Wednesday, 25 February 2009

Hindi na pogi si Ogie at kung bakit basketball hero si Elmer Reyes


Hindi magkandamayaw ang sanlibutang Bedista nang magising noong Lunes (Peb. 23) at tumambad ang ulat sa Inquirer hinggil sa umano’y desisyon ni Ogie Menor na tuluyan nang hubarin ang kaniyang kamisetang pula at lisanin ang koponan ng aming mahal na San Beda.

Kataka-taka, kabigla-bigla. Omigod, anong nangyari kay Ogie? Anong klaseng toyo ang pumasok sa kokote ni Menor na minsang binansagan ng ating kapatid sa panulat na si Peter Atencio na “genuine school pride” dahil sa nagpatato raw ito ng imahen ng leon sa kaniyang dibdib bilang pagpapatunay umano nang kaniyang pagmamahal sa kaniyang alma mater na kaniyang nabigyan ng anim na korona sa NCAA basketball.

Hindi ko kilala si Ogie Menor. Wala na ako sa Pilipinas noong makopo ng Red Lions ang pinakamimithing korona noong 2006.

Naka-mohawk daw o gupit Mister T -- kung tawagin sa aking kapanahunan – itong si Menor kung kaya’t napakabangis nang dating nito sa court. Kumbaga, hitsura pa lang, sindak na ang kalaban.

Minsan ko lang napanood nang personal kung paano nga ba maglaro itong si Menor nang suwertehing sa San Beda gawin ang mga laro ng Philippine Basketball League noong Enero 6 at napasabak ang kaniyang koponang Burger King laban sa Harbour Centre.

Maliksi, walang takot sumalaksak at may tira sa labas itong si Menor. Para siyang si Jeffrey Cariaso o si Dondon Ampalayo o maging ang nasirang Arnie Tuadles noong nasa Toyota pa ito.

Para rin siyang si Jolas noong naglalaro pa ito sa Mama’s Love at ang kaniyang mala-punkistang buhok at mala-demonyong (tama kaya itong pagsasa-Filipino ng salitang “daredevil”?) galaw ang siyang pumupuno sa Rizal Memorial Coliseum noong panahong ang PBL ay kilala pa bilang PABL o Philippine Amateur Basketball League.

Ang angking galing at championship experience ni Menor na rin marahil ang dahilan kung bakit siya napili ni Coach Rajko Toroman na mapabilang sa national developmental pool na binuo para makapasok ang koponan ng Pilipinas sa London Olympics sa 2012.

Sa labas ng court, mukha namang simple at walang ere itong si Menor.

Nanananghalian kami nina Kuya Jay Labayo, Mike Abasolo at Ryan Arambulo sa cafeteria ng San Beda nang makita naming pumasok si Menor, dala-dala ang kaniyang inorder na pagkain at walang imik na pumuwesto sa kabilang mesa.

Dahil nga isa syang basketball celebrity, may mga lumalapit sa kaniya’t binabati siya na sinuklian naman niya nang ngiti at tango.

Natuwa rin ako na ganon ang nakita kong ugali ni Menor… high flying pero down to earth… parang si Samboy Lim. Malayo sa mangilan-ngilang basketbolistang hindi pa nga sumisikat e may baltik na sa ulo.

Fast forward tayo sa Pebrero.

Nanlumo ako nang lumabas ang ulat na umayaw na sa national team si Menor at tanggihan nito ang alok na kontrata ng Samahang Basketball ng Pilipinas.

Hindi raw maganda ang kontrata. Nagalit pa nga raw ang kuya ni Menor na si Romar – na naririto rin daw sa Dubai at nagtatrabaho bilang personal trainer sa Fitness First – dahil “unfair” raw ang kontrata. Mas gugustuhin raw ni Menor na makipagsapalaran sa PBA kaysa sa magpahinog sa Philippine team.

Naalala ko tuloy ang panukala ni Jenkins Mesina na gawing honorary member sa DesertBedans si Romar dahil ito raw umano ang dahilan kung bakit nanatili sa San Beda si Ogie.

Hindi ko na binasa kung ano ang naging reaksyon ng mga kapwa ko Bedista sa forum ng PEX o Bedista.com. Pero nakasisiguro ako na hati ang opinyon sa naging desisyon ni Menor.

