Monday, March 23, 2009

TV retro overload: how jologs are you quiz

Nangingisda ako sa cyberspace….naghahanap ng mga bagay-bagay na pwedeng isalpak sa ginagawa kong Kaluskos Musmos at Uncle Bob Lucky 7 Club groups sa Facebook nang matalisod ko itong “jologs quiz” sa forum ng -- of all websites -- Cebu Pacific!



Hindi ko alam kung luma na ito o bagong gawang quiz …hindi ko rin masagot yung ibang tanong….pero sa interes ng mga ka-henerasyon ko…ipapaskel ko ito with picshurs na hinagilap ko na rin sa internet (salamat sa PEP, Nostalgia Manila at iba pang blogs at sites -- fair use lang po). Some answers originally posted with the quiz, I had to correct ... may detalye na wala doon, pero alam ko!

Basahin…sagutin…nang madagdagan ang inyong pagka-sibilisado…

Btw…. I scored 36 points on this quiz…. STANDARD JOLOGS lang daw ang rating ko…eeew!

Here goes the quiz ...

Hindi mo alam kung ano ang jologs? May mga nagsasabing jologs ka raw kung mas gusto mo ang Hiwaga Komiks, Luneta, at Renz Verano, kesa sa Harry Potter, Starbucks, at Brian McKnight.

Sabi naman sa Cybertambayan.com, jologs ka rin kung naki-uso ka, o naging pamilyar, sa kung ano man ang “in” sa isang partikular na panahon. Malabo pa rin? Eto ang isang quiz para malaman ang Jologs Quotient mo:

1. Ano ang title ng sitcom ni Lito Pimentel kung saan lumabas na tatay nya si Balut? (1 pt.)

2. Sino ang ka-loveteam nya dito? (1 pt.)

3. Ano ang pangalan ng lola sa Flor de Luna? (1 pt.)


4. Ano ang pangalan ng katulong sa Flor de Luna? (1 pt.) Ano’ng apelyido nila Flor at Rene Boy? (1 pt.) Sino ang gumanap na yumaong ina ni Flor de Luna? (1 pt.)

5. Ano ang pamagat ng sitcom na pinapalabas bago ang mga robot cartoons sa Channel 7? Sinong bida dito? (2 pts.)

6. Sino ang gumanap sa Kulit Bulilit na lumabas din sa pelikulang Macho Dancer? (1 pt.)
7. Ano’ng pamagat ng soap opera kung saan lumabas ang mga tauhan na sina Carding, Luisa, at Peping? (1 pt.) Sinu-sinong mga artista ang gumanap sa kanila? (3 pts)


8. Ano ang pamagat ng pelikula kung saan lumabas si Rio Locsin bilang isang daga? (1 pt.)

9. Sinu-sino ang mga softdrink beauties? (3 pts.)



10. Sinong artista ang pumukpok ng microphone kay Dr. Rey de la Cruz sa TV show na Rumors, Facts and Humor? (1 pt.) Sino ang anak nya? (1 pt.) Ano ang children’s show na nilabasan nya? (1pt.)

11. Saang sitcom unang lumabas si Miss Tapia ng Iskul Bukol? (1 pt.) Ano ang totoong pangalan ni Mang Temi? (1 pt.) Ano’ng buong pangalan ni Vic? (1 pt.) Sinong gumanap na ama ng Escalera Brothers? (1 pt.)

12. Sino ang mga bida sa bagets? (5 pts.)


13. Sinu-sino ang cast ng Champoy? (6 pts.)
14. Saang sitcom unang tinawag na Bistek si Herbert Bautista? (1 pt.)


15. Ano ang title ng sitcom ni Apeng Daldal? (1 pt.) Ano ang pangalan ng gitarista nya dito? (1 pt.)

16. Ano ang pangalan ng mga anak nila John and Marsha? (3 pts.)




17. Ano ang pangalan ng asawa ni Rolly sa John and Marsha? (1 pt.)

18. Sino ang ka-loveteam ni Nikki Martel? (1 pt.)
19. Ano ang pelikula nina Aga Mulach at Herbert Bautista after Bagets? (1 pt.)
20. Saang Tv show laging pinapatugtog ang “It’s my turn to see what I can see” sa closing credits? (1 pt.)


