture, Forestry and Natural Resources Research and Development), isang ahensya ng Department of Science and Technology, sa pagpapakalat ng kanilang mga press releases.

Gaya ng isang karaniwang PR man, madaldal si Tata Flor. Subalit kakaiba ang kaniyang dating sa amin. Hindi siya nambobola.


Walang halong ek-ek ang kaniyang mga sinasabi at tunay ang kaniyang pakikipagpkaibigan sa amin hindi kagaya ng karamihan sa mga PR practitioners na plastic at kaya lang magiliw ay dahil sa may kailangan sila sa iyo.Nagyaya rin si Tata Flor na makipagbarikan o kaya’y makapamasyal sa tanggapan ng PCARRD sa Los Banos.

Mula noon ay naging madalas na ang aming pagkikita – kadalasan sa mga media events na inoorganisa ng Science and Technology Information Institute para sa DOST at ng mga ahensiya nito.


Minsan rin naming pinaunlakan ang masigasig na imbitasyon ni Tata Flor na magbarikan sa isang tagong dampa malapit sa Ospital ng Makati.

Sa aming pagkukuwentuhan, nalaman kong Bikolano pala si Tata Flor at matagal nang tumutulong sa mga imbentor.


NSDB pa nga raw o National Science Development Board at wala pang DOST ay nariyan na siya para tulungang i-promote ang mga imbensyong Pinoy.

Naipakita rin niya sa akin ang laman ng kaniyang palagiang kipkip na plastic envelope kung saan nakasilid ang clippings ng kaniyang mga naipalabas na istorya tungkol sa mga imbentor at ilang mga larawang kasama ang kung sino-sinong mga talentadong tao gaya ng dating pangulo ng Filipino Inventors Society na si Ronnie Pasola – ang utak sa likod ng larong Games of the Generals – at Dr. Jovito Deauna na siya namang lumikha ng isang water filtration system na kilala bilang Aquaclean.


May mga naninilaw na larawan rin siya habang kasama sina Gerry Geronimo, host ng Ating Alamin, isang agribusiness TV show, at Cecille Garrucho ng Tele-Aralan.

Si Tata Flor rin ang punong-abala nang maghatak ng mga mamamahayag ang noo'y Science Secretary Ricardo Gloria sa kaniyang pag-iinspeksyon ng mga proyekto ng DOST sa Laguna at Quezon.

Lalo kaming napalapit sa isa’t isa ni Tata Flor nang aksidente kong malaman ang kaniyang kaugnayan sa aking Papa.


Wala na ako sa mainstream media at noo’y nagtatrabaho sa media bureau ng Lakas-Laban coalition noong panahon ng halalan noong 1995 nang mapadalaw si Tata Flor sa aming tanggapan sa BF Condominium sa Aduana. (Karamihan sa mga PR ay wala nang paki sa'yo kapag nawala ka na sa poder).

Pababa na kami nang hagdan para kumain sa labas nang bigla niya akong tanungin kung saan raw ang aking probinsiya.


Gaya nang kadalasang tugon ko sa mga ganiyang tanong, sinasabi kong ipinanganak ako sa Maynila at lumaki sa Quezon City subalit ang aking Mama ay mula sa Bohol at ang aking Papa ay mula sa Masbate.

Napatigil si Tata Flor at nag-usisa kung saan daw sa Masbate nagmula ang Papa ko. Nang sabihin kong sa bayan ng San Jacinto … napadilat ang kaniyang mata, sabay tanong kung kaano-ano ko si Al (palayaw ng aking tatay).

Nang sabihin ko sa kaniyang tatay ko ang kaniyang tinutukoy, napa-jab si Tata Flor sa aking balikat. Magkabarkada raw sila ni Papa (Mga mata ko naman ang nanlaki).

Magkaklase raw sila ni Papa sa high school sa Southern Luzon Institute sa Bulan, Sorsogon at tunay na magkasanggang-dikit. Marami siyang naikuwento sa akin tungkol sa aking ama. Madalas rin umano siyang dumalaw sa opisina ni Papa sa GSIS noong nasa Aroceros pa ito.

Mula noon ay kaakibat na ang kuwentong yaon sa tuwing may mga okasyong nagpapakilala kami sa mga taong nakakasalamuha namin.


Matagal-tagal pang panahon ang naging pagkakaibigan namin ni Tata Flor.

Mula DOST, napunta siya sa PCSO kung saan naging bossing naman niya ang aking favourite teacher sa high school na si Roger Ramirez.


Huli kaming nagkasama ni Tata Flor sa birthday celebration ni Mr. Ramirez na ginanap sa isang bakanteng lote sa likod ng Q.I. noong 2004. Naihatid ko pa siya sa kanilang bahay sa Cubao matapos ang barikang umabot nang dis-oras ng gabi.

Gaya nang kadalasang paalamanan, nagyaya na naman siyang uminom dahil may naitabi raw siyang Carlos I para sa amin.

Hindi na kami nagkaroon nang pagkakataong muling magkabanggaan ng baso at malamang ay si Papa na ang sumasalo nang aking tagay.


Nitong mga nakaraang araw, sinubukan kong kontakin ang ilan sa aming mga kaibigan at kasamahan sa science media upang himukin silang bigyan nang parangal si Tata Flor.

