Monday, April 27, 2009

Saksihan ang imbestigador

Nag-aayos ako nang aking mga kagamitan noong nagdaang weekend nang mahalungkat ko ang isang librong matagal ko nang nabili subalit hindi ko nagawang mabasa nang masinsinan dahil na rin sa aking angking talento sa pagiging tamad.



Ang librong ito na inilimbag pa sa UK at isinulat para sa mga kabataang mag-aaral ay napapanahon sa gitna nang alingasngas na nilikha sa likod nang pagkamatay ng asawa ni Ted Failon na si Trina Etong.

Isantabi na muna natin ang kontrobersiyang dulot nang kasong obstruction of justice na isinampa ng pulisya laban kay Failon at sa kaniyang mga kasambahay at ituon natin ang pansin sa isinasagawang imbestigasyon sa kaso kung saan naman nakapaloob ang tinatawag na forensic science.

Sa paunang salita ng forensic anthropologist at manunulat na si Kathy Reichts, kaniyang tinalakay ang kahalagahan ng siyensiya sa pag-iimbestiga ng isang krimen. 

Aniya, malayo sa mga eksena sa mga sine at telebisyon, ang paglutas sa misteryong bumabalot sa isang krimen ay hindi lang basta-basta nagagawa ng isang bidang pulis, imbestigador o detective na magpapa-cute lang o kaya'y magpapaka-macho at malalaglag na sa kaniyang harapan ang susi sa kaniyang binubutingting na kaso.

Salamat na rin marahil sa Hollywood dahil sa mula nang mauso ang mga palabas na gaya ng CSI, naging bukambibig na nina Juan, Pedro at George ang ilang terminolohiya sa crime scene investigation. 

Ang pagiging uso ng mga palabas na gaya ng CSI ay nagtulak na rin sa ating mga TV networks na mag-produce ng mga kahalintulad na palabas gaya ng SOCO ng ABS-CBN na tumatalakay sa mga kwento kung paano nasukol ang isang suspect sa pamamagitan ng siyensiya.




Sa kaso ni Trina Etong, kapansin-pansin na marahil ay dahil na rin sa exposure ng madlang pipol sa mga ganitong palabas, nagiging paksa sa mga huntahan ang mga "malalim" na tanong gaya nang kung kaliwete ba ang biktima, kung bakit nilinis ang crime scene, at maging kung ano ang epekto nang negatibong resulta sa parrafin test ni Ted Failon o ang resulta ng pangalawang autopsy na isinagawa ng pamosong forensic pathologist na si Dr Raquel Fortun. 




Kumbaga, masasabi nating tumaas rin naman ang antas ng karunungan ng madla sa mga bagay na dati-rati'y tanging mga mahihilig lang sa crime novels at Discovery channel ang may paki.

Nakinikinita ko tuloy ang aking paboritong magbabalot na si Mang Roger na marahil ay nakikipagpalitan na rin ng kuru-kuro sa mga law students ng San Beda hinggil sa forensics.

Tumaas man ang kamalayan ng madla sa ganitong bagay, tila may mga pagkukulang pa rin ang ating pulisya sa ilang bagay na itinuturing na "basic" sa cri
me scene investigation.

Mabalik tayo sa libro, unang tinalakay rito ang tinawag na "crime scene" o ang lugar na pinangyarihan ng krimen.

"Law officers and detectives take special care to preserve crime scenes, exactly as they find them, because evidence is fragile, and clumsy feet and prying hands can easily destroy it. Without evidence, it may be impossible to solve a crime and catch the villains who carried it out."

Malinaw naman siguro ang pagkakasabi nito. 

Hindi natin alam kung paano kumilos ang mga pulis na unang nakarating sa crime scene. Sinelyuhan ba nila ang silid, banyo at iba pang lugar kung saan maaaring makakuha ng ebidensiya habang hindi pa dumarating ang mga Scene of Crime Operatives (SOCO)?

Kung ating muling panonoorin ang mga footage noong mga oras na isinasagawa ang imbestigasyon sa kaso, makikita nating maramin
g tao ang labas-masok sa bahay ni Ted Failon.

Sa video grab na ito, makikita ang isang lalaking nakasuot ng sombrerong pula ang naroon mismo sa banyo habang sinusuri ng mga SOCO ang crime scene. 

Kung sa ibang bansa ito, hindi mapapayagang mangyari ito. Siguradong palalabasin ang lahat ng taong walang kinalaman sa imbestigasyon kes
ehodang sinong anak ni Herodes pa sila.