Gaya nang nabanggit ko, nanlumo ako sa ginawa ni Menor. Huwag na nating himayin ang nilalaman ng kontrata. Siguradong pera-pera lang yun.

Ang alam ko, isang malaking karangalan ang mahirang sa national team – ang magsuot nang unipormeng may nakakabit na bandila ng Pilipinas.

Pagkakataon na sana ni Menor na umangat mula sa pagiging “genuine school pride” at maging “genuine national pride”.





King Caloy Loyzaga #4

Kung nabansagang “Pambansang Kamao” si Manny Pacquiao, maaari sanang matawag na “Pambansang Basketbolista” si Menor at posibleng mapantayan pa niya ang narating ng pinaka-astig na Red Lion na si Caloy Loyzaga na minsang nahirang na isa sa mga pinakamagagaling na basketbolista sa buong mundo pero iba nga ang gustong takbuhing career path nitong si Ogie.

Wala akong balita kung ano na ang mga sumunod na pangyayari dahil sa masyado akong naging abala sa trabaho at hindi ko nakausap ang aking mga “usual suspects” sa San Beda kung kaya’t mistulang bagyong Milenyo ang dating sa akin nang ulat ni Cedelf Tupas sa Inquirer na tumiwalag na rin sa San Beda itong si Ogie.



Dito ko na muling binisita ang Bedista.com. Gusto kong magkaroon ng ideya kung ano nga ba talaga ang nangyari. Siguradong may malaking dahilan kung bakit ganito na ang kinahinatnan ng isyu.

Sa isang thread na nasimulan sa site, may nagkuwento doon na ginipit raw ng San Beda si Menor dahil sa desisyon nitong kumalas sa national team. Nahiya raw ang mga opisyales ng San Beda kay Manny Pangilinan kung kaya’t pinilit umano nilang kumbinsihin si Menor na manatili sa national team. May kuwento ring pinatanggal raw ni Manny Pangilinan si Menor.

Dahil na rin sa mga samu’t-saring ispekulasyon, ikinandado ng mga moderator ng forum ang thread. Tama lang rin ang ginawa nila dahil sa puro nga naman tsismis pa lamang ang tinatalakay doon. Natatakot ang mga mods na baka mabasa nang kalaban ang mga nangyayaring alingasngas sa loob.

Wika nga ni San Beda assistant coach Ed Cordero nang magkausap kami sa kapihan ni Rachy Cuna, maraming tao sa NCAA na walang ibang pinagkakaabalahan kundi ang alamin kung paano patataubin ang San Beda.

Sang-ayon ako sa ginawa ng mga Bedista.com moderators na i-lock ang thread subalit nang lumabas na sa Inquirer ang balita, nag-iba na ang usapan. Hindi na siya tsismis. Isa na siyang isyu na dapat pag-usapan at resolbahin.

May nagsabing propaganda lang daw ang sinulat ni Cedelf Tupas. Sabi nang isang mod na “booster” rin daw ng Red Lions, nakausap raw niya si Menor na nagsabing wala raw siyang naalalang may nag-interview sa kaniya. Meron ring nagsabing maaaring may kinalaman raw ang isang Charlie Dy na isang baskeball players’ agent ayon sa kaniya umanong profile sa Friendster.

Ayaw naman daw umanong magsalita nitong si Menor at ayon sa isang mod, wala ring gustong magsalita sa isyu.

Pero maraming hindi papayag na palampasin na lang basta-basta ang isyu.

Bagama’t napakalayo ko sa Mendiola, inulan pa rin ako ng e-mail mula sa mga taong nag-aakalang alam ko ang “inside story”.

Sa totoo lang, habang isinusulat ko ito’y wala pa ring linaw kung ano ba talaga ang nangyari.

Naging malinaw lang na nagsinungaling si Menor sa isang “booster” nang sabihin nitong hindi umano niya maalalang nagpa-interview siya sa Inquirer.

Ayon kay Cedelf na hindi naman natin kilala pero sumagot sa aking e-mail bilang kortesiya sa isang mas nakatatandang kasama sa pamamamahayag, kaharap pa niya ang kaniyang mga editor sa Inquirer nang makapanayam niya si Menor sa telepono. Naka speakerphone pa nga ang kanilang usapan kaya’t dinig na dinig ng mga Inquirer editors ang kanilang usapan.