Ayon sa aking kumpareng si Angelo Palmones, isa sa mga bossing sa ABS-CBN at pangulo ng Philippine Science Journalists Inc., binabalak umano nilang gawaran ng parangal si Tata Flor sa national assembly ng PSciJourn sa darating na Hulyo.


Sa pamamagitan ng Facebook, sinegundahan naman ng aming kaibigang si Jess Matubis na ngayo’y nanumbalik na sa NBN (dating PTV-4) ang aking punto na karapat-dapat na tanghalin bilang bayani ng siyensiya at teknolohiya si Tata Flor dahil sa kakaibang sipag at tiyagang kaniyang ibinuhos para lamang mapansin ang mga imbensyong Pinoy.

Eto ang kaniyang tugon sa aking mensahe:

Hi Ares: Yes, I wholeheartedly agree with you that Flor deserves to be honored
by DOST. Not only did he help to promote the inventors Flor was the
indefatigable guy who coordinated with media (me at Channel 4 and Lulu at
VOP/Radyo ng Bayan) and facilitated our requests. I remember our trip to Laguna
and Quezon where we inspected DOST-assisted projects.

Wednesday, March 11, 2009

The DesertBedans debut

(Welcome remarks I delivered during the general induction of members and oath-taking of officers of the San Beda Alumni Association of the United Arab Emirates last 06 March 2009...hinintay ko lang yung picture bago ko 'to pinost)






Vice Consul Edwin Mendoza
Ourgood friend, Mr Art Los Banos, leader of the Filipino Community in Dubai
The Amparado family. Thank you for allowing us into your home.
Members of the San Beda Alumni Association of the UAE
Distinguished guests

On behalf of the officers of the San Beda Alumni Association of the UAE, I welcome you all to the general induction of members and oath-taking of the first set of officers of the SBAA-UAE, now popularly known as the DesertBedans.

Tonight’s event completes the process of realizing a shared dream among Bedans yearning for the unique brand of brotherhood that can only be found in our alma mater.

The coming into being of the DesertBedan community in the UAE was a work in progress that takes us back to the time when the Red Lions ended a 28-year wait for an NCAA senior basketball crown in 2006.

On the night Bedans in Mendiola busted their lungs out shouting ‘Animo San Beda” and “Go San Beda Fight” with bottles of San Mig Light on hand, my classmate, Jojo Amparado, and I were doing the same at the Airport Millenium Hotel – on the eve of Ramadan!

Elsewhere, in a room in Deira, a group of Bedan accountants were doing the same and so was Barry Canlas, who was celebrating by his lonesome in Karama because he thought he was the only Bedan in Dubai.

I’m sure Abet Alba and Joey Hidalgo waxed nostalgic as they recalled the last time they experienced a victory party at Mendiola when Chito Loyzaga, Frankie Lim and the rest of the Red Lions brought home the bacon in 1978.

It was that collective longing for our home in Mendiola and Alabang that pushed us to form the SBAA-UAE.

Of course, we’d like to give credit and thank the people behind Bedista dotcom.

Mike Ramos, our ever humble executive director, was one of the brains behind Bedista.com.

Bedista dotcom was instrumental in putting all these things on fast-track.

A post asking for the whereabouts of Bedans in the UAE in one Bedista dotcom forum led to the discovery that there are Red Lions in this part of the world.

The post ignited the excitement that yeah, it’s high time for us Bedans to come together and watch the Red Lions take the grandslam last season.

And so we had our first-ever powwow between Game 1 and Game 2 of the NCAA Finals last September where we ratified our Constitution and By-laws, followed by the election of our officers last October and subsequent recognition given to us by the Philippine Consulate General.


Let us give Consul Mendoza a big hand to thank them for that.

And now we are gathered here to formally welcome the birth of the SBAA-UAE.

Aside from taking account of each and every Bedan here in the UAE, one of our objectives here is to put up a solid support network especially during these trying times.

It is time for us global Bedans to come together and rise up to the challenge.

Bedans know how to have fun. And we were also raised to help those in need especially if he is a kapamilya or a kapuso.

In closing, allow me to borrow a few lines from the Bedan Hymn, composed by the great Raul Roco.



When we encounter trials and hardships
We shall give you honor and fame
For nothing but these show our loyalty clear
To our Alma Mater’s
name.

Go San Beda Fight!

For more pictures go to http://desertbedans.multiply.com/

Sunday, March 8, 2009

Art for Gaza at ang kahalagahan nang kabuluhan sa buhay

Napapansin ko lang na masyado yatang nagiging artsy-fartsy ang drama ko dito sa Dubya ngayong 2009.

Sinimulan natin sa Wowowee na maaari sigurong maituring na performing art at nasundan naman nang pagdalo natin bilang isa sa mga hurado ng isang essay writing contest sa UIPS at sa pagmimiron naman sa Emirates Airlines International Festival of Literature.
Kamakailan lang ay napadalo naman tayo sa pagbubukas ng Art for Gaza kung saan nag-exhibit ng kani-kanilang mga obra ang ilang mga talentadong tao dito sa Dubai na karamihan ay mga kaopisina ko dito sa XPRESS at Gulf News.