Sa caption sa isang larawan sa libro, malinaw ang paliwanag kung bakit kailangang pagbawalan ang mga miron sa crime scene.

"The more people who visit a crime scene, the more chance there is of destroying evidence. So an important priority is to keep away journalists, curious neighbours -- and even other officials whose visit is not absolutely essential."  

Sa setting ng Pilipinas, medyo mahirap ring hayaan na lang ang mga pulis sa pagsisiyasat dahil sa hindi pangambang matamnan ng "ebidensiya" ang crime scene sa layong agaran nang tapusin ang imbestigasyon at makapagdiin na ng suspect.

Dito ko biglang naalala ang kuwento sa akin ng aking naging editor sa isang pahayagang aking dating pinasukan. Aniya, nang madatnan nilang duguan sa library ang isa naming kaopisina matapos silang makarinig ng putok ng baril, agad na niyang itinulak palayo ang isang kasamahan na nagtangka pa sanang lumapit para sana dalhin ang aming namayapang kasama sa ospital. 

Aniya, kitang-kita namang wala nang buhay ang aming nakabulagtang biktima at umaagos ang dugo mula sa kaniyang ulo kung kaya't wala na ring mangyayari kung dadalhin pa ito sa ospital. Hindi na niya aniya pinapasukan ang library hanggang sa makarating ang mga imbestigador.

Isa pang nakatawag ng aking pansin ang sinabi sa libro kung paano dapat kumilos ang mga taong nasa isang crime scene.

"Once the crime scene is taped off, there are other simple, but essential precautions that officers need to take. They must not eat, drink or smoke, because these activities leave traces that may later confuse investigators."
Dahil na rin sa dami nang taong nasa loob ng bahay ni Ted, hindi natin masabi kung nasunod nga ito.

Maging sa ilang footage na ipinalalabas sa news, makikitang may mga pulis na naninigarilyo, ngumunguya ng babolgam o umiinom ng tubig habang nag-iimbestiga sa crime scene. 

Marami pang bagay ang tinalakay sa libro gaya ng isang uri ng kemikal at pailaw na ginagamit ng mga forensic experts upang malaman kung saan kumalat ang dugo ng isang biktima ng pamamaslang sakaling "nilinis" ang isang crime scene.

Napanood ko sa TV si NBI Director Nestor Mantaring na nagbida na mayroon silang kagamitang may kakayanang masipat kung saan tumagas ang dugo ni Trina Etong. Marahil ay ito na nga o kahalintulad nito ang tinalakay sa naturang libro.

Isa sa mga basic na pinag-aaralan ng sinumang pumapasok sa pulisya ang forensics. Hindi ko lang maintindihan kung bakit marami pa ring pulis ang nagtatanga-tangahan dito at idinadahilang hindi raw kasi sila mga SOCO. Kung sabagay, wala nga namang colored pictures ang karamihan sa mga textbook na ginagamit sa Criminology school o sa mga training centers ng Philippine Public Safety College.

Sana'y may isang mabait na senador o congressman na makaisip na gamitin ang kaniyang pork barrel sa pagbili ng ganitong klaseng libro at maiipamudmod sa mga pulis. 

May ilang website na itinuro ang libro kung nais mo pang mag-usisa ng mga bagay-bagay tungkol sa forensics. 

Tingnan niyo na lang kung interesado kayo rito:

www.cyberbee.com/whodunnit/crimescene.html 
www.fbi.gov/kids
www.galleriesofjustice.org.uk
www.lifesciencecentre.co.uk

Tuesday, April 21, 2009

Usapang de kampanilya

Pagsakay ko sa bus kagabi, sinalubong agad ako nang tanong ni Chang: “Anong tingin mo sa nangyari kay Ted Failon?



Sa totoo lang, medyo naiirita na ako sa ganiyang mga tanong dahil simula pa lang noong pumutok ang istorya, kung sino-sino na ang nagtanong sa akin nang ganyan sa pag-aakalang may nalalaman akong tsika na bubusog sa kanilang kuryosidad.

Kunsabagay, may persepsyon rin nga naman ang karamihan na mas nauuna sa balita at maaaring may nasagap na mas malalim na detalye sa mga bagay-bagay ang mga diyarista dahil sa trabaho nga naman namin ang kumalap at maghayag ng tamang impormasyon.

