Monday, June 29, 2009

King of Pop ... muling nabuhay!

Tatlong araw matapos mapabalitang sumakabilang buhay ang tinaguriang King of Pop ... lumabas ang isang video na muli umano siyang nabuhay ... at ni-remake ang MTV ng Thriller

Saturday, June 27, 2009

Road to Four-Straight starts with the downing of the Cardinals


Me, Kuya Jay and the Bedan Superman



By FRANCIS SANTIAGO
Manila Bulletin

Sudan Daniel is no doubt a valuable piece to San Beda’s quest for a fourth straight championship in the NCAA.

In the absence of the team’s former star players, Daniel provided the spark the Red Lions needed to rout the Mapua Cardinals, 85-52, yesterday at the start of the 85th NCAA basketball tournament before a modest crowd at the Araneta Coliseum.



The Lions’ win came before preseason favorite Jose Rizal University flexed just enough muscle to subdue Letran, 69-66.

The Heavy Bombers rolled to a 58-45 third period lead and then used this as a cushion against the comeback bids by the Knights.

Daniel, the new American 6-foot-8 recruit, knocked down some of the big shots in the key moments of the pivotal first half to finish with 13 points on top of nine rebounds, five blocks and two assists.

“He’s just in time for Ekwe,” said San Beda mentor Frankie Lim of Daniel, tipped to fill in the void left by two-time MVP Sam Ekwe, who already finished his playing years in the league. “He played well today and he delivered what we needed from him.”

San Beda also played minus former stars Ogie Menor and Pong Escobal but this was hardly felt as Daniel played the anchorman, especially in the first half, where he fired away eight points to rip the game wide open, 38-24.




Sudan is a product of Compton Dominguez High School in Compton, California, the same school where NBA players Tyson Chandler of New Orleans and Brandon Jennings of Milwuakee Bucks came from.

“I felt a lot of pressure but that only made me play better,” Daniel, 21, said. “I could play much better. But today I think I played around 70 percent out of 100.”

Skipper Bam Gamalinda fired away 14 markers, collected nine rebounds and two assists while Jake Pascuala and Garvo Lanete had 11 each for the Red Lions, who took their biggest lead at 31 points – 70-39 – on a Dave Marcelo putback early in the fourth quarter.

First Game
SBC 85 — Gamalinda 14, Daniel 13, Pascual 11, Lanete 11, Caram 10, Marcelo 8, Dela Rosa 4, Tecson 4, Hermida 4, Taganas 2, Tirona 2, Lim 2, Villanueva 0, Soliman 0.

MIT 52 — Acosta 10, Cinco 10, Raneses 7, Mangahas 6, Soriano 5, Espinosa 5, Sarangay 1, Cornejo 1, Pascual 0, Maniego 0, Stevens 0, Parala 0.
Quarters: 27-11, 39-24, 63-37, 85-52.

A look back at the time the Philippine Air Force had "force" and not just "air"



Ang larawang ito ay mula sa Facebook photo album ng isang dating kasamahan sa pamamahayag na kasalukuyang nakatalaga sa defence beat.

Sa tinagal-tagal ko nang pagsunod sa mga kaganapan sa ating Hukbong Himpapawid, ngayon lang ako nakakita ng larawang ganito kung saan mistulang ipinapamukha ng ating mga piloto na kaya nilang makipagbaragan kung kinakailangan.

Wala akong alam na kuwento kung bakit napili ng PAF ang F-8H Crusader kung kaya't nagtanong ako sa mga eksperto. Sundan na lamang ang baliktaktakan sa pamamagitan nang pag-click sa link.

Tuesday, June 23, 2009

LSS sa oras na ito - Lanca Perfume

Pang 100 post ko na pala ito. May mas mahalaga't seryosong paksa sana akong tatalakayin hinggil sa muling pagluluksa ng mga kapwa ko mamamahayag sa Pilipinas sa nakabibiglang pagpanaw nang aming Tatay Julius pero minarapat ko na lang na panandaliang basagin ang aming kalungkutan.

Naglalakad ako pauwi galing sa St. Mary's Church nang mapadaan ako sa tapat ng isang tindahan ng pabango sa Karama. Murang-mura lang ang pabango dito mapa-orig, imitation, o tester. Dahil na rin sa dami nang parukyano nitong Pinoy, maging ang mga tinderong Indiano ay marunong na ring mambola sa Tagalog: "Suki, mura ko lang ibigay sayo ang tester"

Eniwey pasakalye lang yun...dahil habang naglalakad ako sa tapat ng tindahan... biglang tumunog ang aking mental jukebox at eto ang naisalang...





Naalala ko rin sa kantang ito ang aking Ate Maricel... parang sinayaw yata niya ito sa kaniyang noontime show sa Cebu... mahigit 20 taon na ang nakararaan.