Simple pero may class na dating ang exhibit na isinagawa sa Dubai Community Theatre and Arts Centre sa Mall of the Emirates mula a-tres ng Marso at magtatapos sa kaarawan nang aking unico hijong si Andre sa a-diyes.

Mga likhang kamay ng aking mga kaopisinang mga Mexicano at mga sipat naman ng aking mga kasamahang Indiano at Canadian at dating mga kasambahay na 'di ko na babanggitin ang mga pangalan dahil sikat na sila at mga piling dokumentaryong ginawa ng aming mga kasamahan sa Gulf News na nagtungo mismo sa Gaza noong panahong sumalakay doon ang mga tropang Israeli noong Disyembre ang isinabit sa exhibit area.

Ang mga obra ay isusubasta kung saan ang mga malilikom rito ay ibabahagi sa Palestine Children’s Relief Fund na siya namang kumakalinga sa mga pangangailangan ng mga batang naipit sa kaguluhan sa Occupied Palestine (kung tawagin dito sa Gitnang Silangan).

Kamangha-mangha ang mga obra kung saan makikita o mararamdaman nang manonood ang hinagpis at pasakit na dinaranas ng mga biktima nang kaguluhang tila walang katapusan.

May ilang mga obra naman na walang direktang koneksyon sa Gaza ang nasa exhibit gaya ng mga larawang kuha ng aking mga kasamahang sina Zarina, Karen at Kahlil.

Bagama’t walang kinalaman sa Gaza, ipinakikita naman sa kanilang mga kuha ang iba’t –ibang anggulo ng buhay at tanawin ditto sa UAE.
Palaisipan lang sa akin kung ano ang kinalaman ng mga cartoon at sci-fi movie characters na likha ng mga Amerikano sa tema ng exhibit. Siguro, sila ang representasyon ng mga kontrabida.
Naalala ko tuloy ang aming dinaluhang essay-writing contest kung saan kalahati sa kabuuang panuntunan nang pagtimbang sa mga lahok ang tinatawag na "Relevance" ng sanaysay sa tema.
May mga kalahok sa patimpalak na talagang mahusay magsulat subalit dahil sa lihis sa tema ang kanilang akda, mababa ang kanilang nakuhang puntos sa criteriang "Relevance".
Kahit na magaling ka, kung wala namang kabuluhan ang iyong ginawa o ginagawa, talo ka pa rin sa bandang huli.
Isa na namang aral ng buhay ang ating natutunan.

Tuesday, March 3, 2009

Si Madame Jung, Madame Imelda, Chairman Mao at ang aking pamamasyal sa mall

Isa sa reklamo’t pulang kadalasang marinig sa mga expat dito sa Dubai ang kawalan nang makabuluhang bagay na magawa o mapuntahan.

Bagama’t pilit na ibinabandera ang Dubai bilang sentro ng turismo at kultura sa Gitnang Silangan, wala namang mapuntahan ang mga tao dito kundi ang mga naglalakihang malls.

Medyo may kamahalaan – at kalayuan – kung nais mong gayahin sina Aga at Claudine na magpagulung-gulong sa buhanginan at sumakay sa likod ng kamelyo. Susuka ka rin ng Dh150 pataas o tumataginting na P2,000 o kaya’y isang linggong pananghalian para lang makapag-desert safari.

Nakahihimatay naman ang mag-weekend sa isa sa mga pamosong hotel rito kung saan mabibigyan ka nang pagkakataong magbuhay-hari – lumapang hanggang sa sumabog ang tiyan sa kabusugan, mamangka sa isang pribadong lawa, maupo sa tronong yari sa ginto at magmuni-muni sa isa sa mga kapihan sa tuktok nang nag-iisang 7-star hotel sa mundo – kung saan umaabot raw sa Dh4,000 o P53,000 kada araw ang bayad [Pssst bok…si Joey de Leon daw naispatan sa Atlantis].


Kaya nga’t sa tuwing papalo ang weekend (kadalasang nagsisimula tuwing Biyernes) o day off, tanging pamamasyal lamang sa mall ang nagiging libangan nang karaniwang tao rito.

At ano naman ang magagawa mo sa mall? Mamili at kumain. Sa madaling salita: gumasta! Waldasin ang pinaghirapang dirham!


‘Yan ang mall culture na maging sa ating lupang sinilangan ay unti-unti na ring pumapasok sa diwa ni Juan dela Cruz.

Subalit kamakailan lang ay naging kakaiba ang aking mall experience.


Matapos naming tumayong hurado sa isang inter-Filipino schools essay writing contest na ginanap sa United International Private School, nayakag ako ni Jay na dumalo sa isang sesyon sa Emirates Airlines International Festival of Literature na ginanap sa Dubai Festival City (ang akin ngayong paboritong mall dito sa Dubai).


Kami nina Consul Butch Bandillo, Butch Franco at Jay Hilotin kasama ang mga batang manunulat

Kung ikaw ay isa sa kung tawagin ay “book worm,” masasabi mong isang paraiso ang EAIFL.


Maihahalintulad ang EAIFL sa isang sikat na film festival gaya ng Cannes kung ika’y mahilig sa pelikula o kaya’y isang double-header game day sa PBA o NBA kung basketball naman ang nagpapayanig sa buhay mo.