Subalit wala ako sa Pilipinas at gaya ng karaniwang Pedro, Juan at George, sa TV at internet lang rin ako kumukuha ng bali-balita hinggil sa pagkamatay ng kaniyang asawang si Trina Etong.

Sa nagaganap na “circus” mula sa New Era General Hospital hanggang sa puneraryang pinaglagakan ng bangkay ni Gng. Etong, kung anu-ano nang eksena at anggulo ang binigyang pansin ng aking mga kabaro.




Subalit bilang dating mag-aaral ng batas, ang aking interes ay nakatuon lamang sa kung anong mga bagay o ebidensiya ang maaaring timbangin ng husgado.

Naging masalimuot ang kaso dahil sa sala-salabat na pangyayari mula sa umano’y pagsira sa pinangyarihan ng insidente at sa umano’y hindi makataong pag-aresto sa mga kaanak at kasambahay ng pamilya Etong na ngayo’y pinararatangan ng kasong “obstruction of justice”.

Nangelam ka sa mga awtoridad sa layong pigilan sila sa pagtupad sa kanilang tungkulin ang alam kong buod ng depinisyon ng “obstruction of justice”.

Ang abogadang ipinakita sa TV na nagtangkang pigilin ang mga pulis na bitbitin ang mga kasambahay ng mga Etong dahil sa labag umano ang kanilang ginawa sa prosesong nakalatag sa batas ay posibleng balikan ng mga pulis at kasuhan ng “obstruction of justice”.

Ang mga reporters, cameramen at photographers na naghambalang sa bahay ng mga Etong kung kaya’t nahirapang makapasok ang mga pulis ay possible ring kasuhan ng “obstruction of justice”.

Ano nga ba ang “obstruction of justice”?

Sa pagbubutingting ko sa internet, nakita ko ang isang piyesa sa Manila Standard Today na isinulat ni Fr. Ranhilio Callangan Aquino, ang dekano ng Graduate School of Jurisprudence and Justice Sciences ng aking pinakamamahal na alma mater, ang San Beda College.

Basahin natin at maliwanagan.

At please lang po .. wala akong nalalaman sa kaso ni Ted Failon subalit nakasisiguro lang akong alam niyang hindi dapat ginagalaw ang isang crime scene dahil yan ang aming natutunan sa Arellano University College of Law.


Ang obra ni Father …

What is obstruction of justice?
By Fr. Ranhilio Callangan Aquino

‘Obstruction of justice” comes up in many conversations these days obviously because of the death of Trina Etong, Ted Failon’s wife. So what is this crime called “obstruction of justice”?

PD 1829 is the applicable law and under the law, the crime consists in “knowingly or willfully obstructing, impeding, frustrating or delaying the apprehension of suspects and the investigation and prosecution of criminal cases”.

In the Failon case, obviously whoever wiped off blood stains, altered the “scene of the crime [or incident]” or worse, concealed evidence may be held to answer under this law provided that what the law calls the mens rea requirement is present.

That refers to the mental element that should be present: obstructing, impeding, frustrating or delaying apprehension, investigation and prosecution knowingly or willfully.

In this respect—and I write this for law students who may have been wrongly taught—it is wrong to assert that special laws do not require a criminal intent. There are in fact special laws that require a criminal intent.

In this case, the presence of the criminal intent is essential to the crime. The law is unmistakable on that point.

Let us say then that Kikay, a housemaid, was ordered to clean the bathroom and wash off all blood stains. Would Kikay, if these facts were established conclusively, be liable under PD 1829?

If Kikay did what she did merely because she was ordered to, and as a housemaid habitually complied with orders, and for no other reason, then Kikay would be off the hook.

For Kikay to be guilty of obstructing justice she should have cleaned the bathroom and eliminated or tampered with the evidence “with intent to impair its verity, authenticity, legibility, availability or admissibility as evidence in any investigation of or official proceedings.”

The intention to spare the child the sight of her mother in such a sorry state does not inspire much credence.

Obviously, the simplest thing to do would be to seal the bathroom and keep the 12-year-old away from the gruesome scene.

I am not saying the Ted Failon is guilty of obstructing justice, although he may very well be. I am only saying that we should not be too quick about charging the police with arbitrariness and oppressive conduct.

The victim here, it should not be forgotten, was Trina Etong, not Ted Failon.

Should it be later established with certainty that the late Trina committed suicide, will this result in the dismissal of all obstruction of justice charges?

It should not, I am convinced.

The issue in an obstruction of justice case is whether or not a respondent obstructed, impeded, or mislead the conduct of investigation and prosecution of a crime.

As the police are still determining whether or not a crime has been committed, anyone who alters, conceals, destroys or suppresses evidence or knowingly misleads investigators will be obstructing justice, whether or not the conclusion is eventually reached that there was no crime.

When one delays in reporting a crime, does this constitute obstruction of justice?

In the first place, why should one delay in reporting a crime? Preventing witnesses from reporting a crime is clearly obstructing justice under Section 1a of the law.

Likewise liable is anyone who misleads investigators or fabricates information. When one delays in reporting a crime, one rightly stirs the suspicion that he is the criminal.

The provisions of the obstruction of justice decree, however, cannot be used to defeat constitutional guarantees.

A suspect who clams up at custodial investigation is in a very real sense obstructing justice—but he cannot be indicted for the offense because the Constitution grants him the right to be silent.

When a homeowner refuses law enforcers entry into his dwelling when they announce a search but cannot present a warrant, the homeowner can neither be charged with obstructing justice because the Constitution protects the citizen against unreasonable searches and seizures.

Obstruction of justice is a crime because justice is the virtue of organized society and obstruction is exactly what it is.

I think too that we should be asking the right questions: Who ordered the bathroom cleaned?

If the house-helper who admits having wiped off blood stains volunteers the information that she did the cleaning—and meticulously, at that—“without having been instructed by anyone to do so”, is it not interesting that she did not know that it was wrong to tamper with the scene of the incident, but seemed to be fully aware that it was important that she pointed at no one as having ordered her?

It is important that Ted’s daughter has protested her father’s innocence and insisted that her mother committed suicide.

It shows how eager members of the family are to avoid wreaking further havoc on the family by implicating Failon in the terrible crime of parricide. But he must remain a suspect and if Raquel Fortun, who seems to be so eager to prove every other pathologist wrong, is right that paraffin tests prove nothing, then that Failon and Trina (or at least Trina’s lifeless body) have tested negative for powder burns says nothing for or against parricide on the part of the former, and for or against suicide on the part of the latter. (And by the way, that paraffin tests are not very accurate does not mean that they are not accurate at all and should be banned! That’s King-Kong logic!)

I called up Secretary Raul Gonzalez to congratulate him for reminding the head of the Public Attorney’s Office that Ted Failon is not an indigent, and that it was not seemly of her to act as de facto legal counsel for Failon. It would have even been more acceptable had she shown interest in protecting the interests of the departed Trina—such as encouraging house-helpers and members of the Failon household to disregard instructions not to speak and to be more forthright with investigators.

May Trina rest in peace. The Catholic Church has a different attitude now towards those who are alleged to have committed suicide.

In the past, she would have slammed Church doors on them, refusing them the rite of Christian funeral. Not anymore.

One who commits suicide, moral theologians argue, does something so fundamentally counter to the drive to preserve life that it can be presumed that the victim was not sui compos… in complete control of herself.

She enjoys the benefit of the doubt in respect to moral responsibility.

On the other hand, may the Republic of the Philippines, particularly investigators and prosecutors, not rest in peace until we know whether it was suicide or parricide, not only for the sake of Trina and her family, but for the sake of law and that nebulous ideal called justice.

No matter how Ted Failon may feel about it, or his children may protest against it and call for “peace,” there can be no “peace” in the suppression of the truth when human life is brutally ended.

A shadow of doubt hangs over Ted Failon, and we should allow it to hang there until credible evidence allows it to dissipate.

I am appalled at the eagerness with which one TV channel insinuates the innocence of Ted and the suicidal inclinations of Trina. As a TV and radio personality, Ted has been unrelenting in his campaign against the suppression of evidence and the concealment of wrongdoing. He should face his own investigation with the same resoluteness.

Wednesday, April 15, 2009

Tuesday, April 14, 2009

Gaano kamahal ng media si Tata JoeCap

Hahayaan ko na lang ang video clip sa YouTube upload ni Art Ibaldo ang magpakita nito ...

Wednesday, April 8, 2009

Paalam Tatay JoeCap

Hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan.

Naninikip ang dibdib ko at magpahanggang sa isinusulat ko ito ay umaasa pa rin akong mali ang balitang walang nakaligtas sa pagbagsak ng presidential helicopter na patungo sana ng Banaue mula Baguio noong Martes ng hapon.

Kahit sa mensahe na aking ipinaskel sa bulletin board ng NUJP sa Friendster ay hindi ko magawang banggiting wala na si Tata JoeCap.

Halos hindi ako nakatulog noong Martes ng gabi sa kahihintay ng balita sa isinasagawang search and rescue operation.

Umaasa akong baka biglang mag-ring ang aking cellphone at si JoeCap ang nasa kabilang linya dahil nakasisiguro akong isa ako sa mga nasa unahan ng kaniyang directory dahil sa letter “A” nagsisimula ang aking pangalan. Mangyari kasing may balitang nakatawag pa si JoeCap sa tanggapan ng MARO sa Malacanang kung saan sinabi niyang makapal ang ulap sa himpapawid ng Cordillera at naghahanap sila nang lugar na malalapagan. Sana lang may tumawag para sabihing kinukupkop nila si JoeCap o mismong si Tata JC 'yon para linawing OK sya.

Inaalala ko si JoeCap dahil sa ginawin ang “matanda” at baka ubuhin na naman siya sa sobrang lamig.

Saang anggulo man sipatin, tila kailangan ko nang ihanda ang aking sarili na hindi na kami kailanman magkikita ng isa sa aking mga naging ama-amahan sa industriya ng pamamahayag.


Napakamasayahing tao, masipag, walang ere kahit noong panahong namamayagpag ang kaniyang pangalan sa industriya at isang taong napakadaling mahalin itong si Jose Capadocia.

Una kong narinig ang kaniyang pangalan noong mga huling bahagi ng dekada ’80 noong panahong isa si Tata JoeCap sa mga batikang reporter ng DZXL at ‘di naglaon ay maging sa Manila Times.

“Iskupero” o isang mamamahayag na laging nauuna sa balita ang tawag noon kay Tata JoeCap ng mga anchor ng DZXL at maging nang kaniyang mga nakasama sa Defense beat.



Si Tata JoeCap kasama si Arlyn dela Cruz sa Camp Aguinaldo (larawan mula sa Facebook album ni Arlyn) .,. bata pa lang si Arlyn, matanda na daw si JoeCap

Sa panahong uso ang kukurukuku, lahat nang nagnanais na makauna sa balita ay nakikinig sa anumang ulat mula kay JoeCap sa DZXL o dili kaya’y nagbabasa nang kaniyang mga detalyadong ulat sa Manila Times.

Star-struck ako kay JoeCap noong una ko itong nakilala sa National Press Club nang minsang isama ako doon ni Raymond Burgos na noo’y labor reporter ng Times.
Mag-iisang buwan pa lang yata akong correspondent sa Chronicle noong panahong yon at wala pang sapat na “clippings” para makakubra ng sahod kung kaya't si Raymond ang madalas na taya sa hapunan sa Press Club dahil sa medyo sagana na siya sa kita mula sa kilo-kilometrong column inches na kaniyang naipapanganak.

Nasa loob kami ng conference room ng NPC na noong mga panahong iyon ay naging “reporters lounge” kung saan naman naglulungga ang mga bagitong reporters gaya nina Jinky Jorgio ng Daily Globe at Jessica Domingo ng Newsday nang biglang pumasok si JoeCap at kumustahin ang mga naghahabol ng deadline. Ipinakilala ako ni Jinky kay JoeCap at mahigpit ang kaniyang pagkamay sa akin at nagpaalam na kukumustahin niya muna ang mga matatanda sa kabilang silid.


Lahat ng tao sa Press Club ay halos napapalundag sa tuwa sa pagdating ni JoeCap. Mistula siyang “Godfather” o isang taong matagal na hinintay para pawiin ang kanilang problema o kalungkutan.
Subalit kaiba sa imahe ng “Ninong” sa ating lipunan, hindi umaasa at hindi rin naman mistulang ATM si JoeCap na handang mamudmod ng salapi sa sinumang manghihingi o nangangailangan.

Sa madaling salita, hindi niya kailangang mamigay ng pera para makuha ang respeto ng kaniyang mga kabaro. Ang tanging pagdating lang ni JoeCap ang ikinasisiya ng karamihan sa mga tao sa Press Club – bagay na hindi kailanman nagbago hanggang sa huling panahong nagpang-abot kami sa NPC.

Bilang pangalawang pangulo ng NPC, si JoeCap ang nagsulong nang paglagda ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng NPC, pulisya at military kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pag-aresto sa isang mamamahayag nang walang abiso sa kaniyang kinapapaloobang news organization.

Bagama’t hindi kami nagkasama sa beat, sala-salabat na kuwento na ang narinig ko hinggil sa kung anong kabutihan at pag-aalaga ang ginawa sa kanila ni JoeCap.

Sa mensahe ni katotong Rey Mercaral – alyas Muymuy – sa Facebook, naikuwento niya na noong panahong nagipit sila sa pag-cover ng state visit ni GMA sa Indonesia (dun nga ba?), ipinagamit ni JoeCap ang kaniyang kama kay Muymuy para may matulugan ito. Sa blog naman ni Ralph Guzman, kaniyang inilahad kung paano siya sinorpresa ni JoeCap nang mag-organisa ito ng party nang siya’y magbalik mula sa pagkaka-stranded sa Dubai airport at doon datnan ng kaniyang kaarawan. Marami pang kuwento subalit ayokong pangunahan ang aking kuwento.

Si Tata JoeCap habang nakikipag tong-its sa cameraman ng GMA-7 (larawan mula sa blog ni Ralph Guzman). Ito ang huling imahe ni JoeCap na nakatatak sa utak ko

Dahil sa angking charisma at popularidad ni JoeCap sa kaniyang mga kabaro sa media, naudyukan siyang tumakbong pangulo ng NPC noong dekada ’90. Kahit hindi pa kami miyembro ng NPC noong mga panahong ‘iyon, all out support kaming mga bagito sa kandidatura ni JoeCap.

Naging mahigpit ang laban nina JoeCap at Fred Gabot ng Bulletin. Isang boto lamang ang naghiwalay sa kanila. Bagama’t dumagundong ang sigawang magkaroon ng recount ng mga balota, tumanggi si JoeCap at hinayaang maupo nang matiwasay bilang NPC president si Gabot and the rest 'ika nga ay history.
Hindi man naging pangulo ng NPC si JoeCap, lalo namang tumaas ang pagtingin sa kaniya ng kaniyang mga kabaro.

Naging biruan nga sa NPC noon ang magsisihan kung sino ang hindi bumoto o sinong nagbenta ng boto na dapat sana’y para kay JoeCap. Pinagsisihan rin namin kung bakit hindi namin pinursige ang pagiging voting member ng NPC – bagay na madalas ipaalala sa tuwing nakakabarikan si JoeCap na kaniya lamang susuklian ng ngiti.

Nagkasama kaming muli ni JoeCap nang buhayin namin ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na matagal nang natiwangwang mula nang yumao ang isa pang haligi ng peryodismo na si Tony Nieva.

Halos araw-araw kaming magkakasama nina JoeCap, Leo Santiago, Mentong Laurel, Joel Palacios, May Rodriguez, Inday Varona, Rey Sabio, at marami pang iba sa pag-organisa ng revival congress ng NUJP na ginanap sa Subic noong taong 2000. Masalimuot ang naging proseso at si JoeCap ang tumimon upang balansehin ang samu’t-sari – at kadalasa’y magkakalabang – personalidad at paniniwala ng bawat isa.


Sa Subic convention ko napag-alamang close pala si JoeCap at si GMA na noo’y bise presidente pa lamang. Panauhing pandangal ng NUJP si GMA sa nasabing pagtitipon. Itinalaga ako ni JoeCap na sumama sa kaniya sa pagsalubong kay GMA dahil sa magkasinglaki lang daw kami ni GMA. Housemates rin kami ni Tata JoeCap sa Subic kung kaya’t magkasama pa rin kami sa kabulastugan.

Noong naging pangulo si GMA, inasahan kong isa sa mga mabibiyayaan ng puwesto si JoeCap. Subalit laking gulat ko na lang na wala ang pangalan ni JoeCap sa mga bagong talaga sa alinmang ahensiya ng pamahalaan at maging sa mga GOCC gaya ng aking dating tanggapan sa Journal.

Madalas kong kulitin si JoeCap na puntahan na si GMA sa Malacanang at baka sakaling ibigay sa kaniya ang pagiging isa sa mga bossing ng Journal subalit ayaw niya. Hayaan lang daw namin ang takbo ng panahon.

Jobless si JoeCap noong mga panahong iyo at ramdam ko na medyo nabuburyong na siya sa kaniyang sitwasyon. Dahil dito, kapal-mukha ko na ring pinahahagingan ang aking kaibigang si Bobby Capco -- dating media officer ni GMA noong VP pa lang ito at noo’y bagong talagang undersecretary sa OPS at kilalang malapit sa kusina ng Malacanang – na nariyan lang si JoeCap sa tabi-tabi. Hindi ko alam kung nakatulong iyon dahil makalipas ang ilang buwan ay naitalaga rin si JoeCap bilang OIC ng OPS Operations Center sa Arlegui.