Isang Sabadong may bulaklak na namukadkad

Isang Sabadong naglalakad ako papasok nang opisina nang maagaw ng bulaklak na ito ang aking pansin. Noon lang ako nakakita ng tunay na sunflower -- at hindi biskwit -- na buong kisig na nakatindig sa gitna ng disyerto. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon ...dahil ilang araw lumipas, nakabaluktot na ang puno nito at lagas-lagas na ang minsang matikas at namumukadkad na bulaklak.


Wednesday, June 17, 2009

Midnight snack

Menos 15 para alas 11 nang maalinsangang gabi nang bumaba ako sa gym --- opo, gym as in lugar kung saan tumatambay ang mga barbelista't mga nag-aambisyong maging hunk -- kung saan halos isang oras rin akong naglakad nang mabilis sa treadmill; nagbisikleta habang nanonood sa isang Iranian channel kung saan ipinalalabas ang mga huling kaganapan sa kaguluhan sa Tehran; sumakay sa cross-trainer at nagbabad sa sauna at steam bath.

Medyo na-agitate rin yata ng mga rallyista sa Tehran ang aking mga alaga -- at salamat rin sa simoy ng hangin mula sa Cinnabon at Seattle's Best, mistulang nagkaroon nang anti-Cha Cha demonstration sa panulukan nang aking bituka't sikmura't tiyan.

Dati-rati'y kaya kong indahin ang simpleng hunger pangs sa hatinggabi subalit ibang klase na ito. Parang tinutuhog na ang aking sikmura. Maaaring pansamantalang manahimik ang mga demonstrador kapag inumangan ko na ito ng "water cannon" subalit gigisingin pa rin ako sigurado ng mga ito mamayang madaling araw.

Kaya imbes na dumiretso ako papunta sa aking tirahan, detour muna ako sa Kabayan Supermarket sa Karama.

Sa dami nang Pilipinong naninirahan ngayon dito sa Dubai (300,000 ang estimate ni Consul-General Butch Bandillo noong siya'y naririto pa), naglipana na dito ang mga tindahan at kainang pawang mga pam-Pinoy ang tinda.

Hindi gaanong kalakihan ang Kabayan Supermarket. Kasinglaki lang ito ng ordinaryong tindahan ng 7-11 sa Pilipinas. Gaya nang ibang Filipino stores dito, mistulang bigla kang na-teleport sa Pinas dahil sa puro kababayan (hindi kabayan...wrong grammar yan) ang makikita mo sa loob mula sa kahera, matansero sa pork section at siyempre mga kapwa ko customer.



Sa bukana ng grocery, may nakatambay na babaing may dalang dalawang malalaking bag kung saan nakasilid ang kaniyang inilalakong kakainin (puto,palitaw, leche flan) at mga lutong ulam (ang menu yata niya kanina -- ubos na kasi -- pakbet, afritada at mechado).


Sa aking pagpasok, natanaw ko agad ang hilera ng mga tinapay -- sliced bread o Tasty kung tawagin sa atin, may mongo bread.. may nakita pa yata akong hopia at puto at nanlaki ang aking mga mata nang tumambad sa akin ang isang supot ng California Raisin Bread na gawa ng Gardenia. Galing pa raw ito sa Pilipinas. Sigurado, air cargo ito naibyahe dahil kung sea cargo, malamang inaamag na ito pagdating dito.

Bigla akong nawala sa aking sarili. Imahinasyon ko'y nasa Puregold ako sa E.Rodriguez. Noong nasa Pilipinas pa ako, siguradong kasa
ma sa aking mga pinamili sa grocery ang tinapay ng Gardenia lalo na ang Raisin Bread at Double Chocolate.



Hindi ko na tiningnan kung magkano ang isang supot na iyon. Basta ko na lang siyang dinampot at isinwak sa aking basket.

Kumuha na rin ako ng Boy Bawang at bigla kong naalala ang gimik ni Mar Roxas. Isinama ko na rin ang ginayat-gayat na gulay, dalawang pirasong sibuyas at isang boteng Mama Sita Oyster Sauce.

May oyster sauce na gawa sa Thailand... mas mura..kalahati lang yata ang presyo sa Mama Sita pero dun ako sa sariling atin -- baka magalit sakin si Tita Clara (Lapus, may-ari ng kumpanyang gumagawa ng Mama Sita).

Nagsingit na rin ako ng isang orange juice dahil binabalak kong shumat muna ng vodka habang nakikinig sa Love Radio broadcast mula sa Pinas via justin.tv. Sumikwat na rin ako ng kalahating dosenang itlog.

Noong magbabayad na ako, bigla akong napaigtad nang lumabas ang kwenta ng aking pinamili -- Dh43!