Nagsidatingan sa EAIFL ang ilan sa mga batikang manunulat na hinangaan sa buong mundo dahil sa kanilang mga obra.




Mahilig ako sa libro pero wala pa rin akong karapatang matawag na isang “book worm.”


Marami akong libro, pero karamihan ay hindi ko pa nababasa o nasimulan lang pero hindi ko magawang tapusin gaya ng librong Road Work na isinulat ng mamamahayag na si Mark Bowden na ipinamana naman sa akin nang aking kaibigang si Joe Torres na isa ring kinikilalang mamamahayag na sumulat ng Into The Mountains: Hostaged by the Abu Sayyaf na naging bestseller sa National Book Store.




Maraming pasikut-sikot ang daan mula sa basement parking ng DFC hanggang sa makarating kami sa isang bulwagan sa Intercontinental Hotel kung saan ginanap ang balitaktakan.

Masyadong nakawiwili ang DFC. Sa tindi ng mga tanawin dito, hindi namin mapigilan ni Mariecar Jara ng Gulf Today na magpa-picture dahil sa pareho lang kaming paminsan-minsan lang makalabas nang aming mga lungga.




Kami ni Mariecar sa marina ng DFC


Eniwey, napasugod nga kami nina Jay sa sesyon nang manunulat na si Jung Chang, ang may akda ng Wild Swans at Mao: The Unknown Story.


Naging interesado ako kay Jung Chang dahil sa ako ang naatasang gumawa ng kaniyang bio sketch sa feature spread tungkol sa festival na aming inilabas sa XPRESS.

Bukod rito, siya lang ang nag-iisang awtor mula sa Oriental Asia dahil sa karamihan sa mga naimbitahang manunulat ay mga Europeo o kaya’y mga Arabo.


Nang una kong makita ang larawan ni Jung Chang habang nangangalap ako ng materyales para sa kaniyang bio-sketch, hindi maiwasang manumbalik sa aking isipan ang mga eksena mula sa pelikulang Joy Luck Club na hango naman sa nobela ni Amy Tan.


Ang Wild Swans na inilimbag noong 1992 ay hango mismo sa totoong buhay ni Jung Chang at sa kaniyang ina at lola at kung ano ang kanilang kinagisnang buhay sa Tsina.


Sa biglang pag-aanalisa, parang magkarugtong ang takbo nang Wild Swans at Joy Luck Club na tungkol naman sa buhay ng apat na pamilyang Tsino at kung paano sila napadpad bilang mga migrante sa Amerika.


Gaya ng panimula nang artikulo ni Jay sa XPRESS, ang mga awtor na gaya ni Jung Chang ay mga ordinaryong taong may kakaibang mga kuwento.


Angat lang sa ordinaryong tao ang mga manunulat dahil sa may kakayanan silang maisulat sa pamamagitan ng lapis at papel o sa modernong konteksto – itipa sa keyboard – ang kanilang mga kuwento.


Sa aking pananaw, mas nakakagilalas ang kuwento ni Jung Chang dahil sa hindi kathang-isip ang kaniyang mga itinala.


Mas mahirap at medyo makabagbag-damdamin ang balikan o saliksikin ang nakaraan sa iyong sariling buhay dahil may mga bagay na ayaw mo na sanang gunitain subalit hindi mo naman maisantabi o tuluyang ibaon sa limot dahil isa itong kritikal na aspeto ng iyong pagkatao.


Hindi ko pa nababasa ang Wild Swans ni Jung Chang subalit parang nararamdaman ko ang paninikip nang kaniyang dibdib habang kaniyang inilalahad kung paano ipinagbili ng kaniyang sariling ama ang kaniyang lola sa isang makapangyarihang heneral nang dahil sa labis na kahirapan.







Mas maraming oras ang ginugol ni Jung Chang sa pagtalakay kung paano nila nabuo ng kaniyang asawang si Jon Halliday ang librong Mao: The Unknown Story.



Unang tinalakay ni Jung kung bakit nabago ang kaniyang pananaw sa lipunang nais buohin ni Chairman Mao.




Ayon kay Jung, katorse anyos siya nang magsimula niyang pagdudahan o kuwestyunin ang mga prinsipyo’t kalakarang ipinatutupad ni Mao sa Tsina. Nagbubunot siya ng damo – dahil sa ipinagbawal raw ang pag-aalaga ng halaman dahil sa ang gardening ay isang uri umano ng burgis na gawain – nang mamulat ang kaniyang mga mata sa katotohanan.

Kabilang rin ang pamilya ni Jung sa mga hayagang inalipusta noong panahon ng Cultural Revolution kung saan pinaluhod pa umano ng mga loyalista ni Mao sa graba ang kaniyang ama habang may nakasabit na karatula sa leeg nito.


Inilahad rin niya kung paano siya sapilitang pinagtrabaho bilang electrician bagama’t wala siyang kaalaman rito dahil sa isa rin umano ito sa mga ipinatupad na polisiya sa paggawa ni Mao. Dahil dito, makailang-beses umanong nakuryente si Jung sa panahong nagsilbi siyang electrician kung kaya’t hindi niya ito kailanman makalimutan.

Sa kanilang pananaliksik sa buhay ni Mao, maraming personalidad ang kanilang nakapanayam at inilahad naman ni Jung Chang ang ilang kuwento sa likod kung paano nila nasungkit ang mga interview.


Nasa Hong Kong sina Jung at asawang si Jon nang mabalitaan nilang naroroon rin sa kanilang tinuluyang hotel ang noo’y lider ng bansang Zaire na si Mobutu Sese Seko na sinasabing naimpluwensiyahan nang husto ni Mao.


Nais umano ni Jon na samantalahin ang pagkakataon at hanapan nang paraan na makapanayam nila si Mobutu subalit umangal na si Jung dahil sa pagod na pagod na siya sa maghapong pagtatrabaho at nais naman niyang mag-relax.


Nagpapaayos nang kaniyang buhok at nagpapa-manicure si Jung nang biglang pumasok sa salon ng hotel si Mobutu na pinaupo naman sa kaniyang tabi.


Nabigla si Jung Chang sa takbo nang pangyayari kung kaya’t sinamantala na nila ang pagkakataong mistula nilang bihag si Mobutu na kanilang kinapanayam habang nagpapa-parlor.


Umapaw naman ang halakhakan nang mapunta ang kuwento ni Jung Chang kay Imelda Marcos na limang oras nilang na-interview.


Ayon kay Jung, ang relasyon nina Mao at Jung ay matatawag na “flirtatious” o may halong landian dahil sa mistulang nabuhay ang diwa ni Mao at naging kakaiba ang liksi nito nang makita si Madame Imelda nang dumalaw ito sa Beijing.


Madalas ibida noon ni Pangulong Marcos ang mga matagumpay na diplomatic mission ni Madame Imelda at kabilang na rito ang pakikipagkita ng Unang Ginang kay Mao. Maging sa mga biography at dokumentaryo sa buhay ni Imelda, always present ang mga larawan at video footage nila ni Mao.


Noong dumalaw umano si Imelda kay Mao, mahigpit umano ang bilin ng mga opisyales sa mga maniniyot (photographer) na ingatang huwag makukunan ng larawang malalagay sa alanganin ang Chinese leader.




Subalit nakalusot ang larawan nang paghalik ni Mao sa kamay ni Imelda – na isa umano sa mga ipinagbabawal na gawin ng lalaki sa isang babae sa ilalim ng kaniyang polisiya – hindi naman tumigil sa pagkuha ng footage ang mga TV cameramen at ang screen grab nito ang pinagmulan nang alingasngas sa Tsina.


Marami pa sanang maaaring ikuwento si Jung Chang subalit kinailangan nang tapusin ang sesyon.

Hindi naman ito naging balakid para makasikwat kami ni Jay nang ilan pang minutong pakikipagkuwentuhan kay Jung.




Habang pinapapirmahan namin ang aming mga kopya ng Wild Swans at Mao, na-interview namin si Jung kung saan akin siyang tinanong kung sinubukan ba nilang tumbukin ang relasyon ni Mao sa Communist Party of the Philippines.

Medyo nabigla si Jung sa tanong at sinabing hindi sumagi sa kanilang isipan na isali sa kuwento ang CPP.

Nang tanungin naman ni Jay si Jung kung ano ang dapat gawin para maiwasang muling makaupo sa poder ang isang lider ni gaya ni Mao Zedong, sumagot si Jung na:

“It’s democracy - liberal democracy - and the other things that come with it.
When things are more transparent and holds the people and leaders to account,
everyone has the chance to be recognised.”

-oOo-

Kung hindi lang talaga gahol sa oras at problema ang sasakyan pauwi, masarap pa sanang manatili sa Festival of Literature dahil nga sa marami pang kuwentong kagaya nang kay Jung Chang ang maaaring masagap rito.

Sa aking paglabas sa bulwagan, namangha ako nang makasabay ko sa paglalakad si Robin Sharma, ang sumulat ng international bestseller na The Monk Who Sold His Ferrari at Who Will Cry When You Die? na noo’y papunta sa pila para sa kaniyang book-signing session.




Eto ang napakaliit na picture ni Robin Sharma


Napahanga ako sa istilo ni Sharma na imbes na hayaang lumarga ang pila habang naghihintay lang sana sa isang upuan ang awtor para lagdaan ang kaniyang libro, inisa-isa niyang lapitan ang mga taong nakapila para na rin personal niyang makausap ang kaniyang mga readers at fans.

Siya mismo ang lumapit sa mga taong nagpapa-angat sa kaniya. Isang simple’t magandang halimbawa.


Kakaiba talaga ang aking naging weekend mall experience. Sana’y ganitong klaseng culture ang ating natututunan sa mga mall. Kulturang yayaman ang ating isipan at pagkatao at hindi yung tayo ang maghihirap upang yumaman ang mga may-ari ng mall.

Wednesday, February 25, 2009

Hindi na pogi si Ogie at kung bakit basketball hero si Elmer Reyes


Hindi magkandamayaw ang sanlibutang Bedista nang magising noong Lunes (Peb. 23) at tumambad ang ulat sa Inquirer hinggil sa umano’y desisyon ni Ogie Menor na tuluyan nang hubarin ang kaniyang kamisetang pula at lisanin ang koponan ng aming mahal na San Beda.

Kataka-taka, kabigla-bigla. Omigod, anong nangyari kay Ogie? Anong klaseng toyo ang pumasok sa kokote ni Menor na minsang binansagan ng ating kapatid sa panulat na si Peter Atencio na “genuine school pride” dahil sa nagpatato raw ito ng imahen ng leon sa kaniyang dibdib bilang pagpapatunay umano nang kaniyang pagmamahal sa kaniyang alma mater na kaniyang nabigyan ng anim na korona sa NCAA basketball.

Hindi ko kilala si Ogie Menor. Wala na ako sa Pilipinas noong makopo ng Red Lions ang pinakamimithing korona noong 2006.

Naka-mohawk daw o gupit Mister T -- kung tawagin sa aking kapanahunan – itong si Menor kung kaya’t napakabangis nang dating nito sa court. Kumbaga, hitsura pa lang, sindak na ang kalaban.

Minsan ko lang napanood nang personal kung paano nga ba maglaro itong si Menor nang suwertehing sa San Beda gawin ang mga laro ng Philippine Basketball League noong Enero 6 at napasabak ang kaniyang koponang Burger King laban sa Harbour Centre.

Maliksi, walang takot sumalaksak at may tira sa labas itong si Menor. Para siyang si Jeffrey Cariaso o si Dondon Ampalayo o maging ang nasirang Arnie Tuadles noong nasa Toyota pa ito.

Para rin siyang si Jolas noong naglalaro pa ito sa Mama’s Love at ang kaniyang mala-punkistang buhok at mala-demonyong (tama kaya itong pagsasa-Filipino ng salitang “daredevil”?) galaw ang siyang pumupuno sa Rizal Memorial Coliseum noong panahong ang PBL ay kilala pa bilang PABL o Philippine Amateur Basketball League.

Ang angking galing at championship experience ni Menor na rin marahil ang dahilan kung bakit siya napili ni Coach Rajko Toroman na mapabilang sa national developmental pool na binuo para makapasok ang koponan ng Pilipinas sa London Olympics sa 2012.

Sa labas ng court, mukha namang simple at walang ere itong si Menor.

Nanananghalian kami nina Kuya Jay Labayo, Mike Abasolo at Ryan Arambulo sa cafeteria ng San Beda nang makita naming pumasok si Menor, dala-dala ang kaniyang inorder na pagkain at walang imik na pumuwesto sa kabilang mesa.

Dahil nga isa syang basketball celebrity, may mga lumalapit sa kaniya’t binabati siya na sinuklian naman niya nang ngiti at tango.

Natuwa rin ako na ganon ang nakita kong ugali ni Menor… high flying pero down to earth… parang si Samboy Lim. Malayo sa mangilan-ngilang basketbolistang hindi pa nga sumisikat e may baltik na sa ulo.

Fast forward tayo sa Pebrero.

Nanlumo ako nang lumabas ang ulat na umayaw na sa national team si Menor at tanggihan nito ang alok na kontrata ng Samahang Basketball ng Pilipinas.

Hindi raw maganda ang kontrata. Nagalit pa nga raw ang kuya ni Menor na si Romar – na naririto rin daw sa Dubai at nagtatrabaho bilang personal trainer sa Fitness First – dahil “unfair” raw ang kontrata. Mas gugustuhin raw ni Menor na makipagsapalaran sa PBA kaysa sa magpahinog sa Philippine team.

Naalala ko tuloy ang panukala ni Jenkins Mesina na gawing honorary member sa DesertBedans si Romar dahil ito raw umano ang dahilan kung bakit nanatili sa San Beda si Ogie.

Hindi ko na binasa kung ano ang naging reaksyon ng mga kapwa ko Bedista sa forum ng PEX o Bedista.com. Pero nakasisiguro ako na hati ang opinyon sa naging desisyon ni Menor.

Gaya nang nabanggit ko, nanlumo ako sa ginawa ni Menor. Huwag na nating himayin ang nilalaman ng kontrata. Siguradong pera-pera lang yun.

Ang alam ko, isang malaking karangalan ang mahirang sa national team – ang magsuot nang unipormeng may nakakabit na bandila ng Pilipinas.

Pagkakataon na sana ni Menor na umangat mula sa pagiging “genuine school pride” at maging “genuine national pride”.





King Caloy Loyzaga #4

Kung nabansagang “Pambansang Kamao” si Manny Pacquiao, maaari sanang matawag na “Pambansang Basketbolista” si Menor at posibleng mapantayan pa niya ang narating ng pinaka-astig na Red Lion na si Caloy Loyzaga na minsang nahirang na isa sa mga pinakamagagaling na basketbolista sa buong mundo pero iba nga ang gustong takbuhing career path nitong si Ogie.

Wala akong balita kung ano na ang mga sumunod na pangyayari dahil sa masyado akong naging abala sa trabaho at hindi ko nakausap ang aking mga “usual suspects” sa San Beda kung kaya’t mistulang bagyong Milenyo ang dating sa akin nang ulat ni Cedelf Tupas sa Inquirer na tumiwalag na rin sa San Beda itong si Ogie.



