Friday, February 15, 2008

Tanim muna bago kasal

Out of the blue naalala ko yung grupong Sinika ni Nonoy Lanzanas. Kakaiba ang dating ng musika ng Sinika ... tribal, enchanting, indigenous...purong Pinoy. Hindi naman ako expert sa music kaya ganun lang ang pagkaka-describe ko sa kanila. In fact, I'm so enthralled with Sinika that the only cassette tape that I have with me here in Dubai is the one they recorded way back in 1995.

Nakilala ko si Nonoy when my friend and former boss, Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista, and I went to Puerto Princesa on the invitation of Mayor Edward Hagedorn. Sa lahat ng naging kampanya ni "04" -- codename ni Mayor Hagedorn -- pagtatanim ng puno, tamang pagtatapon ng basura, pagpapahalaga sa mga guro, pangangalaga sa kalikasan -- laging kasama sa paghahatid ng mensahe sa mga tao ang musika na siya namang dala-dala ng Sinika na binuo ni Nonoy para i-promote at palaguin ang musikang hango sa kulturang Cuyunon.

Sinubukan kong hanapin sa YouTube ang Sinika at swak namang nakita ko yung isang footage kung saan sinamahan ni Mayor Hagedorn ang ilang couples na magtanim ng puno bago niya ikinasal ang mga ito. Since katatapos lang naman ng Valentine's Day, pwede pa sigurong isingit 'to.

Eto ang video...sana di putol ang link...., you can see Nonoy playing the strings with the Sinika cast singing with the Mayor on stage. The accompanying tune "Pista y Ang Kagueban" or Feast of the Forrest was sung by the group.

Click the link to view the video:
http://www.youtube.com/watch?v=DMzwkaTlEC0

No comments:

Post a Comment