21. Ano ang pangalan ni Freddie Webb sa Chicks to Chicks? (1 pt.)


22. Sino ang cast ng Triple Treat? (3 pts.)

23. Ano ang title ng movie ni Kuya Germs at ano ang theme song ditto? (2 pts.)

24. Ano ang unang TV series ni Judy Ann Santos? (1 pt.)

25. Ano ang unang variety show ni Lea Salonga? (1 pt.)

26. Ano’ng title ng sitcom nina Ading Fernando, Lilian Laing, Janice Jurado, at Soxy Topacio? (1 pt.) Ano ang pangalan ni Janice Jurado ditto? (1 pt.)

27. Ano ang pangalan ng foreign actor na katambal ni Maricel Soriano sa Ang Boyfriend Kong Kano? Meron din syang commercial (Sarsi with egg). (1 pt.)

28. Sino ang ka-partner ni Rey “PJ” Abellana sa Anna Liza? (1 pt.)

29. Ano ang title ng TV show nila Agot Isidro, William Martinez, at Strawberry? (1 pt.)

30. Sino ang ka-love triangle nila Sheryl Cruz at Romnick Sarmenta? (3 pts.)


ANSWERS (and more useless jologs trivia)
1. Manok ni San Pedro (1 pt.) Tony Calderon played the role of San Pedro.

2. Kristine Garcia (1 pt.)
3. Donya Agueda (1 pt.). Evil mother of evil stepmother Tita Jo (played by Laurice Guillen), and evil grandmother of evil stepsister Wilma (who later dies after making amends to poor Flor).
4. Soling (1 pt.), Alicante (1 pt., tatay nila si Colonel Leo Alicante, played by the late Dindo Fernando), Emma Yuhico (1 pt.).
5. Prinsipe Abante (1 pt.), starring Bert “Tawa” Marcelo in a Prince Valiant wig. Kapatid nya si Prinsipe Aburido. (1 pt.)
6. Timmy Diwa (1 pt.). Kulit Bulilit was a project of Kabataang Barangay Chairperson Imee Marcos, who regularly appeared on the show. The theme song? “They are whatchamacallit, kulit bulilit!”

7. Gulong ng Palad (1 pt.). Ronald Corveau, Marianne de la Riva, and Romnick Sarmenta (3 pts.)
8. Kambal sa Uma. (1 pt.). Very weird movie serialised from Kislap magazine.
9. Coca Nicolas, Sarsi Emmanuel, and Pepsi Paloma. (3 pts.). Then of course, there were the Liquor-Boulevard Beauties (Vodka Zobel, Brandy Ayala)

10. Divina Valencia (1 pt.). Dranreb (1 pt.), Kaluskos Musmos (1 pt., also starring a very young Maricel Sorriano).
11. Baltic & Co. (1 pt.); Artemis Batungbuhay (1 pt.); Victorio Ungasis (1 pt.); Rod Navarro (1 pt.)
12. Aga Muhlach, J.C. Bonnin, Raymond Lauchengco, William Martinez, Herbert Bautista (5 pts.)
13. Noel Trinidad, Subas Herrero, Tessie Tomas, Gary Lising, Maya (later known as Mitch) Valdez and Cherie Gil (6 pts.)

14. 2+2 (1 pt.)

15. Cafeteria Aroma (1 pt.) Minyong Villegas (1 pt.)

16. Rolly, Shirley at Atong (3 pts.)
17. Madel (1 pt.)
18. Tina Godinez (1 pt.)
19. Campus Beat (1 pt.)
20. Coney Reyes on Camera (1 pt.)
21. Jimmy Capistrano (1 pt.)
22. Randy Santiago, Keno, and Gino Padilla (3 pts.)
23. Payaso; Send in the Clowns (2 pts.)
24. Ula (1 pt.)
25. Love, Lea (1 pt.) on Channel 4, co-starring, if we remember , Ariel Ureta and Gerard Salonga.
26. Duplex (1 pt.); Liweng (1 pt.)
27. Danni Vanni (1 pt.) And if you remember him, the name Tom Babauta should likewise be familiar.
28. Leni Santos (1 pt.)
29. Mana-Mana (1 pt.)
30. Joed Serrano (3 pts.) Bonus: sobrang jologs kung alam mo to

SCORING:
55+ Lord of the Jologs
40+ Proud Jologs
25+ Standard Jologs
10+ Lowly Jologs
9 below Ayaw Umamin na Jologs

(Note: Para lang 'to sa mga Martial Law Babies o mas matanda pa ang quiz. Alam na ng mga “Generation Y” ang Jologs Quotient nila.)

1 comment:

  1. Hi there!

    Can I borrow that quiz you posted? It seems fun! My friends and I can use it for our parties.

    Thank you.

    ReplyDelete