Dito ko na muling binisita ang Bedista.com. Gusto kong magkaroon ng ideya kung ano nga ba talaga ang nangyari. Siguradong may malaking dahilan kung bakit ganito na ang kinahinatnan ng isyu.

Sa isang thread na nasimulan sa site, may nagkuwento doon na ginipit raw ng San Beda si Menor dahil sa desisyon nitong kumalas sa national team. Nahiya raw ang mga opisyales ng San Beda kay Manny Pangilinan kung kaya’t pinilit umano nilang kumbinsihin si Menor na manatili sa national team. May kuwento ring pinatanggal raw ni Manny Pangilinan si Menor.

Dahil na rin sa mga samu’t-saring ispekulasyon, ikinandado ng mga moderator ng forum ang thread. Tama lang rin ang ginawa nila dahil sa puro nga naman tsismis pa lamang ang tinatalakay doon. Natatakot ang mga mods na baka mabasa nang kalaban ang mga nangyayaring alingasngas sa loob.

Wika nga ni San Beda assistant coach Ed Cordero nang magkausap kami sa kapihan ni Rachy Cuna, maraming tao sa NCAA na walang ibang pinagkakaabalahan kundi ang alamin kung paano patataubin ang San Beda.

Sang-ayon ako sa ginawa ng mga Bedista.com moderators na i-lock ang thread subalit nang lumabas na sa Inquirer ang balita, nag-iba na ang usapan. Hindi na siya tsismis. Isa na siyang isyu na dapat pag-usapan at resolbahin.

May nagsabing propaganda lang daw ang sinulat ni Cedelf Tupas. Sabi nang isang mod na “booster” rin daw ng Red Lions, nakausap raw niya si Menor na nagsabing wala raw siyang naalalang may nag-interview sa kaniya. Meron ring nagsabing maaaring may kinalaman raw ang isang Charlie Dy na isang baskeball players’ agent ayon sa kaniya umanong profile sa Friendster.

Ayaw naman daw umanong magsalita nitong si Menor at ayon sa isang mod, wala ring gustong magsalita sa isyu.

Pero maraming hindi papayag na palampasin na lang basta-basta ang isyu.

Bagama’t napakalayo ko sa Mendiola, inulan pa rin ako ng e-mail mula sa mga taong nag-aakalang alam ko ang “inside story”.

Sa totoo lang, habang isinusulat ko ito’y wala pa ring linaw kung ano ba talaga ang nangyari.

Naging malinaw lang na nagsinungaling si Menor sa isang “booster” nang sabihin nitong hindi umano niya maalalang nagpa-interview siya sa Inquirer.

Ayon kay Cedelf na hindi naman natin kilala pero sumagot sa aking e-mail bilang kortesiya sa isang mas nakatatandang kasama sa pamamamahayag, kaharap pa niya ang kaniyang mga editor sa Inquirer nang makapanayam niya si Menor sa telepono. Naka speakerphone pa nga ang kanilang usapan kaya’t dinig na dinig ng mga Inquirer editors ang kanilang usapan.

Hindi rin daw tumugon ang Rector-President ng San Beda na si Fr. Mateo sa kaniyang ipinadalang text message.

Hindi matatahimik ang sanlibutang Bedista hangga’t hindi nailalantad kung ano ba talaga ang puno’t dulo nang pag-alis ni Menor.


Sa kabilang banda, hindi pa naman nagugunaw ang mundo ng mga Pulang Leon.

Sigurado akong lalong pag-iibayuhin nina Coach Frankie at Coach Ed ang paghahanda para mapanatili sa Mendiola ang korona.

Lalaban at lalaban ang Red Lions, tiyak yon!

-oOo-

Gaya nang nailathala ko sa aking post sa Bedista.com, hindi ko maialis na maikumpara si Menor sa isang Red Lion na minsan ring tumahak sa sitwasyong kaniyang dinaraanan ngayon.




Ang aking binabanggit na Red Lion ay si Elmer Reyes.

Magkasingtangkad lang halos sina Reyes at Menor. Kundi ako nagkakamali, pareho silang 6’3”. Slasher ring matatawag itong si Reyes at may tira rin sa labas. Hindi nga lang napagtripan ni Reyes na magmukhang punkista.

Si Reyes ay kabilang sa koponan ng San Beda Red Lions na nanalo ng kampeonato noong 1977 at 1978.

‘Di hamak na dahil sa magagaling nga ang mga manlalaro ng San Beda noong panahong iyon, pinag-agawan sila ng mga team sa noo’y MICAA.

Hindi ko alam kung saan-saang teams napunta noon sina Reyes, Frankie Lim, Chito Loyzaga, Chuck Barreiro, Louie Brill, JB Yango at Noel Guzman. Pero nabasa ko sa internet na sina Reyes, Lim, Brill, at Yango ay kabilang sa mga hinila ni Coach Ron Jacobs para sa kaniyang binubuong developmental team gaya nang pool na minamanduhan ngayon ni Coach Rajko Toroman.

