Hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan.
Naninikip ang dibdib ko at magpahanggang sa isinusulat ko ito ay umaasa pa rin akong mali ang balitang walang nakaligtas sa pagbagsak ng presidential helicopter na patungo sana ng Banaue mula Baguio noong Martes ng hapon.
Kahit sa mensahe na aking ipinaskel sa bulletin board ng NUJP sa Friendster ay hindi ko magawang banggiting wala na si Tata JoeCap.
Halos hindi ako nakatulog noong Martes ng gabi sa kahihintay ng balita sa isinasagawang search and rescue operation.
Umaasa akong baka biglang mag-ring ang aking cellphone at si JoeCap ang nasa kabilang linya dahil nakasisiguro akong isa ako sa mga nasa unahan ng kaniyang directory dahil sa letter “A” nagsisimula ang aking pangalan. Mangyari kasing may balitang nakatawag pa si JoeCap sa tanggapan ng MARO sa Malacanang kung saan sinabi niyang makapal ang ulap sa himpapawid ng Cordillera at naghahanap sila nang lugar na malalapagan. Sana lang may tumawag para sabihing kinukupkop nila si JoeCap o mismong si Tata JC 'yon para linawing OK sya.
Inaalala ko si JoeCap dahil sa ginawin ang “matanda” at baka ubuhin na naman siya sa sobrang lamig.
Saang anggulo man sipatin, tila kailangan ko nang ihanda ang aking sarili na hindi na kami kailanman magkikita ng isa sa aking mga naging ama-amahan sa industriya ng pamamahayag.

Napakamasayahing tao, masipag, walang ere kahit noong panahong namamayagpag ang kaniyang pangalan sa industriya at isang taong napakadaling mahalin itong si Jose Capadocia.
Una kong narinig ang kaniyang pangalan noong mga huling bahagi ng dekada ’80 noong panahong isa si Tata JoeCap sa mga batikang reporter ng DZXL at ‘di naglaon ay maging sa Manila Times.
“Iskupero” o isang mamamahayag na laging nauuna sa balita ang tawag noon kay Tata JoeCap ng mga anchor ng DZXL at maging nang kaniyang mga nakasama sa Defense beat.
Si Tata JoeCap kasama si Arlyn dela Cruz sa Camp Aguinaldo (larawan mula sa Facebook album ni Arlyn) .,. bata pa lang si Arlyn, matanda na daw si JoeCap
Sa panahong uso ang kukurukuku, lahat nang nagnanais na makauna sa balita ay nakikinig sa anumang ulat mula kay JoeCap sa DZXL o dili kaya’y nagbabasa nang kaniyang mga detalyadong ulat sa Manila Times.
Star-struck ako kay JoeCap noong una ko itong nakilala sa National Press Club nang minsang isama ako doon ni Raymond Burgos na noo’y labor reporter ng Times.
Star-struck ako kay JoeCap noong una ko itong nakilala sa National Press Club nang minsang isama ako doon ni Raymond Burgos na noo’y labor reporter ng Times.
Mag-iisang buwan pa lang yata akong correspondent sa Chronicle noong panahong yon at wala pang sapat na “clippings” para makakubra ng sahod kung kaya't si Raymond ang madalas na taya sa hapunan sa Press Club dahil sa medyo sagana na siya sa kita mula sa kilo-kilometrong column inches na kaniyang naipapanganak.
Nasa loob kami ng conference room ng NPC na noong mga panahong iyon ay naging “reporters lounge” kung saan naman naglulungga ang mga bagitong reporters gaya nina Jinky Jorgio ng Daily Globe at Jessica Domingo ng Newsday nang biglang pumasok si JoeCap at kumustahin ang mga naghahabol ng deadline. Ipinakilala ako ni Jinky kay JoeCap at mahigpit ang kaniyang pagkamay sa akin at nagpaalam na kukumustahin niya muna ang mga matatanda sa kabilang silid.