Hindi rin daw tumugon ang Rector-President ng San Beda na si Fr. Mateo sa kaniyang ipinadalang text message.

Hindi matatahimik ang sanlibutang Bedista hangga’t hindi nailalantad kung ano ba talaga ang puno’t dulo nang pag-alis ni Menor.


Sa kabilang banda, hindi pa naman nagugunaw ang mundo ng mga Pulang Leon.

Sigurado akong lalong pag-iibayuhin nina Coach Frankie at Coach Ed ang paghahanda para mapanatili sa Mendiola ang korona.

Lalaban at lalaban ang Red Lions, tiyak yon!

-oOo-

Gaya nang nailathala ko sa aking post sa Bedista.com, hindi ko maialis na maikumpara si Menor sa isang Red Lion na minsan ring tumahak sa sitwasyong kaniyang dinaraanan ngayon.




Ang aking binabanggit na Red Lion ay si Elmer Reyes.

Magkasingtangkad lang halos sina Reyes at Menor. Kundi ako nagkakamali, pareho silang 6’3”. Slasher ring matatawag itong si Reyes at may tira rin sa labas. Hindi nga lang napagtripan ni Reyes na magmukhang punkista.

Si Reyes ay kabilang sa koponan ng San Beda Red Lions na nanalo ng kampeonato noong 1977 at 1978.

‘Di hamak na dahil sa magagaling nga ang mga manlalaro ng San Beda noong panahong iyon, pinag-agawan sila ng mga team sa noo’y MICAA.

Hindi ko alam kung saan-saang teams napunta noon sina Reyes, Frankie Lim, Chito Loyzaga, Chuck Barreiro, Louie Brill, JB Yango at Noel Guzman. Pero nabasa ko sa internet na sina Reyes, Lim, Brill, at Yango ay kabilang sa mga hinila ni Coach Ron Jacobs para sa kaniyang binubuong developmental team gaya nang pool na minamanduhan ngayon ni Coach Rajko Toroman.

Sa pagtatagpi-tagpi ko sa mga kuwento’t mga artikulo, katatapos lamang mag-host ng Pilipinas ng World Basketball Championships noong 1978 at medyo nabahala si Pangulong Marcos na nagiging kulelat na ang Pilipinas sa basketball mula nang pumaimbulog ang PBA noong 1975. Inatasan niya si Danding Cojuangco na maging project director ng basketball at dahil sa direktang utos ito ni Macoy, hindi nakapalag si Lito Puyat na noo’y presidente ng Basketball Association of the Philippines at maging ng FIBA (International Basketball Federation sa English translation).

Dalawang Amerikanong coach ang kinuha ni Boss Danding. Si Ron Jacobs na noo’y coach ng Loyola Marymount at isa pang di ko maalala ang pangalan dahil sa hindi naman siya kailanman nabanggit nang mamayagpag ang team ni Jacobs sa PBA.

Upang mapabilis ang resultang hinihingi ni Macoy, kumuha si Jacobs ng ilang Fil-Am gaya nina Willie Pearson at Ricardo Brown at mga Kanong player gaya nina Dennis Still, Jeff More at Chip Engelland na payag na magpa-naturalize para lamang makapaglaro sa Philippine team.


Unang isinabak ang koponan sa Jones Cup at tagumpay naman nilang naiuwi ang korona.

Bagama’t sa wakas ay nagkaroon na rin ng international basketball title ang Pilipinas, hindi naman ito ikinatuwa ng mga Pinoy dahil nga naman pawang mga Amerikano halos ang bumubuo ng team. Tanging sina Frankie Lim, JB Yango at Louie Brill lang yata ang mga Pinoy doon.



Dahil dito, binago ni Jacobs ang set up. Kinuha niya ang mga magagaling na basketbolista sa amateur at kolehiyo na siyang bubuo ng developmental team na ang target ay ang muling makopo ang Asian Basketball Confederation championship (ngayo’y kilala sa pangalang Fiba-Asia).

Habang nag-akyatan na sa PBA sina Loyzaga, Yango, Barreiro at Lim, naiwan naman sa pagiging “amateur” itong si Elmer Reyes dahil na rin umano sa kahilingan ni Ron Jacobs na bigyan nila ni Hector Calma ng Adamson ng liderato ang mga nakababatang mga player.

Nanatili sa Philippine team si Elmer Reyes.

Maraming pinagdaanan ang developmental team ni Jacobs. Nariyang ma-forfeit ang kanilang mga ipinanalong laro dahil lamang sa teknikalidad (1983 ABC yata yun) at madikdik ng mga mas malalaki at di hamak na mas magagaling na team sa World Inter-Club sa Spain.

Tinatayang may 30 hanggang 40 players ang naglabas-masok sa programa ni Jacobs. Ilan sa mga hindi pinalad na umabot ng PBA sina Brill, Benjie Gutierrez ng UST at Anthony Mendoza ng Southwestern University (yata) sa Cebu. Karamihan naman sa mga dumaan sa developmental team ang gumawa ng pangalan sa larangan ng basketball gaya nina Samboy Lim, Allan Caidic, Franz Pumaren, Tonichi Yturri atbp.

Saka lamang nakaakyat ng PBA si Elmer Reyes nang buwagin na ang Philippine team. Naging pro si Reyes noong 1986 o mahigit-kumulang limang taon makalipas magsi-akyat sa PBA ang kaniyang mga ka-batch.

Bagama’t huli na sa pagsampa sa PBA, hindi naman ito naging balakid kay Reyes na ipakitang isa nga siya sa pinakamagagaling na basketbolista ng bansa.

Dahil sa ipinakitang katapatan ni Reyes sa bandila – may kontrata man o wala – mas nababagay na maihanay siya sa kategorya ni King Caloy.

Sana’y mapansin ito ng San Beda Alumni Sports Foundation. Hindi pa naman huli upang maparangalan si Reyes sa kaniyang kahanga-hangang ginawa.

-oOo-

HULING HIRIT. Naririto ang ilang reaksyon ng aming mga kapwa Bedista sa isyung kinapalooban ni Ogie Menor. Sila ang may sabi nito, hindi ako.

Mula sa isang Bedan alumni e-group:

“medyo bothered ako sa ugali ng ibang mga student athletes ngayon. parang hindi
direcho takbo ng utak ng iba. some are driven by expensive gifts while some are
greatful with scholarships alone. i hope everyone would fall into that category.
sad to say, some are a bit selfish and difficult to deal with. maybe not being
raised as a bedan during the formative years has something to do with it. sorry
kung may tinamaan but i don't candy coat how i feel about this issue. its best
to recruit athletes that are students athletes talaga and not those who plan to
milk the school and sponsors for everything they have, then at the end of the
day, drop them like a hot potato. hindi ko alam ang buong story behind this, but
from what i have read, the school created a monster."

Mula sa Bedista.com:

“sana lang talaga panindigan ni ogie yung decision nya. kasi nakapagsalita na
sya, to be honest para sakin indi maganda ang move nya pero kapag bigla
nyang binali ang mga binitawan nyang salita.... kung dati idol ko sya ngayon
indi na... idol ko lang yung mga taong may paninindigan, tsaka bago gumawa
ng move pinagiisipan muna maige.sa basketbol, napakarami ang may talento
pero nabibilang lang ang nagiging alamat.”

Sunday, 22 February 2009

Brief message to the People Power Class of 1986

Hello Batchmates

23 years ago …we were bumbling 15-16-17-year-olds…. looking forward to either our prom, entry to senior high or HS graduation.
We struggled with our lessons in Physics, Geometry and Advanced Algebra, travelled back in time in our World History classes and our minds wandered with The Little Prince, Canterbury Tales and soared heights with Jonathan Livingston Seagull.

We were too young to vote in the Feb 7, 1986 snap elections, but were old enough to understand what was happening to our country.

Some of us took an active "saling pusa" role in the "revolution"-- from helping Don Chino gather one million signatures to urge Ninoy's widow to take the lead in challenging the Dictator to serving as volunteers in JoeCon's NAMFREL (I was at the OQC nerve centre at the University of San Carlos in Cebu City and sidekick to a cousin who was with the Cory Aquino Lawyers League). Many of us turned up at EDSA when Cardinal Sin made the historic Veritas call.







The days of February 1986 were turbulent, heart-pounding, trying times that our generation will never forget until maybe after Alzheimer's starts kicking in.

A generation has passed and our country is still bedeviled by the same issues that once served as the Filipino people’s clarion call.

I’m reposting this think-piece written by Wilson Lee-Flores which I believe -- and fervently hope -- would jolt our senses that the revolution is not yet over.




ARES GUTIERREZ
Proud member, People Power Class of 1986




How to be a revolutionary
By Wilson Lee Flores
February 22, 2009 (Philippine Star)

Every generation needs a new revolution. — Thomas Jefferson

Revolution is not a dinner party, not an essay, nor a painting, nor a piece of embroidery; it cannot be advanced softly, gradually, carefully, considerately, respectfully, politely, plainly and modestly. — Mao Zedong

A generation after the 1986 EDSA uprising — 23 years to be exact — known in history books as the “People Power Revolution,” the biggest excitement this year on Feb. 25 is not that it’s a non-working holiday or the planned formal commemorations, but the anticipated sequel to Sarah Geronimo’s hit movie A Very Special Love, entitled You Changed My Life.

Is this a sign of the times?
President Gloria Macapagal-Arroyo’s administration has made Feb. 25 no longer a non-working holiday. Some are asking me if this is perhaps to expunge the heroism of former President Cory C. Aquino and her supporters, many of whom have since publicly repudiated GMA, called for her resignation and have repeatedly criticized the present government for alleged massive corruption and loss of moral authority.

I hesitate to call EDSA 1986 a revolution because I’m honestly disappointed by what has happened since to Philippine society.
Here, caught in another traffic jam, I’m typing a random list of how we ordinary folks, even without the bravado of Che Guevara or the fiery zeal of Mao Zedong, can be true-blue revolutionaries not for communism but for decency, moral order, efficiency, civility, justice, genuine democracy, free enterprise and truth:
1. Defy the defeatist, cynical and oft-repeated rubbish that “corruption is unavoidable and present everywhere in the world.” Repudiate corruption in government and even in the police, military, judiciary, even in the private sector. There should be no compromise with corruption. This is not a question of morals, but how the social cancer of corruption corrodes the creative dynamism of any society and creates unnecessary wastage and impoverishes a nation economically and spiritually.

2. Subvert ignorance by lobbying for and demanding higher standards in public and private education nationwide as a basic human right. We should demand the most severe punishments for politicians, bureaucrats and their cohorts in educational scams involving bloated construction budgets for shoddy public schoolhouses, lousy textbooks with erroneous information, and victimizing public school teachers by usurious credit schemes.

3. Honor, support and uplift the socio-economic status of all teachers. How can a society truly progress if most of our teachers are grossly underpaid, under-trained and overworked? How can a society prosper when politicos, showbiz starlets or basketball athletes are more idolized and given more economic remunerations than those toiling in the most noblest profession of teaching?

4. Crush the age-old and negative attitude of puwede na yan and aspire only for excellence. In fact, we should settle for nothing but world-class excellence! How can we be better if we accept mediocrity as okay?

5. Lead a non-violent uprising against the age-old misnomer and bad Latin habit of so-called “Filipino time.” We should, in our own capacities and small circles of influence, promote the decent, revolutionary and nation-building concept of “New Filipino Time” of being always punctual.

6. Do not meekly accept trash in local movies, mass media or from our politicos. Dump their trash back on them. We can make higher-quality movies that are at the same time entertaining and good if we the audience demand it from our producers. It’s not true that only the esoteric art films or indie can be good. Let us also tell the major TV stations to elevate standards in newscasts, not go down to gutter-level sensationalism on violence and negative news only. We taxpayers should also demand higher quality debate and discussions in our legislature, not the garbage talk spewed out endlessly by our many trashy and obnoxious politicos! We should reject junk in all forms!

7. Follow traffic rules, regulations and basic etiquette to defy the seemingly natural tendency of wallowing in self-destructive chaos. What can be more revolutionary, earth-shaking and liberating to Philippine society as a whole than orderly traffic in Metro Manila, which can and should be achieved?

8. Encourage the liberating habit of reading books, newspapers or magazines, because it is sad that we have fewer readers than in other Asian societies. I have this theory that our many corrupt politicos and their private sector cohorts would be happiest if they could dumb down the public with less reading and just more TV or radio bombast, because reading is truly subversive — it encourages critical thinking, analysis and the questioning of our existing despicable moral, political and social order!

9. Promote English language proficiency everywhere. Pro-English advocacy is a pro-poor, pro-masses advocacy because English is a competitive advantage and will help millions of talented but otherwise jobless people become overseas Filipino workers or call center agents or BPO personnel.

10. Volunteer for legitimate, noble causes that push societal or moral reforms, such as religious, cultural, medical, gender rights, educational, environmental, disaster relief and other non-government organizations or groups. Better yet, why don’t you start your own?

11. Pray to God to change our hearts, minds and our leaders.

12. Teach, whether as a teacher, as a good parent, as an elder sister or brother or uncle, or as a mentor Be an exemplary role model to the youth.

13. Uphold and defend the truth. Assist or support those who stand up for the truth; reject any half-truths and outright lies.

14. Promote the culture of positive thinking. Do not glorify or romanticize suffering, martyrdom, or meekly accept poverty or defeat as heroic, noble or normal fate. Reject negative thinking and this culture of defeatism. All of us human beings on earth are destined for success — it is our birthright, it is our destiny!

15. Instead of nonstop complaining, bellyaching and finger-pointing, move to uphold sweeping societal, attitudinal, moral, political, cultural and economic reforms. Generations of past and even present politicians have mostly failed the nation with so many of the poor increasing in number and in suffering while the small middle-class sector is endangered and migrating. It is only the blind that cannot see the urgent need for radical changes. Instead of just revulsion, let’s ignite a non-violent revolution!

Friday, 13 February 2009

Shawarma Nights is 1

Woohooo!!!

Naka isang taon na ang Shawarma Nights!

Isang taong pagtambay, pagmumuni-muni, pag-Uzi at pakikisalamuha sa birtuwal na daigdig ng mga blog-gulero.

Bakit ba ako nag-blog? Bakit nga ba Shawarma Nights ang pamagat ng pahina ko? May napala ba ako sa pagba-blog?

Isa-isahin kong sagutin ang mga tanong ko na ilang beses ring naitanong sa akin sa nakalipas na 365 days.

Bakit ako gumawa ng blog?

Ang madalas kong tugon sa mga usiserong hindi pa masyadong ma-gets ang mundo ng blogging ay isang patay-maling “Wala lang.”

Wala lang…dahil kapag wala ako sa opisina (o kahit nasa opisina ako gaya ngayon)….wala akong magawa. ….kaya ko nga ito Tinagalog para di maintindihan ng mga nagmamasid na mata sa paligid ko hehehe

“Wala lang” ang madalas kong sagot dahil gusto ko lang tuldukan ang mga taong kailangan pang paliwanagan kung anong klaseng animal ang isang blog.

Sa panahong ang buhay, galaw at paghahanap-buhay ng tao sa Information Age ay nakasalalay na sa tinatawag na cyberspace o internet, hindi ka “in” kung hindi ka marunong mag-chat, mag-email, o mag-Facebook (sa Pilipinas na lang uso ang Friendster).

Masasabing medyo angat ka ng konti sa ibang “netizen” kung meron kang blog o sariling teritoryo sa internet.

Gaya marahil nang nabanggit ko sa mga naunang entry ko, sinubukan kong pasukin ang mundo ng mga blog-gulero (dito mo unang nabasa yang terminolohiyang yan ha) dahil na rin sa mga udyok at pangungulit ng ilang kaibigang kinarir na rin ang blogging gaya nina Slap Happy (Anton de Leon), First Draft (Joe Torres) at ng aking ex-protege na si Raymund Villanueva (Ka-Blog).

Nais noon ni Joe na gumawa ako ng blog tungkol sa buhay-buhay ng isang OFW para sa isang media portal na kaniyang pinamunuan pero nabahag ang buntot ko dahil wala naman ako sa kalingkingan ng mga talentadong taong bumubuo ng kaniyang “band of bloggers”.

Naging mapurol na rin ang panulat ko at hindi na kasing-talas ng wit gaya ng blogger na si Azrael na isa ring OFW sa Qatar. Hindi na rin ako masyadong makapaglagalag gaya ni Manila Boy (Spanky Enriquez) o Bleacher's Brew (Rick Olivares) kaya mistulang arestadong rebel soldier akong nakukuntento na lang na humarap sa screen habang naghihintay na amagin sa loob ng Crame.

Inaamin ko rin naman na hindi na ako sanay sumulat ng sanaysay at mas gamay ko pa ang mamasada na lang ng kopya.