Sa pagtatagpi-tagpi ko sa mga kuwento’t mga artikulo, katatapos lamang mag-host ng Pilipinas ng World Basketball Championships noong 1978 at medyo nabahala si Pangulong Marcos na nagiging kulelat na ang Pilipinas sa basketball mula nang pumaimbulog ang PBA noong 1975. Inatasan niya si Danding Cojuangco na maging project director ng basketball at dahil sa direktang utos ito ni Macoy, hindi nakapalag si Lito Puyat na noo’y presidente ng Basketball Association of the Philippines at maging ng FIBA (International Basketball Federation sa English translation).

Dalawang Amerikanong coach ang kinuha ni Boss Danding. Si Ron Jacobs na noo’y coach ng Loyola Marymount at isa pang di ko maalala ang pangalan dahil sa hindi naman siya kailanman nabanggit nang mamayagpag ang team ni Jacobs sa PBA.

Upang mapabilis ang resultang hinihingi ni Macoy, kumuha si Jacobs ng ilang Fil-Am gaya nina Willie Pearson at Ricardo Brown at mga Kanong player gaya nina Dennis Still, Jeff More at Chip Engelland na payag na magpa-naturalize para lamang makapaglaro sa Philippine team.


Unang isinabak ang koponan sa Jones Cup at tagumpay naman nilang naiuwi ang korona.

Bagama’t sa wakas ay nagkaroon na rin ng international basketball title ang Pilipinas, hindi naman ito ikinatuwa ng mga Pinoy dahil nga naman pawang mga Amerikano halos ang bumubuo ng team. Tanging sina Frankie Lim, JB Yango at Louie Brill lang yata ang mga Pinoy doon.



Dahil dito, binago ni Jacobs ang set up. Kinuha niya ang mga magagaling na basketbolista sa amateur at kolehiyo na siyang bubuo ng developmental team na ang target ay ang muling makopo ang Asian Basketball Confederation championship (ngayo’y kilala sa pangalang Fiba-Asia).

Habang nag-akyatan na sa PBA sina Loyzaga, Yango, Barreiro at Lim, naiwan naman sa pagiging “amateur” itong si Elmer Reyes dahil na rin umano sa kahilingan ni Ron Jacobs na bigyan nila ni Hector Calma ng Adamson ng liderato ang mga nakababatang mga player.

Nanatili sa Philippine team si Elmer Reyes.

Maraming pinagdaanan ang developmental team ni Jacobs. Nariyang ma-forfeit ang kanilang mga ipinanalong laro dahil lamang sa teknikalidad (1983 ABC yata yun) at madikdik ng mga mas malalaki at di hamak na mas magagaling na team sa World Inter-Club sa Spain.

Tinatayang may 30 hanggang 40 players ang naglabas-masok sa programa ni Jacobs. Ilan sa mga hindi pinalad na umabot ng PBA sina Brill, Benjie Gutierrez ng UST at Anthony Mendoza ng Southwestern University (yata) sa Cebu. Karamihan naman sa mga dumaan sa developmental team ang gumawa ng pangalan sa larangan ng basketball gaya nina Samboy Lim, Allan Caidic, Franz Pumaren, Tonichi Yturri atbp.

Saka lamang nakaakyat ng PBA si Elmer Reyes nang buwagin na ang Philippine team. Naging pro si Reyes noong 1986 o mahigit-kumulang limang taon makalipas magsi-akyat sa PBA ang kaniyang mga ka-batch.

Bagama’t huli na sa pagsampa sa PBA, hindi naman ito naging balakid kay Reyes na ipakitang isa nga siya sa pinakamagagaling na basketbolista ng bansa.

Dahil sa ipinakitang katapatan ni Reyes sa bandila – may kontrata man o wala – mas nababagay na maihanay siya sa kategorya ni King Caloy.

Sana’y mapansin ito ng San Beda Alumni Sports Foundation. Hindi pa naman huli upang maparangalan si Reyes sa kaniyang kahanga-hangang ginawa.

-oOo-

HULING HIRIT. Naririto ang ilang reaksyon ng aming mga kapwa Bedista sa isyung kinapalooban ni Ogie Menor. Sila ang may sabi nito, hindi ako.

Mula sa isang Bedan alumni e-group:

“medyo bothered ako sa ugali ng ibang mga student athletes ngayon. parang hindi
direcho takbo ng utak ng iba. some are driven by expensive gifts while some are
greatful with scholarships alone. i hope everyone would fall into that category.
sad to say, some are a bit selfish and difficult to deal with. maybe not being
raised as a bedan during the formative years has something to do with it. sorry
kung may tinamaan but i don't candy coat how i feel about this issue. its best
to recruit athletes that are students athletes talaga and not those who plan to
milk the school and sponsors for everything they have, then at the end of the
day, drop them like a hot potato. hindi ko alam ang buong story behind this, but
from what i have read, the school created a monster."

Mula sa Bedista.com:

“sana lang talaga panindigan ni ogie yung decision nya. kasi nakapagsalita na
sya, to be honest para sakin indi maganda ang move nya pero kapag bigla
nyang binali ang mga binitawan nyang salita.... kung dati idol ko sya ngayon
indi na... idol ko lang yung mga taong may paninindigan, tsaka bago gumawa
ng move pinagiisipan muna maige.sa basketbol, napakarami ang may talento
pero nabibilang lang ang nagiging alamat.”