Lahat ng tao sa Press Club ay halos napapalundag sa tuwa sa pagdating ni JoeCap. Mistula siyang “Godfather” o isang taong matagal na hinintay para pawiin ang kanilang problema o kalungkutan.
Subalit kaiba sa imahe ng “Ninong” sa ating lipunan, hindi umaasa at hindi rin naman mistulang ATM si JoeCap na handang mamudmod ng salapi sa sinumang manghihingi o nangangailangan.
Sa madaling salita, hindi niya kailangang mamigay ng pera para makuha ang respeto ng kaniyang mga kabaro. Ang tanging pagdating lang ni JoeCap ang ikinasisiya ng karamihan sa mga tao sa Press Club – bagay na hindi kailanman nagbago hanggang sa huling panahong nagpang-abot kami sa NPC.
Bilang pangalawang pangulo ng NPC, si JoeCap ang nagsulong nang paglagda ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng NPC, pulisya at military kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pag-aresto sa isang mamamahayag nang walang abiso sa kaniyang kinapapaloobang news organization.
Bagama’t hindi kami nagkasama sa beat, sala-salabat na kuwento na ang narinig ko hinggil sa kung anong kabutihan at pag-aalaga ang ginawa sa kanila ni JoeCap.
Sa mensahe ni katotong Rey Mercaral – alyas Muymuy – sa Facebook, naikuwento niya na noong panahong nagipit sila sa pag-cover ng state visit ni GMA sa Indonesia (dun nga ba?), ipinagamit ni JoeCap ang kaniyang kama kay Muymuy para may matulugan ito. Sa blog naman ni Ralph Guzman, kaniyang inilahad kung paano siya sinorpresa ni JoeCap nang mag-organisa ito ng party nang siya’y magbalik mula sa pagkaka-stranded sa Dubai airport at doon datnan ng kaniyang kaarawan. Marami pang kuwento subalit ayokong pangunahan ang aking kuwento.

Si Tata JoeCap habang nakikipag tong-its sa cameraman ng GMA-7 (larawan mula sa blog ni Ralph Guzman). Ito ang huling imahe ni JoeCap na nakatatak sa utak ko
Dahil sa angking charisma at popularidad ni JoeCap sa kaniyang mga kabaro sa media, naudyukan siyang tumakbong pangulo ng NPC noong dekada ’90. Kahit hindi pa kami miyembro ng NPC noong mga panahong ‘iyon, all out support kaming mga bagito sa kandidatura ni JoeCap.
Naging mahigpit ang laban nina JoeCap at Fred Gabot ng Bulletin. Isang boto lamang ang naghiwalay sa kanila. Bagama’t dumagundong ang sigawang magkaroon ng recount ng mga balota, tumanggi si JoeCap at hinayaang maupo nang matiwasay bilang NPC president si Gabot and the rest 'ika nga ay history.

Hindi man naging pangulo ng NPC si JoeCap, lalo namang tumaas ang pagtingin sa kaniya ng kaniyang mga kabaro.
Naging biruan nga sa NPC noon ang magsisihan kung sino ang hindi bumoto o sinong nagbenta ng boto na dapat sana’y para kay JoeCap. Pinagsisihan rin namin kung bakit hindi namin pinursige ang pagiging voting member ng NPC – bagay na madalas ipaalala sa tuwing nakakabarikan si JoeCap na kaniya lamang susuklian ng ngiti.
Nagkasama kaming muli ni JoeCap nang buhayin namin ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na matagal nang natiwangwang mula nang yumao ang isa pang haligi ng peryodismo na si Tony Nieva.
Halos araw-araw kaming magkakasama nina JoeCap, Leo Santiago, Mentong Laurel, Joel Palacios, May Rodriguez, Inday Varona, Rey Sabio, at marami pang iba sa pag-organisa ng revival congress ng NUJP na ginanap sa Subic noong taong 2000. Masalimuot ang naging proseso at si JoeCap ang tumimon upang balansehin ang samu’t-sari – at kadalasa’y magkakalabang – personalidad at paniniwala ng bawat isa.