Napakamot ako ng aking ulo dahil konti lang naman ang pinamili ko...bakit umabot ng mahigit 40 o kulang-kulang 400 pesos. Nakakahiya namang magsauli...kaya binunot ko na ang sana'y budget ko sa pagpapagupit.

Habang naglalakad pauwi, tiningnan ko ang resibo ng aking mga pinamili. Eto ang kwenta...

Gardenia Fresh California Raisin - 18.50
Mama SIta's Garlic Oyster Sauce - 8.75
Brown Onion - 1.17
Boy Bawang Garlic Cornick 100g - 2.50
Al Ain Orange Juice 1/2 liter - 2.50
Eggs 6pcs - 4.75
Mix Veg. Chopsuey - 5.50

Total -- Dh43.67

Plinano ko na lang ang mangyayari sa aking pinamili.

Yung Gardenia, siguro tatagal to hanggang sa almusal ko sa Biyernes; yung itlog, aabot pa ito hanggang sa susunod kong off sa Martes; yung Boy Bawang, baka hanggang bukas; yung chopsuey, lulutuin ko bukas at magiging ulam ko yon hanggang sa Biyernes o Sabado. Ayos!

Pagpasok ko sa aking kwarto, nag-flash na naman sa utak ko ang Dh18 na tinapay. Kinuwenta ko agad kung magkano ito sa piso gamit ang xe.com .... ang suma total ... 241 pesoses!

Ilang lugaw na kaya yun sa Pilipinas? Ilang batang kalye na kaya ang makakakain sa halagang iyon?

Naalala ko bigla ang mga imahe sa dokyu ni Ferdinand Dimadura ..ang Chicken ala Carte.



Napabuntung-hininga na lang uli ako. Bakit may ganon? Kung bebenta kaya sa sambayanan ang pamamanhikan ni Mar Roxas o kaya'y ang pamamasyal ni Manny Villar sa kaniyang dating tinirahan sa Tondo ... aasa pa kaya uli sa "batsoy" ang mga batang nasa dokyu para lang maibsan ang kumakalam nilang sikmura?

Wadahek.... masyadong lumalim ang pananaginip ko nang gising. Makain na nga tong Gardenia.


Sunday, June 14, 2009

Gulong ng buhay

Sinasabing ang buhay ng tao ay maihahalintulad sa pag-ikot ng gulong -- minsan ikaw ay nasa itaas, at darating rin ang panahong ikaw naman ang pumapailalim.

Mahirap ang nasa ilalim... madumi, maputik, mabato, masakit. Kung mahina-hina ka...ika'y magkakalamat o kaya'y mabubutas. Dito na rin marahil ang iyong magiging wakas.

Sa kabilang banda, maraming masasayang alaala ang naiiwan kapag ang tao'y nasa ibabaw ng gulong.... tinitingala, pinapalakpakan, hinahangaan o inaasam-asam.

Ito nga marahil ang dahilan kung bakit naimbento ang gulong ... bagay na napatunayan sa videong ito..

Friday, June 12, 2009

Thursday, June 11, 2009

BREAKING NEWS: Riot police napikon sa mga rallyista; mag-isang dinisperse ang rally!

Hindi na nagawang sundin nang isang riot police ang tagubiling "Maximum Tolerance" matapos itong mapikon at mag-isang sumugod sa hanay ng mga rallyista kahapon ng hapon. Kung bakit napigtas ang sinulid ng pasensiya ng mamang pulis na ito ... panoorin ang video!

Wednesday, June 10, 2009

Video kung paano plinano ang Charter Change sa Kamara, inilantad

Inilabas nang isang kongresistang umano'y nabagabag ang konsiyensiya ang video footage nang isinagawang pulong kung saan umano nagkabayaran habang pinaplano ang pagsulong ng House resolution hinggil sa Charter CHANGE ... 



Peace!

Monday, June 8, 2009

JDV nag-Wakas na!


Mahigit isang taon matapos mapatalsik bilang Speaker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso -- dahil na rin diumano sa pagsasangkot ng kaniyang anak kay Pangulong Arroyo at sa Unang Ginoong si Mike Arroyo sa ZTE-NBN broadband controversy -- tumiwalag na bilang chairman emeritus ng partido Lakas-CMD si Pangasinan Representative Jose de Venecia.

Hindi na umano matiis ni Ginoong De Venecia ang umano'y hayagang pambabastos sa kaniya ng mga kasalukuyang namumuno sa Lakas at sa umano'y pagbalewala sa kanila nang magdesisyon ang partido na makipagkaisa sa partidong Kampi ni Ginang Arroyo.

Dahil dito, agad na tinipon ni Ginoong De Venecia ang kaniyang mga natitirang tagasuporta para ilunsad ang kaniyang bagong Rainbow Coalition sa ilalim ng partido WAKAS.

Naririto ang ilang eksena sa nasabing pagtitipon .... kasamang Freddie... paaasok: