Tuesday, February 12, 2008

24



Di pa rin ako makapaniwala na two years na nga ako dito sa Dubai.


Parang kelan lang manginig-nginig pa ako at pikit-matang pinirmahan ang offer letter ng ANM. Hindi ko naman kasi talaga gustong mag-abroad. Ok lang sakin yung sasama sa mga panandaliang junket pero yung magtrabaho at tumira outside the Philippines -- and be separated from my family -- ni hindi ko yun napanaginipan.





Kuntento na sana ako sa naging takbo ng aking "career" sa Pinas. Although may mga konting alingasngas, okay lang naman ang trabaho ko sa Taliba until dumating ang mga Romualdez at bawiin ang Journal Group sa gobyerno noong December 2004. Unang patikim sa amin ng mga nagbalik na amo ang pagtanggal sa mga bonus namin na siya namang pambayad ko sa tuition ng mga bata. At for the first time, ipinangutang ko ang pang-matrikula ni Ara. It was there and then that I decided to take on Gilbert's long-time invitation to try my luck abroad by sending an application to Gulf News.

I was with my mates at NUJP commemorating the death anniversary of Ninoy Aquino when I got an overseas call from Dubai and the lady on the other line asked me if I can go there for testing and interview. Di nagtagal, fly away ang Ares Gutierrez -- kunyari may emergency sa Bohol -- at lumapag kasabay ni Aga Muhlach sa Dubai. Apat na araw akong nag-test sa underground bunker ng GN and the rest ika nga is history.

Twenty four months after that momentous moment (huh, double redundancy yata yun). . . . may napala ba ako? Marami rin naman. Ayoko lang munang isa-isahin because I'm still in a state of "bereavement" matapos akong ma-etsa-puwera sa increase this year dahil bagsak daw ako sa performance appraisal (salamat sa dati kong hepeng ungas na dahil sa kawalan ng experience sa trabaho, inugali na lang niyang pagmukhain kaming mga engot. i might discuss this in my future posts).

For the record...magpapasalamat lang ako ako sa roomie ko na si Kuya Nin dahil tinirhan niya ako ng pancit at yun ang aking naging 2nd anniversary chow.



Salamat rin uli kay Kuya Kahlil for taking my first Dubai picture for 2008 (yung pichure sa taas).

No comments:

Post a Comment