Sa Subic convention ko napag-alamang close pala si JoeCap at si GMA na noo’y bise presidente pa lamang. Panauhing pandangal ng NUJP si GMA sa nasabing pagtitipon. Itinalaga ako ni JoeCap na sumama sa kaniya sa pagsalubong kay GMA dahil sa magkasinglaki lang daw kami ni GMA. Housemates rin kami ni Tata JoeCap sa Subic kung kaya’t magkasama pa rin kami sa kabulastugan.
Noong naging pangulo si GMA, inasahan kong isa sa mga mabibiyayaan ng puwesto si JoeCap. Subalit laking gulat ko na lang na wala ang pangalan ni JoeCap sa mga bagong talaga sa alinmang ahensiya ng pamahalaan at maging sa mga GOCC gaya ng aking dating tanggapan sa Journal.
Madalas kong kulitin si JoeCap na puntahan na si GMA sa Malacanang at baka sakaling ibigay sa kaniya ang pagiging isa sa mga bossing ng Journal subalit ayaw niya. Hayaan lang daw namin ang takbo ng panahon.
Jobless si JoeCap noong mga panahong iyo at ramdam ko na medyo nabuburyong na siya sa kaniyang sitwasyon. Dahil dito, kapal-mukha ko na ring pinahahagingan ang aking kaibigang si Bobby Capco -- dating media officer ni GMA noong VP pa lang ito at noo’y bagong talagang undersecretary sa OPS at kilalang malapit sa kusina ng Malacanang – na nariyan lang si JoeCap sa tabi-tabi. Hindi ko alam kung nakatulong iyon dahil makalipas ang ilang buwan ay naitalaga rin si JoeCap bilang OIC ng OPS Operations Center sa Arlegui.
Madalas kong dalawin si JoeCap sa OpCen. Doon ko muling nakita ang pagiging “hands on general” ni Tata JoeCap. Kahit na tambak sa trabaho, iniistima pa rin niya ang kaniyang mga nagiging “bwisitor”. Dahil sa kaniyang naging trabaho sa Malacanang, naging madalang na ang aming pagbabarikan. Hindi na rin siya madalas makapamasyal sa NPC o makadalo sa kung saan mang pagtitipon dahil sa lagi siyang nasa tabi ni Madame.
Huli kaming nagkita ni Tata JoeCap noong mga huling araw ko sa Pilipinas noong Enero 2006. Dinalaw ko siya sa kaniyang opisina sa Arlegui upang pasalamatan nang patulungan niya ako sa MARO na ma-authenticate ang aking mga papeles na kakailanganin ko dito sa Dubai. Binigyan rin niya ako ng endorsement para sa travel tax exemption subalit hindi ko na ito nagamit dahil binayaran na pala ng Gulf News ang lahat ng gastusin sa ticket.
Magkikita sana kami ni Tata JoeCap noong umuwi ako noong Enero. Kinumusta ko siya sa text at sinabing dadaanan ko siya sa Malacanang para man lang makapag-kape. May inihanda pa nga akong "Dubai" T-shirt na XXL para kay Tata JoeCap.
Subalit isang maigsing text message lang ang kaniyang naging tugon.
At magpahanggang sa huli, trabaho pa rin ang inatupag ng aming Tatay JoeCap.
Mahirap makalimutan si Joe Cap..... una ko siyang nakilala noong defense reporter siya ng Manila Times at ako naman ay roving sa police beat sakop ko ang CPD, EPD at CAMANAVA area.
ReplyDeleteTamang inis pa ako, ng minsan abisuhan ako ni Fidel Peren, piloto ko na mag-base daw kami ng maaga at dadaanan namin ng madaling-araw si Joe Cap sa Marikina at ihahatid sa Defense, gawa ng may coverage siya...
Nainis ako dahil masasakripisyo kako ang pagkuha ko ng balita..wala pang cell phones, fax machine lang ang gamit.. nag-cover na lang ako over the phone..
Sinundo namin si Joe Cap sa Marikina at inihatid sa Camp Aguinaldo, sa maikling biyahe namin nagkakilala kami ni Tata Joe... mula noon naging madalas na ang batian sa tuwing nag-krus ang aming landas.
Tama, ka pare, dalawa tayo sa hindi nakaboto kay Joe Cap sa NPC, sana nanalo siya ng isa..ang dahilan natin noon ay hindi tayo nagpursige na magpamyembro sa NPC.
DI ko lang batid, pero nitong 2006 nagkita tayong tatlo sa NPC, at doon nagkamustahan, hanggang sa magkasolohan tayong tatlo, napag-usapan kung bakit siya natalo sa halalan.
Nagturuan tayong dalawa kung sino ang magsasabi---kako ikaw na... ng sinabi mo iyon na dapat siya ang panalo kaya lang di tayo nakaboto... tumawa lang siya ng malakas... iho kalimutan niyo na iyan..,tapos na.....
Sa puntong ito, ang masasabi ko lamang MAHIRAP KALIMUTAN ANG ISANG KATULAD NIYA......Katulad mo hindi rin ako makapaniwala na sa ganitong paraan siya lilisan....
Saan ka man...Tata Joe...hindi ka namin malilumutan...adiyos....NAUNA ka lamang....
Leonel "Boying" Abasola
http://electromedia.multiply.com/photos/album/61/Press_Undersecretary_Jose_Capadocia, eto ang link sa web tribute na binoo ko para kay Joecap. Sumalangit Nawa Siya
ReplyDelete(E-mail sa akin ni Anne Tiangco, supplements editor ng Journal Group at dating managing editor ng Taliba)
ReplyDeleteHi Ares,
Alam ko na hindi mo makakalimutan sumulat ng pamamaalam para kay Tata JoeCap. Hanggang ngayon nga, parang hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya. Walang duda, mas malalim ang pinagsamahan nyo ni Manong Joe pero siguro naman alam mo na hindi kumpleto ang buhay ng isang diyarista kundi nakadaupang palad ang isang JoeCap. At suwerte ko rin na nagkaroon ako ng pagkakataon (pati rin si Jeff) na makilala siya, makainuman, makasalo sa kainan. Masuwerte rin ako na nakasama ko pa siya sa biyahe sa Korea na kahit nangangatog sya sa ginaw at inaatake ng rayuma, ay nandun pa rin ang tatak-JoeCap na mga biro at mala-tatay na pag-aalaga sa mga kasamang peryodista.
Hindi pa katagalan, malaki rin ang nagawang tulong ni Manong Joe Cap sa aking pamilya nang magkasakit ang mommy (kasabay ng ate) at kinailangan na naming magpasaklolo sa PCSO dahil sa laki ng hospital bills. Alam mo ba na kahit nasa Cebu si Manong Joe, binigyan pa niya ng instruction si Anne na sekretarya niya para asikasuhin ang mga dokumento namin at makakuha agad ng assistance galing nga sa PCSO? "Any time this old chap could help," ang naging sagot niya sa akin sa text nang taos-puso akong nagpasalamat sa kanyang tulong.
Kaya nga nang mabasa ko yung sinulat mo tungkol kay Joe Cap at nang napakarami pang ibang mediamen na nagbibigay papuri rin sa kanyang kabaitan at kababaaang-loob , hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Basta, malungkot. Sobrang lungkot dahil hindi naman ako "emo", alam mo yan. Talaga lang siguro na ang pagkamatay ni Manong JoeCap ang isa sa mga ininda ko.
Sana sa susunod na balitaan natin, magandang balita naman no?
(mula kay Ryan Ponce Pacpaco, reporter ng Taliba)
ReplyDeleteMaganda ang mga kuwento mo sir, naalala ko sa isang biyahe sa Japan, maasikaso si Tata JoeCap hanggang sa iinumin mong serbesa, sayang na mama, regards sayo
Gustong gusto ko yung picture ni Joecap na may pipe siya. He really was a good man.
ReplyDelete