Madalas kong dalawin si JoeCap sa OpCen. Doon ko muling nakita ang pagiging “hands on general” ni Tata JoeCap. Kahit na tambak sa trabaho, iniistima pa rin niya ang kaniyang mga nagiging “bwisitor”. Dahil sa kaniyang naging trabaho sa Malacanang, naging madalang na ang aming pagbabarikan. Hindi na rin siya madalas makapamasyal sa NPC o makadalo sa kung saan mang pagtitipon dahil sa lagi siyang nasa tabi ni Madame.

Huli kaming nagkita ni Tata JoeCap noong mga huling araw ko sa Pilipinas noong Enero 2006. Dinalaw ko siya sa kaniyang opisina sa Arlegui upang pasalamatan nang patulungan niya ako sa MARO na ma-authenticate ang aking mga papeles na kakailanganin ko dito sa Dubai. Binigyan rin niya ako ng endorsement para sa travel tax exemption subalit hindi ko na ito nagamit dahil binayaran na pala ng Gulf News ang lahat ng gastusin sa ticket.

Magkikita sana kami ni Tata JoeCap noong umuwi ako noong Enero. Kinumusta ko siya sa text at sinabing dadaanan ko siya sa Malacanang para man lang makapag-kape. May inihanda pa nga akong "Dubai" T-shirt na XXL para kay Tata JoeCap.

Subalit isang maigsing text message lang ang kaniyang naging tugon.



At magpahanggang sa huli, trabaho pa rin ang inatupag ng aming Tatay JoeCap.

Saturday, April 4, 2009

Paghahambing kay Chip Tsao at Malu Fernandez

Hindi ko na sana papatulan ang isyu hinggil sa mapanira at nakapipikong komentaryo ng mamamahayag na si Chip Tsao subalit paggising ko kaninang umaga, nabanggit sa akin ng aking Tsinong flatmate na nag-sorry na nga raw ang kaniyang kalahi (‘di ko masabing ‘kabayan’ dahil taga-Mainland ang aking flatmate at taga-Hong Kong naman si Ginoong Tsao).

Nabulabog ang sambayanang Pilipino sa artikulong naisulat ni Chip Tsao na inilahathala sa HK Magazine kung saan kaniyang sinabing walang ‘K’ ang Pilipinas na angkinin ang isla ng Spratlys o ang Kalayaan Island Group sa South China Sea dahil sa ang ating bayan raw ay “nation of servants”.


Una kong nabasa ang naturang obra nang ipadala sa akin ni Lalaine (patnugot ng Illustrado magazine) ang link sa artikulo nang una itong lumabas noong Marso 27. Dali-dali ko namang inilagay sa Facebook ang naturang artikulong pinamagatang “The War at Home” at inalerto ang mga kabaro sa pamamahayag at ilang maiimpluwensiyang “kaibigan” sa hangaring maaksyunan ang muling pagyurak sa dangal ng aming lahi (naks!).

Mabilis ang naging pagkilos laban kay Chip Tsao. Ilang grupong kumukondena kay Tsao ang nabuo sa Facebook at nagkaniya-kaniya nang buhos nang ngitngit ang mga blogulero. Op kors, hindi nagpahuli ang mga pulitiko – lalo na ang mga may naririnig na 'boses' para sa 2010 – at naging mabilis rin ang pag-blacklist kay Tsao ng Bureau of Immigration.

Sa Hong Kong, agaran ring kumilos ang ating konsulado upang iparating sa patnugot nang pinaglathalaang magasin ang galit na naramdaman ng sambayanang Pilipino.

Bagama’t naging maagap ang paghingi ng paumanhin ng Asia City Publishing Group sa paglalathala nang nakasusulasok na artikulo, hindi pa rin nanahimik ang mga Pilipino na pilit na hinihingi ang ulo ni Tsao. “Tatalupan namin siya ng buhay,” tila nabasa kong pahayag ng isang kababayan (hindi 'kabayan') sa isang online forum.

Sa totoo lang, hindi ko na inasahang lalantad pa si Tsao. Kung hihingi man ito nang paumanhin, malamang ay maglalabas lamang siya ng isang pahayag para matigil na ang alingasngas.