Ika nga ng tinaguriang living legend ng Philippine journalism na si Rod T. Reyes, “I’m not an essayist, I’m a straight news guy” ....or words to that effect according to Raul Rodrigo's book "The Power and the Glory".

Masyado na yatang naging off-topic.

Bakit naman Shawarma Nights ang napili kong pamagat ng blog na ito?

Good question my special child!

Sa unang pagkakataong sinubukan kong pumaimbulog sa blogging, Snooper’s Perch ang ginamit kong titulo.

Snooper ang title ng aking column sa The Bedan.

Snooper dahil pag-snoop ng scoop at kontrobersya ang naging papel ko sa loob ng campus. Tumakbo nang apat na taon ang Snooper (1987-1991) at ang isa sa pinakamatinding “accomplishment” ng aking column ay nang bambuhin namin ang sistema nang pagtuturo ng Guidance classes sa College of Arts and Sciences kung kaya’t na-abolish ito at pinalitan ng subject na “Personality Enhancement Program”.

Gusto ko sanang muling buhayin ang pagiging “snooper” pero limitado ang galaw ko dito sa disyerto. Medyo sensitibo at komplikado ang buhay-buhay. Wala na ako sa mundo kung saan maaaring mamayagpag ang isang “snooper”.

So the search is on for another blog title.

Bigla kong naalala na sa tuwing naglalakad ako sa disyerto, madalas kong kanta-kantahin ang Sahara Night na pinauso ni F.R. David noong panahong nasa rurok ako ng aking kabataan.

At dahil shawarma naman ang pambansang pagkain sa aking kinalalagyan ngayon, pinagsama ko na lang shawarma at Sahara Night kaya siya naging Shawarma Nights (pero ni minsan ay di ko pa nasubukang mag-blog habang kumakain ng shawarma).

So get’s mo na?

Tumbukin naman natin ang huling tanong … na kung ano ba ang napala ko sa pagba-blog?

Hmmmm mahirap sagutin.

Kung ilalagay natin sa kontekstong pinagkakitaan ko o naging tulay ang blogging para magkaroon ng ibang oportunidad ang salitang “napala” marahil ang sagot ko sa tanong ay gaya ng standard retort ko sa unang tanong – “Wala”.

Walang masyadong nilaman ang blog ko kundi mga “emo” moments ko nang dumating ang birthday ng aking mga anak, o kaya’y may mamatay na kaibigan o kakilala. Umabot pa nga sa punto na naging obituary ng mga kapwa ko peryodista ang aking blog…bearer of bad news – kaya nga blog-gulero (blogger na nanggugulo o blogger na naghahanap nang basag-ulo).

Paminsan-minsan, nag-repost lang naman ako ng kung ano-anong bagay (kadalasan, jokes) na naliligaw sa aking inbox o dili kaya’y i-enhance ang ilang historical articles gaya nang anibersaryo ng Katipunan. Love ko pa rin kasi talaga ang pag-aaral ng kasaysayan.

Kung ganon lang naman kababaw ang laman ng blog ko, sino nga ba ang magtitiyagang dumalaw-dalaw dito?

Hmmm… ewan ko lang pero ayon sa site meter ko, umaabot na raw sa mahigit 3,000 ang naligaw sa Shawarma Nights.

Lumakas ang benta nang minsang talakayin ko ang eleksyon sa National Press Club noong nakaraang taon na naging sanhi naman nang “pagtatampo” sa akin ng aking kaibigang si Benny Antiporda. at nang aking ihayag ang aking paniwala na dapat nating palakasin ang ating coast guard upang matugunan nila ang kanilang tungkulin, bagay na napansin sa blog ng PCIJ.

Kung may napala man ako sa pagba-blog, yun ay yung personal satisfaction na hindi ito naging ningas kugon.

Ayokong mangakong dadalasan ko na o kakaririn ang pagba-blog dahil sa ngayon, hirap akong magkaroon ng personal connection dahil di namin kayang ibigay ang isang requirement ng Etisalat para makabitan kami ng internet.

Abangan na lang natin ang susunod na kabanata!

Saturday, 7 February 2009

I remember yesterday ....



2006: I was no longer a wannabe but a newbie OFW





2007: Still in Dubai ya? Getting the hang of it





2008: Under pressure but I survived




07 February 2009: Life goes on. The journey continues .....























..... and I'm still here in Dubai!