Subalit nagulat ako nang kamakailan lang ay personal na nagpakita si Tsao sa ating konsulado sa Hong Kong upang humingi ng dispensa. Akala ko noong una'y nakipag-usap lang si Tsao sa mga opisyales ng konsulado kung kaya't lalo akong nagulat nang malamang buong-loob niyang hinarap ang mga kinatawan ng Filipino community sa Hong Kong at inulit ang paghingi nang paumanhin. Napanood ko pa nga sa TV ang kaniyang pagyukod sa mga Pilipinong dumagsa sa konsulado. Kung ating iintindihin ang kultura ng mga Oriental, ang pagyukod ay simbolo nang pagpapakumbaba at buong-pusong pagbibigay galang.

Dahil doon, napahanga ako kay Chip Tsao.

Hindi biro para sa isang mamamahayag ang umamin nang pagkakamali lalo pa’t humarap sa mga taong sagad hanggang buto ang galit sa iyo dahil sa balita o komentaryong iyong naisulat.

Hindi ko na tatalakayin kung paano ipinaliwanag ni Chip Tsao ang dahilan kung bakit niya naisulat ang “The War at Home”. Maaaring sablay pa rin o hindi convincing ang kaniyang paliwanag subalit sa ganang akin ay kahanga-hanga ang kaniyang pagharap sa mga taong kaniyang nasagasaan.

Hindi ko naman maiwasang maihambing ang kaganapang ito sa alingasngas na nilikha ng isang Malu Fernandez na minsang sumikat nang kaniyang alipustain ang kaniyang mga kababayang OFW na kaniyang nakasabay sa flight mula sa Dubai.

Gaya ni Tsao, binastos ni Malu Fernandez ang mga Filipino sa kagustuhan niyang ipangalandakan ang kaniyang pagiging jetsetter at ipahayag na siya’y angat sa iba.

Ipinako sa krus si Fernandez. Binambo nang kaliwa’t kanan hanggang sa mapilitan umano itong mag-sorry.


Sinibak si Fernandez bilang manunulat sa People Asia magazine at nag-alok umano itong mag-resign sa Manila Standard Today.

Kailanman ay hindi humarap si Fernandez. Tumanggi siyang magbigay nang anumang direktang pahayag dahil sa sapat na raw ang kaniyang inilabas na press statement na humihingi siya ng paumanhin kung may nasaktan man sa kaniyang makulay na istilo sa panulat.

Nanahimik ang mga blogulero sa paniwalang nagwagi na sila sa kanilang kampanyang hingiin ang ulo ni Fernandez.

Dalawang taon makalipas ang kontrobersiya, biglang nabuhay sa akin ang isyu.

Nang umuwi ako sa Pilipinas noong nakaraang Kapaskuhan, nagkaharap – actually nakatabi – ko sa isang barikan sa National Press Club ang aking malapit na kaibigan na isa sa mga patnugot ng Manila Standard Today.

Nang medyo mababad na sa alcohol ang aming utak at diwa, inilabas ng aking kaibigan ang kaniyang galit bunsod nang nangyari sa isyung Malu Fernandez.

Aniya, walang karapatan ang mga OFW na hingiin ang ulo ng kanilang lifestyle writer dahil sa hindi naman daw kami bumibili ng sipi ng Manila Standard Today. Nakikibasa lang daw kami sa internet at hindi nagpapasok ng pera sa kanilang kaban.

At dahil sa nakaiinsulto umano ang tinuran ng mga OFW at maging ng mga blogulero, dito umano nagpasiya ang patnugutan ng Manila Standard Today na huwag tanggapin ang pagbibitiw ni Malu Fernandez at hayaan itong magpatuloy na ipagwasiwasan ang kaniyang “acerbic wit”.

Ngayon, kung ating babalikan ang kaganapan sa nangyaring pambabastos sa mga Pilipino ng isang Tsino at ng isang kababayang Pilipina, sino sa kanilang dalawa ang naging mas makatao sa pagharap sa isyu?

Thursday, April 2, 2009

Best job opportunity in the whole wide world

Naghahanap ka ba nang trabaho?

Gusto mo bang mag-abroad? Makapagtrabaho 'di lang dito sa Dubai kundi maging sa kalawakan?

Puwes! Eto na ang iyong pagkakataon!

Basahing mabuti ang anunsiyong inilabas sa Appointments section ng Gulf News at ipadala agad ang inyong bio-data sa BAC Middle East aprilfirst@bacme.com (Ref No. AF/0104-09/01/04)

Magmadali at huwag palampasin ang minsanang pagkakataong ito!